news

TV5 showbiz-oriented shows Paparazzi and Juicy! go off air

by Arniel C. Serato posted on July 31, 2012  STATS: 44735 Views | 47 Comments

Nagpaalam na sa ere ang weekly showbiz talk show na Paparazzi, samantalang huling linggo na ng Juicy! this week. Sa pagsasara ng dalawang TV5 shows na ito ay isang bagong daily showbiz-oriented show ang papalit—ang Ang Latest, na ihu-host nina Cristy Fermin, Mr. Fu, at Lucy Torres-Gomez.

Photo By: Courtesy of TV5

Kumpirmadong last episode na ng TV5 Saturday talk show na Paparazzi Showbiz Exposed noong Sabado, July 28, 2012.

Hindi man nagsabi ng pamamaalam sa ere ang mga hosts, ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay nasabihan daw ang mga ito, pati na ang mga staff.

Umabot ng dalawang taon at halos tatlong buwan ang ipinamalagi sa ere ng Paparazzi, na nagsimula noong April 2010.

Kasama sa original hosts ng show sina Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, Dolly Anne Carvajal, at DJ Mo Twister.

Nang umalis si Mo Twister sa programa early this year ay pinalitan siya ni Zoren Legaspi.

Noong nakaraang buwan naman ay biglaang nag-resign si Ruffa dahil hindi raw nito nagustuhan ang naging treatment sa kanyang birthday segment. Nabastos umano siya, na itinanggi naman ng kanyang kapwa-hosts.

Naging guest co-hosts sa ilang episodes sina Congressman Lucy Torres-Gomez at ang asawa ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez.

Matagal nang usap-usapan na magsasara ang Paparazzi noon pa man, pero hindi ito natuloy.

Nitong nakaraang trade launch ng mga bagong shows ng Kapatid Network sa may Elements sa Centris, isa raw ito sa mga isyung inusisa ng press sa ilang executives, pero pinabulaanan pa rin nila ang kumakalat na balita.

JUICY GOES TOO. Isa pang kumpirmado ay ang tuluyan na ring pamamalaam ng Juicy!, ang daily showbiz talk ng istasyon.

Halos apat na taon na rin ito sa ere. Nagsimula ang Juicy noong August 2008.

Hanggang Biyernes, August 4, na lamang mapapanood sa ere ang longest-running daily showbiz show ng Kapatid network.

Matatandaang isa ang Juicy! sa itinuturing na flagship shows ng TV5 nang magbukas ito noong 2008.

Unang naging host ng show si Alex Gonzaga, at di naglaon ay sinamahan siya ni IC Mendoza.

Nang tumuntong ito sa ikatlong taon ay sinamahan na sila nina Cristy Fermin, Shalala, at Mo Twister.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

47 Comments

  • CmonTryMe

    07/31/2012 | 11:21 AM
    Kung dahil lang sa mababawasan na ang paglabs ni Cristy Fermin sa TV -NAGBUBUNYI AKO!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BrunoEsmeralda

    07/31/2012 | 11:13 AM
    Congrats ate Cristy Fermin. Mapapalitan lang bale ang title ng talk show, pero siyempre mga latest showbiz chizmiz pa rin ang hatid ng programa. I am sure, VERY HAPPY si Kuya Pete AMPALAYA para sa success ng tinatamasa mo noong mga nakaraang taon at ngayong taon na ito at sa mga darating pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • scrub

    07/31/2012 | 11:09 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • topnotcher

    07/31/2012 | 11:06 AM
    dapat si chisharon ilagay. nang may ginagawa naman sya... kaya lumalaki lalo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ike
    07/31/2012 | 12:47 PM
    oi in fairness kay ate sha kahi't malaki sha cute ang mukha...
  • familytree

    07/31/2012 | 10:58 AM
    Pag andyan si cristy fermin walang kwenta ang show. Hanggang nandyan sya hindi yan panonoorin ng tao at hindi yan magre-rate.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Pedrohh
    07/31/2012 | 06:18 PM
    agree here...
  • markerik

    07/31/2012 | 10:56 AM
    wawa naman tv5. they havent found the right formula yet for shows that will rate
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dustmyeat

    07/31/2012 | 10:45 AM
    kahit on-air ang mga ito parang off-air na rin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About