"Wala na... wala na akong gaganunin, mga anak ko na lang.”
WHAT HE WILL MISS MOST. Tinanong ni Boy si Vandolph kung ano ang pinakanami-miss niya sa ama.
“Him,” ang mabilis niyang sagot.
“The whole Dolphy—whole. Buo talaga. His laugh, joke, love... everything.
“The way he tells me na, ‘Ganito ang porma mo dapat… ito dapat.’”
Sabi ni Vandolph, ang style nga niya nung araw na yun sa The Buzz ay pormang Dolphy.
Yung suit daw niya ay bigay ng ama two years ago.
“Sabi ko, ‘Pa, parang kasya sa akin ‘yang suit mo. Sakto.
"Sinukat. Tapos, 'Sige na, sa iyo na.’ Yun lang.”
DOLPHY'S LEGACY. Si Dolphy ay kilala ng marami bilang isang mabuting tao. Kung kaya’t bilang isang anak, ano ang baon ni Vandolph mula sa ama?
Una, bilang aktor:
“Lalo kong mamahalin ang trabaho ko. Laging sinasabi sa akin ng tatay ko, ‘Just continue making people happy.’
“So, ako, yun ang sinasabi ko talaga. Ipagpatuloy ko ang pagpapatawa. Ipagpatuloy ko yung legacy na tinuloy niya.
“Lahat kaming magkakapatid, kapag pinagsama-sama mo, Dolphy yun!”
Pangalawa, bilang ama:
“Siyempre, I’ll be a good father, like my dad. Kung paano niya ako pinalaki, ganoon ako.
“And siyempre, sorry Pa, ha, hindi ko na daragdagan ng eighteen ang anak ko! Okay na ‘ko sa apat.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
4 mccec65
3 artwork
2 henriettopex
1 bantaybata