Iniiwasan pa rin ni Jose Manalo na pag-usapan ang tungkol sa mga pinagdaanan nitong isyu sa asawang si Anna Lyn Manalo.
Pagkatapos mabasura ang kasong Violation of Republic Act 9262, o Anti-Violence Against Women and Children, na isinampa ni Anna Lyn laban sa kanya, gusto nang manahimik ni Jose.
Ayaw na raw niyang palakihin pa ito alang-alang sa kanilang mga anak.
Pero inaamin niyang sa ngayon ay parang nagsisimula na naman siya, at kailangan niyang mag-ipon para may maipundar siya.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jose sa first shooting day ng pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Me noong Sabado, June 28, sa N. Domingo, Quezon City.
Nang tinanong namin sa kanya ang condo unit na nabili niya noon, napangiti lamang ang komedyante.
Halatang iniiwasan na lang niyang pag-usapan kung bakit wala na ang condo na tinutukoy namin.
Sabi lang niya, “Parang nag-i-start pa uli, e. Kailangang mag-ipon pa muna.
“Hindi ako susubo agad sa bagay na bibili kaagad, na hindi mo pa naman kaya. Huhulugan mo lang? Siguro mag-ipon pa muna talaga.
“Kung meron mang sapat na pera, ayoko pa ring isubo sa ganun.
“Kung magpatayo man ng bahay, baka mamaya… yun nga, baka hindi matapos, hindi natin alam kung kailan.
“Kung may maiipon, mag-ipon.
“Kumbaga, yung mga naipon ko, magagamit sa pag-uumpisa. Mag-ipon lang nang mag-ipon para maging maayos.
“Kung meron mang darating na negosyong puwedeng gawin, gawin natin. Para mag-start ka sa isang negosyo na puwedeng gawin.
“Hindi lang ito yung maasahan mo, na kung sakali, huwag naman sana, na kung matapos ang trabaho natin, meron agad tayong trabaho na puwedeng gawin.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
10 lpjohns12
9 storm_02
8 kontilang
7 skittlesrainbow
6 LosAngeles
5 Lieutenantcaine
4 bulagafan
3 daring_nina
2 mandaville
1 winklebee