news

Susan Roces's wish on 71st birthday: “Wala akong tanging wish kundi maging healthy at maging independent, na hindi ako umaasa na may aakay sa akin."

by Arniel C. Serato posted on August 1, 2012  STATS: 9617 Views | 9 Comments

Susan Roces on her dream role: “Ako, sa ngayon, gusto kong i-project naman ang mga senior citizen na hindi lang basta sa bahay na lang na walang ginagawa, naghihintay na lang ng panahon kung kailan sila kunin ni Lord."

Photo By: Noel Orsal

"Kaya hindi mawawalan ng role na gusto mong gampanan.

“Ako, sa ngayon, gusto kong i-project naman ang mga senior citizen, na hindi lang basta sa bahay na lang na walang ginagawa, naghihintay na lang ng panahon kung kailan sila kunin ni Lord.

“Gusto kong i-project yung totoong senior citizens sa ngayon, na nakahanap ng bagong kalayaan, dahil napag-aral na niya, napagtapos na niya, ang kanyang mga anak.

“So, panahon na para isipin naman niya kung ano naman ang gusto niyang gawin sa sarili niya.

“Yun ang kinalalagyan ko sa kasalukuyan, na nagagawa ko na yung mga bagay na gusto kong gawin sana nung aking kabataan.

“Pero dahil sa pangangailangan siyempre, nag-prioritize ako, at inuna ko muna yung aking mga obligasyon bilang anak, bilang asawa, bilang kapatid.

“Ngayon naman, para sa sarili ko,” saad ng Queen of Philippine Movies.


BIRTHDAY WISH. Ipinagdiwang ni Miss Susan ang kanyang 71st birthday noong July 28, tatlong araw matapos naman ng 84th birthday sana ng kanyang kaibigang si Dolphy.

Ano ang wish niya sa kanyang kaarawan?

Aniya: “Wala akong tanging wish kundi maging healthy at maging independent, na hindi ako umaasa na may aakay sa akin—yun naman ang indie ko.”

« Prev  1  2  

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • avidreader53

    08/03/2012 | 06:26 AM
    I really admire this lady. Matinong matino hindi gaya ng ibang aging stars na tumatandang paurong. Good luck Susan .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iamwaleed26

    08/03/2012 | 04:21 AM
    happy birthday manang henya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sexydulce

    08/02/2012 | 05:31 PM
    sana yung mga senior stars na tulad ninyo ay mabigyan din ng mga parangal. Ang mga naunang movie queens: gloria romero, susa roces, amalia fuentes. Di hamak na magaganda ang batch nyo! Walang retokada! Happy birthday po!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    humandynamics
    08/03/2012 | 06:24 AM
    Tama ka diyan, classic beauties at walang retokada.
  • skittlesrainbow

    08/02/2012 | 08:02 AM
    i've been a fan since as long as i remember pero bakit masyado syang nagmamataas sa mga tunay na anak ni fpj sa ibang babae? wala namang kasalanan ang mga bata ang naging kapalaran nila bilang mga anak sa labas.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    humandynamics
    08/02/2012 | 12:58 PM
    Mahirap sigurong tanggapin para sa kanya at siguro pag nakikita niya sila naalala niya ang mga betrayals na ginawa sa kanya.. kasi kung anak siguro ni fpj from previous relationships ang mga yan mas madaling tanggapin, kaya lang naging anak niya sila DURING their marriage. so parang mahirap nga, maski walang kasalanan ang mga bata, anak pa rin sila ng mga babaeng hindi rumespeto sa kasal niya at nanakit sa kanya.
    gmabs27
    08/03/2012 | 12:21 AM
    nagmamataas? you want her to embrace them just like her own? ayoko sa lahat ang sobrang martir,,,, kasi walang mang-aabuso kung walang magpapa-abuso
    avidreader53
    08/03/2012 | 06:31 AM
    I can't blame Susan. Kung anak sila ng asawa niya before their marriage, sigurado ako, tanggap ni Susan sila. Pero these children were products of deception at kalandian ng mga babeng pumapatol sa may asawa . Hanga ako sa iyo Susan pero sorry, I dont like FPJ. He cheated on Susan many time during their marriage. Ang bait ni Susan ,napatawad pa rin niya ang asawa niya. Dont expect her to accept her husband's children from other women. Maging hypocrite siya kung tanggapin niya sila khait walang kasalanan ang mga anak.
    avidreader53
    08/03/2012 | 06:32 AM
    I can't blame Susan. Kung anak sila ng asawa niya before their marriage, sigurado ako, tanggap ni Susan sila. Pero these children were products of deception at kalandian ng mga babeng pumapatol sa may asawa . Hanga ako sa iyo Susan pero sorry, I dont like FPJ. He cheated on Susan many time during their marriage. Ang bait ni Susan ,napatawad pa rin niya ang asawa niya. Dont expect her to accept her husband's children from other women. Maging hypocrite siya kung tanggapin niya sila khait walang kasalanan ang mga anak.
  • czeska221

    08/02/2012 | 07:13 AM
    happy birthday! hope your wishes will come true.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zhan2012

    08/02/2012 | 01:19 AM
    yes un lang cguro ang pinaka magandang wish yung health mo eh ok na ok. honestly dati i really dont like her lalo na nung time ng election time. pero sa walang hanggang it change everything it really shows at nakita ko ung soft side niya n na fel ko ung sincerity niya. happy bday n many bdays to come.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winklebee

    08/01/2012 | 08:19 PM
    ang artistang kagalang galang.. khit na sina tito vic and joey ay tunay na gumagalang sa kanya at di nakalimutang batiin sa kanyang bday sa eatbulaga... hapi bday po!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • diocyl

    08/01/2012 | 05:40 PM
    The Real Movie Queen for life !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aaronick

    08/01/2012 | 02:50 PM
    Anothr National Artist in the making.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About