news

Alex Gonzaga on her parents' reaction to her suitors: “Yung isa naman, nabigyan naman siya ng matinong smile ng mommy ko, pero hindi siya binabaan ng daddy ko.”

by Rey Pumaloy posted on August 1, 2012  STATS: 51379 Views | 22 Comments

Alex Gonzaga says she is not treated special at TV5: “Pag sila ang may trabaho… ako, kami naman ang pinapahinga. Pag kami naman ang may trabaho, sila naman yung meron. Hindi naman yung lagi-lagi ako. Give and take lang naman.”

Photo By: Noel Orsal

Naniniwala si Alex Gonzaga na lahat ng mga prinsesa ng Kapatid network ay inaalagaan nang husto ng istasyon.

Kaya sa last episode ng Paparazzi noong Sabado, July 28, nag-guest si Alex para i-promote ang bago niyang serye na Enchanted Garden.

Sinabi ni Alex sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Broadway TV5 studio na hindi naman parating siya ang may trabaho.

“Hindi naman kasi… nawalan rin naman ako ng… pinapahinga lang kami,” simula niyang paliwanag.

“Pag sila ang may trabaho… ako, kami naman ang pinapahinga.  Pag kami naman ang may trabaho sila naman yung meron.  

“Hindi naman yung lagi-lagi ako. Give and take lang naman.”


REGULAR PROJECTS. Ang pinakahuling serye ni Alex ay ang P.S. I Love You, na nagtampok muli sa team-up nila ni Kean Cipriano.

“Pero nag-Toink naman ako and may Juicy ako that time, at ngayon nga, 'eto pa lang yung serye ko, ang Enchanted Garden.

“Mula March, wala akong soap.  Eto lang, pagpasok ng taping namin ng Enchanted Garden ako nagkaroon ng series.”

Gaano katagal ba silang pinagpapahinga ng TV5 bago sila uli bigyan ng trabaho?

“Depende sa TV5. Usually, parang inaabot ng one season, usually.

“Kasi sa Hampaslupa, after three months, two months rin akong walang trabaho.

“Natapos kami ng June, October nagka-P.S. I Love You naman ako. Usually, after three months.

“Sa soap lang ako nababakante, kasi that time nagdyu-Juicy ako, tapos marami kaming guestings dito sa TV5.

“At saka kaka-graduate ko lang nung March. Kaya nung nawalan ako ng trabaho, nakapagpahinga kami ng kapatid ko [Toni Gonzaga].

Nagbakasyon muna kami, nag-States kami.”


VIVA CONTRACT. Isa sa mga malaking tanong sa career ni Alex ay kung ano na ang nangyari sa movie contract niya sa Viva Films.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

22 Comments

  • ike

    08/01/2012 | 07:10 PM
    hahaha kakaloka isang magulang ang umiirap sa manliligaw at isang di bumababa ng hagdanan. matira matibay, pag ala tiyaga alang maaasahan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MIKYA

    08/01/2012 | 05:45 PM
    kaya ko inaayawan ate mo dahil sayo,pag showbiz kase mataas expectation ng tao na kailangan buong angkan mo lahi ng maganda..lol....bakit kase nagso showbiz pa wala ka naman ganda...anyway mukhang alam mo naman na wala ka nun kaya accepted mo na wala kang karapatan mag demand sa viva ng movies..mukhang wala ka namang yabang attitude so gudluck sa career mo..
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    onechismis
    08/02/2012 | 02:22 AM
    napaka shallow mong tao. tinitignan mo lang knug anong itsura ng isang tao physically. nakakaawa yung mga taong katulad mo.
    MIKYA
    08/02/2012 | 07:56 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About