news

Kristoffer Martin inspired to do more challenging roles after Oros

by Ruel J. Mendoza posted on August 1, 2012  STATS: 5305 Views | 9 Comments

Kakaibang Kristoffer Martin ang napanood sa indie film na Oros, kaya naman na-challenge nang husto ang young actor na gumawa pa ng mga roles na malayo sa kadalasan niyang ginagampanan sa TV.

Photo By: Nimfa Chua

RIVALRY WITH DERRICK. Habang naghihintay si Kristoffer ng bago niyang film role, nakatuon ang atensiyon niya ngayon sa role bilang Joaquin sa ikalawang yugto ng GMA-7 priemtime series na Luna Blanca.

Hindi lang daw si Bea Binene ang nakakaeksena niya rito kundi pati na rin si Barbie Forteza. Sa kuwento, may nabuo na ring love triangle sa kanila ni Derrick Monasterio.

Dahil parehong bini-buildup ng Kapuso network sina Kristoffer at Derrick bilang leading men, magkaroon kaya sila ng matinding rivalry?

Ayon kay Kristoffer, “Kami ni Derrick, para sa amin, enjoy kami sa trabaho. Hindi kami gumagawa ng puwede naming tawagin na competition.

“Pareho nga kaming nasa isang show pero nagtutulungan kaming dalawa.

“Lalo na kapag may mga eksena kaming magkakasama, wala yung kailangan mas magaling ako sa ‘yo. Wala kaming gano’n.

“Dahil siguro mas nauna yung pagiging magkaibigan kami ni Derrick kesa sa naging magkalaban kami sa trabaho.

“Kaya kahit ano pa ang mangyari sa career namin ni Derrick, magiging masaya kami para sa isa’t isa at magsusuportahan kaming dalawa.”

BEA & JAKE. Tungkol naman sa pakikipagtambal niya kay Bea, sinabi ni Kristoffer na wala silang problema ng ka-loveteam ni Bea na si Jake Vargas.

Matagal na rin daw silang magkaibigan ni Jake bukod sa pareho silang taga-Olongapo City.

“Pareho po kaming batang Gapo ni Jake kaya walang problema sa aming dalawa.

“Noong i-partner naman si Bea sa akin, ipinaalam ko naman ‘yan kay Jake. Okey lang naman po kay Jake.

“Hindi naman daw sasama ang loob niya sa akin dahil alam niyang trabaho ang lahat,” sabi ni Kristoffer.

« Prev  1  2  

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • merlion_25

    08/02/2012 | 06:09 PM
    Kung Fu kids??? Ano yan? Tv show? Radio program?? Hahaha. Walang recall. Promise.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    eazypinoy
    08/03/2012 | 02:32 AM
    walang recall kamo katulad ng HALOS LAHAT ng shows ng gma lol! It doesn't matter ang mahalaga mainform kayo na KAPAMILYA muna si Kristofer Martin bago sya naging kapuso lol! Kaya pala magaling sa aktingan ang batang to nagmula pala sa abs lol!
  • eazypinoy

    08/02/2012 | 03:12 AM
    FYI lang nagsimula si Kristofer Martin sa ABS-CBN via Kung Fu Kids nung 2008 so sino ngayon ang namirata? lol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    eazypinoy
    08/02/2012 | 03:14 AM
    kung bumalik man siya sa ABS eh binalikan lang nya ang dati nyang tirahan..
  • merlion_25

    08/02/2012 | 01:25 AM
    Kumakain ng alikabok ni Kapuso Tween Star Kristoffer Martin ang mga aktor-aktoran ng abscbn. Lalong lalo na ung mukhang ding-ba na pamangkin ni Binoe. so ewwwwww.. LOL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ICUM2U

    08/02/2012 | 01:09 AM
    GMA sana mabigyan siya ng sariling show, magaling siya,,, mga Kapamilya hintay hintay lang muna wag mag apurang ma pirate c Kristoffer... kayo naman mag build up din kasi kayo ng sariling artista nyo d pirate ng pirate...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Acotoh

    08/02/2012 | 12:00 AM
    Ah, cia pala c kristoper martin, Malaking pagkakamali kc ang pinili mong network, di ka tuloy maxado nakikilala. Guapo ka pa naman sana at tiak my potential ka. Pero wag ka ng lipat ng abs, tyak, magagalit n namn ang mga bitter na kapuso eh,. sabihin pinirata na nman khit alam nilang mali ang mag stay sa network nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    alexangel
    08/02/2012 | 12:28 PM
    galing sya sa pirate network pero lumipat dahil tengga.
  • shellphone

    08/01/2012 | 10:40 PM
    His a good actor , I hope mabigyan ka ng drama show ng GMA.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    08/01/2012 | 08:59 PM
    Galing nang bat ang 'to.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Stellathestar

    08/01/2012 | 08:41 PM
    He looks like a young Richard Gomez.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jamila_claire

    08/01/2012 | 05:33 PM
    lilipat karin ng abs..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About