news

Bangs Garcia says it's possible to fall for Kean Cipriano: "Sobrang click yung personalities namin."

by Glen P. Sibonga posted on August 1, 2012  STATS: 11102 Views | 6 Comments

Bangs Garcia on her ideal man: “Honestly, wala po akong ideal man. Ang sa akin lang po, ang gusto ko ay God-fearing, gusto ko ay matalino. Gusto ko ay I can learn something from him, kasi I’m very talkative e, kaya gusto ko yung nakaka-cope up with me sa conversation.”

Photo By: Noel Orsal

Aminado si Bangs Garcia na si Kean Cipriano ang naging pinaka-close sa kaniya sa lahat ng mga artistang lalaking kasama sa cast ng pelikulang The Reunion.

Sa presscon ng pelikula ng Star Cinema kagabi, Hulyo 31, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound, naitanong sa buong cast kung kanino sila maaring mai-in love sa tunay na buhay sa mga kasama sa cast.

Sagot ni Kean: “Si Bangs talaga, hindi ako nagbibiro. Kung puwede lang sanang magka-developan, game ako. Timing lang talaga, e.”

Maging si Bangs ay si Kean din ang pinili.

Paliwanag ng sexy actress: “Kasi siya yung pinaka-nakakausap ko sa set. Mas marami kaming bonding moments compared to the other guys.

"Mas nakikilala ko si Kean nang husto compared to the other guys. So, Kean.”

POSSIBLE RELATIONSHIP? Hindi pa natatapos ang presscon ay nagpaalam na si Bangs dahil kailangan niyang bumalik sa taping ng kinabibilangan niyang ABS-CBN afternoon teleserye, ang Kung Ako’y Iiwan Mo.

Mabuti na lang at pinagbigyan pa niya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang press para makausap siya tungkol sa naging sagot nila ni Kean sa presscon.

Kaagad tinanong ng PEP si Bangs kung posible bang mauwi sa totohanang relasyon ang magandang pagtitinginan nila ni Kean.

“Ang masasabi ko lang, walang imposible,” matipid na sagot ni Bangs.

So, ibig sabihin, puwede talaga?

“Tingnan natin.”

Single ba siya ngayon?

“I am entertaining.”

So, puwede niyang i-entertain si Kean bilang manliligaw?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • lanalang08

    08/03/2012 | 02:40 PM
    akala ko ba in relationship itong si bangs at baket ngayon ay flirting with kean.wala na bang ibang mapagpipilian. kaya maski sino na lang ang lumapit ay ok. tasteless tuloy ang labas niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rubytuesdaypm

    08/02/2012 | 09:59 AM
    Bangs and Denise Laurel are the the sexiest but underrated showbiz celebrities. They both are not the "typical" look of mestza. They just have IT, the X factor, the sex appeal
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    08/02/2012 | 02:30 AM
    si bang garcia ang paseksing may class... at may talent... hindi kagaya ng mga nasa timog like solenn at sam... puro kalandian lang alam, bano naman sa actingan.. mwaahahahaah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    eyck11
    08/02/2012 | 07:22 AM
    magaling mag painting at kumanta si solenn. talent un di ba?
  • PTnextdoor

    08/02/2012 | 02:17 AM
    hay nku bangs sana iba na lng. Sana hindi ka na madagdag sa collections nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    08/01/2012 | 09:02 PM
    Sino itetchh?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • marilousyj

    08/01/2012 | 06:17 PM
    Hot couple! Puede...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About