Itinuturing ng Down To Mars, o DTM, na isang malaking oportunidad ang pagkakapili sa kanila na mag-perform sa International Exposition Yeosu Korea 2012.
Ang Down To Mars ay isa sa mga talents na ipinadala ng Department of Tourism para mag-perform sa cultural night ng festival.
Kasama ng DTM ang Ballet Philippines, University of Cebu Dance Company, at ang solo performers na sina Gian Magdangal at Kyla.
Nakilala ang bandang Down to Mars pagkatapos ng mahigit isang taon sa showbiz at makapag-release ng kauna-unahang album mula sa Polyeast Records.
Ang DTM ay regular na napapanood sa Party Pilipinas at iba pang shows ng GMA-7.
Sa isang palabas sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong July 20, nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang performance na gagawin ng Pinoy group sa Korea.
HOW IT WAS. Sa pamamagitan ng email ay nakausap ng PEP ang Down To Mars, at dito ay ikinuwento nila ang mga naging karanasan sa Korea.
Ang DTM ay binubuo nina Daisuke Hagihara, Kenji Chua, Yheen Valero, Sky Young, Jang Seung, Kiro Rivera, and Jeong Won.
Paumpisa ni Daisuke, “Sobrang saya ko dahil first time ko makapunta ng ibang bansa, at sa Korea pa.
“Isa sa pangarap ng banda namin yun na natupad.
“Sulit yung pinaghirapan namin na two months sa rehearsal dahil maganda yung naging outcome ng performance namin, at nagustuhan din kami ng mga Korean.
“Isang malaking karangalan sa amin na i-represent ang Pilipinas at hindi kami magsasawa na gawin yun para sa bansa na minahal at kinalakihan namin.”
Ang half-Filipino/half-Korean na si Jeongwon ang masasabing lumaki at nag-aral talaga sa bansang Korea.
Sabi ni Jeongwon, “It was a very overwhelming experience.
“I never thought in a million years that I, we, would be representing our country in a big event like the World Expo.
“At first, may kutob na ako na tatanggapin kami kahit papaano ng mga Koreans kasi alam ko na yung culture nila when it comes to foreign artists.
“Since 70 percent of the audience are Koreans and 30 percent are Filipinos...but it exceeded my expectations.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 rotoscaper
10 Stantiel
9 xyz_abc
8 mrsenchong
7 Adikreader
6 DonnaBataller
5 luckyjoy
4 krystyl
3 ako_kenkoy
2 Lieutenantcaine
1 pinoyako24