Espesyal para sa Kapuso young actress na si Barbie Forteza ang selebrasyon ng kanyang ika-15 kaarawan.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-celebrate siya kasama ang 75 na batang maysakit sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City. Karamihan sa mga ito ay may sakit na cancer.
Ang party at outreach program, na ginanap sa compound ng PCMC kahapon, Agosto 2, ay inorganisa mismo ni Barbie sa tulong ng GMA Artist Center (GMAAC) at ng kanyang ine-endorsong clothing brand.
“First time ko pong mag-birthday sa ganito.
“Kasi nag-meeting kami ng BNY Jeans at saka ng Artist Center at napag-usapan nga namin kung ano yung [gagawin]…
“Kasi sa totoo lang po talaga, hindi ako mahilig sa mga party. Pero naisip ko na kung talagang ise-celebrate ko yung birthday ko, sa mga ganito na lang, at least makakatulong pa.
“At saka actually, sa birthday ko, gusto ko hindi lang ako yung masaya, gusto ko marami akong iba pang napasaya sa birthday ko,” sabi ni Barbie nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press bago magsimula ang party.
Bukod sa pamimigay ng giveaways sa mga bata ng PCMC, nag-provide din ng entertainment si Barbie, kasama ang dalawang clown-hosts, sa pamamagitan ng games, kuwentuhan, at balloon twisting.
Present sa naturang party ang representatives ng BNY, gayundin ang staff ng GMAAC sa pangunguna ng officers na sina Simon Ferrer at Jenny Donato.
Pagkatapos ng naiibang selebrasyon niya sa PCMC, sa tingin ba niya masusundan pa ulit ang ganitong charity event?
“Actually, hindi naman kailangang birthday mo para gumawa ng ganito, e. Basta pag may free time, why not?”
LOVE FOR SHOES. Noong Martes, Hulyo 31, talaga ang mismong birthday ni Barbie. Naitanong ng PEP sa kanya kung ano ang ginawa niya sa araw na iyon.
“Una, pumunta po ako kina Sir Joey Abacan [GMA Films executive], nakitsika ako. Tapos kumain kami sa labas.
“First time ko pong pumunta doon sa mall ng Rockwell [sa Makati]. Kaming pamilya, pumunta kami. Doon ako bumili ng mga damit.
“Kasi yung mga sapatos na mamahalin, hindi ko pa kayang bumili, so mga damit na lang muna, yung magagamit ko na pang-events.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
15 lovelike
14 oskieness
13 dyoy19
12 alexangel
11 rotoscaper
10 whitehorse
9 Pnoyshowbiz
8 Adikreader
7 gorgeous_aleck
6 lanalang08
5 zephyrinthesky
4 futyakmod
3 bantaybata
2 purong_kapamilya
1 lucky7