news

Friends Aiko Melendez and Pops Fernandez "taking their time" when it comes to their lovelife

by Arniel C. Serato posted on August 3, 2012  STATS: 17229 Views | 12 Comments

Parehong single ngayon ang magkaibigang Pops Fernandez (left) at Aiko Melendez (right), pero hindi naman daw sila nagmamadali."We’re taking our time this time around," sabi ni Aiko. Pabirong sabad naman ni Pops: “Ako, I’m not taking my time, pero wala lang talaga.”

Photo By: Noel Orsal

Namataan ng PEP ang magkaibigang Pops Fernandez at Aiko Melendez sa gala premiere ng Cinemalaya entry na Sta. Niña sa Cultural Center of the Philippines noong July 24.

Bagamat pinagkaguluhan ang magkaibigan ng mga nakapilang manonood ng pelikula, napagbigyan pa rin nila ng maiksing interview ang ilang media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naroon daw sila para suportahan ang entries ng Cinemalaya, kabilang na ang pelikulang pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sabi pa ni Pops, “First time kung makapanood sa Cinemalaya, kaya nae-excite ako.”

Balak din ba nilang gumawa ng indie movie in the future?

"We’re planning. Siguro, I’ll be part of it. She’s my line producer,” sagot ni Aiko, sabay turo kay Pops.

Sabi pa ni Aiko, suspense-drama ang nais nilang gawing pelikula kapag maayos na ang lahat.

Kaya naman daw nagpapapayat na talaga ang mother of three para sa gagawing movie.

“Nagpapapayat talaga ako, kasi gagawa ako ng movie ulit. May new soap din, so I have to get back in shape again,” sabi ng magaling na aktres.

Si Pops naman ay hindi gaanong aktibo ngayon sa kanyang singing career dahil mas pinagtutuunan nito ng pansin ang kanyang production outfit.

Kamakailan nga lamang ay nag-produce sila ng celebrity golf tournament for a cause.

Ibig bang sabihin nito ay pinaninindigan na niya ang kanyang pagiging producer?

“Trying, tingnan natin,” sagot ng tinaguriang Concert Queen.

LOVELIFE. Inusisa ng PEP kay Aiko ang napapabalitang may bago raw siyang dini-date ngayon.

“Si Pops ang bago kong lovelife—she should know!” natatawang sabi ni Aiko.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  grinandgiggles

    08/04/2012 | 10:55 PM
    Akala ko 2 lang anak ni Aiko? Kailan kaya nila maging kaibigan si Ara Mina para 3x ni Jomari.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  KaloKAHka

    08/04/2012 | 03:00 PM
    Taking their time kuno kasi wala pa pong nagkakainteres sa kanila ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  jams_mom

    08/03/2012 | 10:30 PM
    if aiko's taking her time to have a lovelife, that's good news... that means she's not running next election... she's the only candidate i know who changes surnames and husbands every election...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    08/04/2012 | 01:50 AM
    LOL.
  • bac_tol

    08/03/2012 | 09:05 PM
    Ang alam ko din dalawa lang ang anak ni Aiko. Yung mga pics nila sa Instagram si Andrei at Mathena lang andun.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    huskybasty
    08/09/2012 | 03:57 PM
    mali yata ung reporter 2 lang din alam kong anak nya ah?
  • maechael

    08/03/2012 | 08:40 PM
    Tatlo na anak ni Aiko?Di ba dalawa lang,si Andrei at Marthena?Kung tatlo,sino ang ama ng pangatlo?Tell me naMan!na curious tuloy ako!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    08/03/2012 | 04:48 PM
    Taking their time?? Si Pops puede pang sabihin na nagte take ng time dahil wala kang masyadong naririnig sa kanyang lovelife pero si Aiko?? Please naman, nakailang annulment na siya di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gobernadora

    08/03/2012 | 03:24 PM
    dapat talaga ganoon, magkasundo at maging friends. di naman sila pinagsabay ni jom. nakakatuwa, si aiko naka-3 anak na rin sa ibat ibang lalaki at baka maging 4 pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rotoscaper

    08/03/2012 | 01:53 PM
    i hope Time won't have anything to do with them though.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinaskongmahal

    08/03/2012 | 01:29 PM
    what happened to Pops face?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    maldita00
    08/06/2012 | 09:52 PM
    anong nangyari? mas maganda sha ngayon. mas maganda sha ngayon kase mas happy sha sa buhay niya, nagagawa nya mga gusto nyang gawin at walang sakit ng ulo. hindi katulad ng ibang mga kasabay nya mukang matanda sa kanya at mga nalosyang
  • milomilo123

    08/03/2012 | 01:10 PM
    sigurado ako ang pinagusapan nila kong gaano ka yumy si Jom....dba ara
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sexydulce

    08/03/2012 | 01:03 PM
    sayang c pops. Bkt walang tv outfit na nag-ooffer sa kanya ng hosting job? She's a very good host! I like aiko betterwhen she was still single, time nila ni Aga. Ang ganda ng movie nila na "may minamahal" nakaka-inlove!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ike

    08/03/2012 | 12:58 PM
    Sana magbalikan n lang sina Pops at Martin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About