news

Aga Muhlach on running for congressman of Camarines Sur: "Kung may gagawin kang ganitong pagtulong e dun mo na gawin sa pinanggalingan ng pamilya mo talaga.”

by Arniel C. Serato posted on August 3, 2012  STATS: 11506 Views | 25 Comments

"Tayo naman, bilang isang artista, never naman ako nanloko ng tao. So, bakit ko pa naman gagawin ngayon yun? Na ngayong tumanda na ako, saka pa ako manloloko?” sabi ng aktor na si Aga Muhlach sa desisyong pasukin ang mundo ng pulitika.

Photo By: Noel Orsal

Matagal nang usap-usapan ang pagsabak ni Aga Muhlach sa pulitika.

Hindi man niya hayagang inamin noon na tuloy na tuloy na ang planong ito, marami ang nakapagsabing palagi na raw nag-iikot si Aga sa lugar ng kanyang ama at lola sa Goa, Camarines Sur.

Nagparehistro na rin si Aga bilang botante sa San Jose, isang barangay sa munisipalidad ng Goa.

Nayong araw, August 3, nakatakdang manumpa si Aga sa Liberal Party, bilang miyembro ng partido ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aga noong Abril ng taong kasalukuyan, nagpahayag na siya ng kagustuhang maglingkod sa bayan ng kanyang mga ninuno.

(CLICK HERE to read related story.)

AGA IN BICOL. Noong Mayo, nakapanayam muli ng PEP ang Pinoy Explorer host bago siya lumipad patungo sa Wil Time Bigtime launch sa Los Angeles, California.

Dito ay nagsalita siya tungkol sa madalas niyang pagbisita sa Bicol, partikular na nga sa Camarines Sur.

Marami nga raw ang natutuwa dahil “nakaka-bonding” nila ang aktor.

Sabi ni Aga tungkol dito, “Yes, masayang-masaya rin ako, sa mga katulad kong Bicolanos at Bicolanas. So, maraming-maraming maraming salamat sa inyong lahat.”

Noong una ay hindi pa kinumpirma ng 42-year-old actor ang posisyong kanyang tatakbuhin sa 2013 elections.

Sabi ni Aga, “Siguro, in time I will announce it. Alam naman na nila sa Bicol kung ano ang tatakbuhan ko.

“Sa ngayon, malayo pa naman ang pagpaparehistro. Sa October pa iyan, but, you know, we’re all set.

“Dun na ako naka… dun na ako nakatira talaga, and umuuwi lang ako dito [Maynila] kapag may trabaho ako.

“Masaya, masaya… Sa mga taga-Bicol, gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat.”

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

25 Comments

  • 25  qazx

    08/04/2012 | 07:03 AM
    Akala ko na si lray ang tatakbo sa congress edi sila maglalaban ni aga?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  gretelle

    08/04/2012 | 03:09 AM
    Wag na lang. Protect your privacy Aga. Help na lang quietly. Yayanigin and samahan nyo ni Charlene. Lahat nang masakit na past mo lalabas. Wag na lang. Kawawa naman your kids.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  showbizdak

    08/04/2012 | 03:03 AM
    good intentions are never enough. mapupunta rin sa wala pag wala kang alam sa pulitika at hindi matalino. bibilugin lang ang ulo mo ng mga kalaban mo at pati supporters. look at pnoy. daan matuwid and all but may nakikita ba talaga radical na pagbabago? hanggang rhetoric lang at strategy pa ay sinisisi ang nagdaang admin. i haven't seen any other pres na bukambibig ang past admin sa lahat ng problemang hinaharap. kaya nga iniluklok sa position dahil you are expected to resolve issues hindi blame ng blame.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  asamption1

    08/04/2012 | 02:40 AM
    I don't know what's up with you! Is it for the red carpet of SONA, the power that goes with it? Lumaki KA, yumaman KA, wala SA yo ang Camarines Sur, ngayon complete turnaround KA! SA issue ng Tia mo Hindi KA makapanindigan and teach Annabel Rama or mediate! I hope the people of Camarines Sur will give this a deep thought!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  bicolana_ako

    08/03/2012 | 11:21 PM
    hwag ka na lang pumasok sa politika aga,. madadamay ka lang sa away ng mag amang villafuerte,..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  shellphone

    08/03/2012 | 11:00 PM
    sus, wala ng career.ngayun na lang gumagawa ng maganda dahil mag rururun sa Bicol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  slickchick02

    08/03/2012 | 10:30 PM
    goodluck camarines sur
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  puckerlips143

    08/03/2012 | 09:22 PM
    Wala lang sa mood si aga kaya biglaan naisip nya tatakbo sya sa kongreso...nabobored lang sya at kelangan meron syang gawin or else mapapraning sya kasi tiningga na ata sya sa tv5 kaya ayan biglaan naisip nya why not sa politics doon nga naman magiging busy sya hayyy kayong mga artista walang kadala dala sana matatalino ang distrito na tatakbuhan nito ni aga. Like ko sya as an aktor pero politics oh goodness biglaan na desisyon is not a good sign it sounds like wala sa puso nabobored lang kaya gagawin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  gagaka_noh

    08/03/2012 | 09:09 PM
    KARAPATAN NYA TUMAKBO KUNG GUSTO NYA! MABAIT NMAN yung tao eh nene-nega nyo pa! at least sya matagal na sya active sa charities! Kala mo nman kung makapagcomment tong mga to ang babait nila eh nkikisawsaw na nga lang na nanalanka pa! hmmp
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  grinandgiggles

    08/03/2012 | 08:58 PM
    di ba panay travel pa nya cos of work sa tv5...baka naman ayaw nya lng mag stay sa tv5 kya tatakbo haha para may fallback sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  grinandgiggles

    08/03/2012 | 08:55 PM
    Pwede naman tumulong kahit di maging politician kung gugustuhin..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  chowee143

    08/03/2012 | 07:28 PM
    cge let's see kung tlagang sincere ka, nweis dami din nmn akong naririnig na matulungin ka lyk ung AGA pasko ng jolibee, sana lng nde ka maging RODERICK na ok ung image ng artista pa xa but then nong nanalo sa pulitika biglang naging kurakot. gudluck aga, sana mka help ka at kht papano magkaron ng liwanag ang buhay ng bicol coz of u. at most of ol, wag kang mag nakaw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  zephyrinthesky

    08/03/2012 | 06:57 PM
    Hay bkit b ang mga artistang nalalaos, politics ang hilig n fallback!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kapamilyaito

    08/03/2012 | 06:52 PM
    Naalala ko pa na nasabi nya sa interview na hindi sya kelanman tatakbo. Kung sincere eh di go! Good luck nalang..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  shobizaddict

    08/03/2012 | 06:50 PM
    sabi nga ni Mang Dolphy, madaling tumakbo pero pano pag nanalo? is he even a high school graduate?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  rotoscaper

    08/03/2012 | 06:31 PM
    lol never siya nangloko ng tao? it's like saying he's never taken a sshit in his life. :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    08/03/2012 | 06:30 PM
    Hay naku AGA!Sa susunod kase huwag kang magbibitiw ng salita na hindi kailangang pumasok sa pulitika para tumulong sa kapwa.Nagparinig ka pa nuon na ang daming corrupt sa gobyerno at look who's talking?Heto ka at papasok sa pulitika?In what sense?Para ko tuloy naiiisip na gagawin mo pang fall back ang pulitika tulad ng mga celebrities na nakaupo na ngayon.Nasilaw siguro si AGA sa pangako ng magiging ka Partido nya.Magkano ba ang Black Money sa likod ng mga pangako kapag nahalal ka bilang congressman AGA?Nakakahiya tsk tsk tsk..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • preciosa

    08/03/2012 | 05:51 PM
    I think if Aga is really sincere in this undertaking, WHY NOT? Anyone is free to run for public office! Ako ay naniniwala na matagal na yan nasa plano nya, hindi lang nya pinagsasabi. Tama naman na tutulong ka na rin lang, syempre, umpisahin mo kung saan ang roots mo. Sa tingin ko, may ibubuga naman si Aga. Pero sana, nagtapos muna sya ng college kung hindi pa para mas mabuti. Iba na kasi yung may tinapos ka. Gaya ni Isko Moreno, step by step nya ginawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bananakiller00

    08/03/2012 | 05:50 PM
    hay naku kinain rin nya ang sinabi nya noon.. pwede naman makatulong ng wala sa posisyon ek ek.. wooohh eh kasi wala na talaga siyang career kaya ganyan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dominicguevarra

    08/03/2012 | 05:46 PM
    que horror!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About