news

Pokwang on her would-be suitors: “Kahit na ano, basta may respeto.”

by Melba R. Llanera posted on August 4, 2012  STATS: 5672 Views | 11 Comments

Masaya si Pokwang sa breaks at training na ibinibigay ng Star Magic sa kanilang mga artista. Sabi niya: “Yun talaga ang ano [pinupursige] namin sa Star Magic—yung mga versatile ang mga artista nila.  Yun talaga ang gusto ng Star Magic talaga, na lahat kami mabigyan ng roles na hindi mo akalain na magagawa pala namin.”

Photo By: Noel Orsal

Hindi maiwasang abangan kung kailan talaga magkaka-lovelife si Pokwang.

Ito ay matapos kumpirmahin ng kaibigan niyang si Ai-Ai delas Alas na may bago nang boyfriend ito na pakakasalan sa pagtatapos ng taon.

Aminado naman si Pokwang na hanggang ngayon ay wala pa siya uling nagiging karelasyon.

Pero naniniwala raw siyang isa itong bagay na kusang darating kahit hindi niya hanapin.

   

“Ako, happy ako for Ms. Ai-Ai Pero ako, feel ko, malapit na siguro.  Naniniwala ako na magiging masaya din ako balang araw. 

   

“Hindi naman ako naghahanap, okay lang… ganun talaga.  Kita mo si Ms. Ai, hindi niya hinanap yun, pero 'binigay ni God.  So, ganun lang.”

AGE DOESN’T MATTER.  Tulad ng Comedy Queen, hindi rin issue kay Pokwang ang edad, kung mas bata man sa kanya ang magiging susunod na karelasyon. 

Tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nag-iingat din ba siya sa mga lalaking kasikatan lang niya ang habol.

   

“Kahit na ano, basta may respeto.  Marami na akong natutunan sa buhay, ‘yun na lang ang dala-dala ko araw-araw.

Sa ngayon ay ine-enjoy ni Pokwang ang company ng mga kaibigan.

Hindi naman daw tutol ang anak niya kung saka-sakaling magka-boyfriend siya sa ngayon.

   

“With friends.  Recently lumabas kami nila Angel [Locsin], ng Toda Max.  Kami ni Ms. Kris [Aquino], nanood kami ng The Healing

“Lumalabas ako pero puro mga kaibigan lang. 

“Sa edad niyang [ng anak niya] fifteen years old, nakakaunawa na siya, deadma lang siya.”

Kasama si Pokwang sa pelikulang The Healing, na hanggang ngayon ay patuloy na pinipilahan sa takilya.

   

“Congrats sa lahat ng bumubuo ng The Healing, lalo na kay Gov. Vilma Santos, Direk Chito Roño, sa lahat ng cast, kay Kim [Chiu], sa Star Cinema. 

“Maraming, maraming salamat sa lahat ng tumangkilik ng pelikula, hindi magiging blockbuster ang movie kung wala kayo.”

Masaya rin si Pokwang na ang pagsasama nila ng Star For All Seasons sa The Healing ay naging simula ng kanilang matalik na pagkakaibigan.

   

“Of course, tuloy-tuloy na yun.  Grabe si Gov. Vi… pag tinext mo, dalawa agad ang sagot at agad-agad.”

Pagkatapos ng The Healing, marami ang nakakapansin na medyo nalilinya sa mga seryosong roles si Pokwang, tulad ng sa Aryana.

Ang mga proyektong ito raw ang ikinatututwa ng komedyana dahil nakakatulong sa kanya para maging isang versatile actress.

   

“Yun talaga ang ano [pinupursige] namin sa Star Magic—yung mga versatile ang mga artista nila.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  FantaziaDLipz

    08/04/2012 | 10:01 PM
    article ni Pokwang pero bakit po picture ni Angel ang nakalagay?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    gibraltar
    08/05/2012 | 06:50 AM
    Hindi ba ikaw ang nasa pic?
  • 10  pinaypinaypinay

    08/04/2012 | 05:41 PM
    Have already seen the healing just this afternoon. Puno ang sinehan. And it was well made I must say.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    gobernadora
    08/04/2012 | 09:39 PM
    talaga! wow ha, still counting pa talaga. tibatiba ang Star Cinema sa The Healing!
  • Clara Pastor

    08/04/2012 | 03:55 PM
    basta maging wise ka na lng din sa kung sino magkagusto sa yo,,sikat ka ngayon kaya madali ka lng makahanap ng papa,,pero think,think pa rin sa pagpili...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • gobernadora

    08/04/2012 | 03:43 PM
    CONGRAT POKIE DAHIL KUMITA NG TODO ANG THE HEALING!!! Stay cool at lalo kang sisikat, hwag magda drugs o magbabad sa mga Casino. Bad yun at baka sa kangkungan ka na lang pulutin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • gobernadora

    08/04/2012 | 03:38 PM
    bakit kaya hanggang dito sa article ni pokie ay naglipana ang mga langaw at bangaw ni nura? hehehe masama ang loob nila dahil mismong article ni guy kahapon ay 6 lang comments nila. ARTICLE CON PRAISE NEWS na parang susunod na kay ka mario at mang dolphy si nura hehehe abot abot ang papuri ni william reyes.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    08/04/2012 | 10:33 AM
    mahirap yang respeto lang baka ang labas nyan marespeto nga ikaw naman ang magpapalamon.....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • aaronick

    08/04/2012 | 08:59 AM
    Natawa ako sa title ng artikulo. KAHIT ANO daw. Aba eh Aswang ka nga yata talaga? Imbes na KAHIT SINO. Hahaha! O bago mag-react! Joke lang po. Kasi like ko rin itong si Pokwang dahil isa siya sa mga magagaling na comediannes ng Dos dahil hindi pilit ang style niya ng pagpapatawa. Lalo na pag ginagaya niya si Mommy Dionisia. Aliw na aliw ako. Anyways, tama naman. Importante ang respeto lalo na dahil comedianne nga siya. May tendency na hindi seryosohin ng kung sino mang lalake ang tulad niya. Mabait naman si Pokwang kasi alam mong ang ginagawa niya eh para sa pamilya niya. Kaya sana ay i-bless ka ni Lord para matupad ang wish mo.
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    08/04/2012 | 09:33 AM
    Kaya nga nya sinabi na kahit na ano kasi kung may manligaw sa kanyang aso ay papatusin na rin niya basta ire respeto lang siya noong aso. LMAO
    yaralei
    08/04/2012 | 10:38 AM
    tiyak na mas maganda pa si pokwang kaysa inyo! mayaman na siya...sikat...di sya pilit na magpatawa,]...go poks!
    pearl102
    08/04/2012 | 09:10 PM
    Si Pokwang maganda, oh please may katarata ka ba Yaralei?? Mayaman na si Pokwang? Good for her kaya dapat ingatan niya ang YAMAN niya dahil ang kasikatan nya na sinasabi mo ay mapagsasawaan din katulad ni AyAy.
  • humandynamics

    08/04/2012 | 08:26 AM
    Maski ano basta may respeto.. very well said. may pera nga o kaya may hitsura, kung makapam-babae naman feeling niya siya ay God's gift to women, huwag na. At mas masaklap kung katulad ng dati mong asawang hapon na mambubugbog kaya mag dahan-dahan na lang..maganda na yang fulfill ka sa career at friends at healthy ang anak mo.. life is good.. at siyanga pala, congrats sa hiiiling, este healing, lol.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • maclipstick

    08/04/2012 | 03:13 AM
    ate pokie congrats sa pelikula ninyong the healing ..ang ganda! ang lakas sa takilya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    08/04/2012 | 02:18 AM
    HEALEDna kaya si velma na hindi pinagbigyan ang kanyang HILING .....mga constitwens nasan kyo
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    maclipstick
    08/04/2012 | 03:17 AM
    hindi daw po artcile ni ate vi ito kaya wala sila dito hindi ninyo po gaya na basta may pangalan lang na kasama si ate vi comment kayo agad..talagang sinusundan ninyo...lol
    milomilo123
    08/04/2012 | 09:15 AM
    you just confirmed that belma is STILL in the HEALING PROCESS UP TO THIS MOMENT. I HOPE SHE IS HeALED THE SOONEST. ... yan din naman ang HINIHILING namin. salmat po
    yaralei
    08/04/2012 | 10:41 AM
    oo healed na sya eh si nORAngGutang eh damatan na hindi pa rin nagbabago...nasaan ang milyones? ginasto sa drugs at lalake,....wawang tSuperstar! homeless nga sya noong umuwi eh buti na lang binigyan ng masisilongan
    milomilo123
    08/04/2012 | 11:09 AM
    matagal talaga ang HILING PROCESS. it takes time, kaya hinihiling ko sa ating mga konstitwins bigyan natin ng time OR SPACE si belma para sa kanyang HILING.
  • pearl102

    08/04/2012 | 01:29 AM
    Grabe na talaga ang press release STAR MAGIC, kababasa ko lang na ngayon lang natuyo ang mga tubig sa kalye ng Metro Manila at may mga tubig pa rin sa mga kalapit probinsya kaya hindi makapaghanapbuhay ang mga karamihang ordinaryong mamamayan pero blockbuster daw yung movie tsk tsk tsk.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    maclipstick
    08/04/2012 | 03:19 AM
    kong ayaw po ninyong maniwala who cares!! basta kumita ang pelikula at para satified kayo hintayin ninyo na lang ang pag na release sa MOJO...

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About