“Unang-una, ipakilala ko sa ibang bayan ang Cam Sur. Kasi, pag pinuntahan na ng mga negosyante ang Cam Sur, sinong makikinabang nun?
"Yayaman… lahat ng hanapbuhay na hinahanap nila nandun na dati sa kanila, hindi na nila kailangan umalis pa.”
Kasunod naman daw ng kabuhayan ang edukasyon, kaya’t binabalak rin niyang magtayo pa ng mga paaralan sa nasabing bayan.
Marami man daw plano si Aga para sa Camarines Sur ay ayaw niya munang isa-isahin ang mga ito.
Wika niya, “Marami akong plano…marami akong plano, magagandang plano talaga.
“But sabi ko nga, gusto ko munang itago yun kasi parang I don’t wanna sound like a typical, bagong pasok sa pulitika na magkukwento nang magkukwento ng kung anu-ano…
“Parang, sa ‘kin lang, first thing I wanna do first ay makasama ko lahat ng mga kababayan ko ‘ron…Maibigay ko sa kanila, mailatag ko sa kanila, kung ano yung gusto kong gawin para sa kanila…
“At, hopefully, payagan tayo na manalo, at pag nanalo tayo, then I would…you know…”
Sa tingin ba niya ay malakas ang laban niya sa pagiging kongresista sa Camarines Sur?
“Ayokong isipin na malakas ako. But, sabi nila. We’ve done a lot of surveys already and sa surveys na yun parang tayo yung nakakaangat naman…”
SENATOR? PRESIDENT? Nang tanungin kung iniisip niya ang posibilidad na tumakbo pa sa mas mataas na posisyon sa hinaharap, ito ang sagot ni Aga:
“We’ll have time for that, you know. In time, we’ll see. We’ll see. Sabi ko nga, right now I just want to pay [it] forward.
“I really wanna be a help to the Filipino people. It’s about time na pangarap ko talaga…
“Kasi nakaupo lang ako e, 'no? Sa gilid, nakatingin lang ako na parang naaawa ka sa bansa mo.
“So, parang siguro ngayon gagalaw ako…Sabi ko nga e kung aabot sa pagiging presidente yun, kung gagawin mo yun, e di gawin mo yun, 'di ba?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
34 fecatada
33 fecatada
32 MarvelousMum
31 kontilang
30 sipsip
29 Lokotoy
28 Lokotoy
27 gobernadora
26 flourpower
25 mikebalangsosa
24 flourpower
23 fecatada
22 fecatada
21 rochelle
20 lovetrip
19 manangdi
18 avidreader53
17 Shaunmateo_25
16 mgataongipokrito
15 ako_kenkoy
more comments