news

Aga Muhlach reacts to criticisms of celebrity politicians; insists he's not leaving showbiz

by Kathleen Benavidez posted on August 4, 2012  STATS: 17537 Views | 34 Comments

Aga Muhlach thinks it's unfair to underestimate celebrities who run for public office: “Maraming nagtatanong, artista lang yan, anong magagawa n'yan? Hindi nila pwedeng sabihin na artista lang yan, anong magagawa niyan…Dahil nga, artista, tapat na naghahanap-buhay nga, and alam nila ang tao. Walang nagnanakaw na artista, walang, parang, corrupt talaga na artista." 

Photo By: Noel Orsal

Ganap nang sumumpa ang aktor na si Aga Muhlach sa ilalim ng Liberal Party (LP), alas-sais ng gabi, August 3, sa LP headquarters sa Cubao, Quezon City.

Sumumpa ito sa harap ni Liberal Party President Mar Roxas at ng iba pang mga miyembro ng partido.

Ito ay ilang oras matapos i-announce ni Aga ang kanyang desisyong tumakbo bilang representative ng ikaapat na distrito ng Camarines Sur sa darating na 2013 elections.

(CLICK HERE to read related article)

Buong suporta naman ang ipinakita ng kanyang asawang si Charlene Gonzales at ng anak na si Luigi Muhlach, at maging ng mga kaibigang sina Cesar Montano at Bayani Agbayani.

FROM SHOWBIZ TO POLITICS. Marami ang nagtatanong kung bakit nagdesisyon si Aga na pumasok sa pulitika.

Sagot niya: “Cause it’s about time na I pay it forward. It’s about time na…kasi half of my life, itinaguyod ako ng mga taong-bayan, ng buong Pilipinas.

“Parang ngayon naman, slowly, slowly, the next half of my life, I wanna give it back…and that’s pinaka-sincere na sagot ko talaga, basically.”

Isa pang malaking tanong ng mga tao ay: bakit ngayon?

“I think now is the right time. Now is the right time. Because when PNoy [President Noynoy Aquino] entered the picture, biglang yung nangyari sa kanya, nakita ko na pwede pala.

“Tapos nilalabanan niya yung korapsyon ngayon, pwede pala, sabi ko.”

Iginiit naman ni Aga na hindi niya iiwanan ang showbiz.

“No, no, no. Kasi sabi ko nga, ang industriya, ang indutriya ng pelikulang Pilipino, ang nagbigay sa ’kin ng pagkain sa la mesa.

“Ang mga taong sumusuporta sa’kin dun ang nagbigay sa ’kin ng pagkaing kinakain ko at ng aking pamilya.

“Yan ang aking hanapbuhay din. Hindi ko pwedeng iwanan 'yan, 'yan ang aking hanapbuhay.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

34 Comments

  • 14  IMaPeper2

    08/04/2012 | 09:32 PM
    Ano ba ang mga benefits ng pagiging politician sa Pilipinas? Sa ibang bansa kasi, one term lang...nakakalula ang retirement pay nila sa sarili for life....bukod pa sa health care benefits at iba pang perks katulad ng pag-gamit ng government facilities, free parking etc.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    gibraltar
    08/05/2012 | 06:24 AM
    Maraming benefits kaya nga ayaw ng umalis sa puesto. Pag tapos na ang term, ang asawa naman, then ang mga anak, etc,etc. Ask nyo pa ang mga Binays, Gordons, Marcoses,etc.
  • 13  Orangina_123

    08/04/2012 | 08:57 PM
    Pabayaan nyo na nga si kuya aga na mag politics...si manang vilma nga pinayagan nyo eh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Orangina_123

    08/04/2012 | 08:56 PM
    Kuya aga si atcheng Rhoda po malapit na raw ipakulong ng sandiganbayan dahil sa ghost employees...sana wag kang gumaya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  lady_camila

    08/04/2012 | 08:45 PM
    ang daming paraan Aga where in you can "pay it foward" to people because of your showbiz success and definitely not through politics!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  bac_tol

    08/04/2012 | 08:44 PM
    Eh pano naman kse hindi magdududa madlang pipol syo nyan Aga, nung kasikatan mo sobra pagtanggi mo sa pulitika, tapos ngayon bigla bigla tatakbo ka, congressman pa?! pano ka gagawa ng batas eh ever since wala kang alam sa batas. at least si goma nuon pa very outspoken na. nakikisawsaw na sa pulitika at may ambisyon talaga. may party list pa nga yan nuon di ba? eh ikaw last year lang wala kang ka plano plano tapos ngayon tatakbo na? naisipan mo lang? parang si annabelle rama lang? haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • myrth

    08/04/2012 | 08:07 PM
    NO.7 yes na yea! mga laos na. la na income sa darating na mga araw.bigla bigla politics. grabe! humahanap na ng makakasupurta sa buhay nila.ngayon pa lang sa mga interview pambobola na ang style. yukkk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • satotoolang06

    08/04/2012 | 06:58 PM
    Siguro sabi ng mga artista, "hey ang laki ng bayad kong taxes every year. how do I get those money back?". Ito ang sagot. Pumasok sa pulitika. Si Annabel Rama kailangan ng pambayad sa mga lawyers o ayan, ang solusyon, papasok sa pulitika. Kakahiya. Asan na mga auditors. Sa barangay level pa lang dapat may mga nag aaudit na. Walang pag asa pag dating sa kurakot kung ganito ng ganito ang sitwasyon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Friske

    08/04/2012 | 03:42 PM
    This guy together with all the laos lile Goma who wants to be politician are full of B_ll Sh_t!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    bac_tol
    08/04/2012 | 08:51 PM
    Makikisabat lang po, mejo hindi po laos si Goma ngayon kse umaarangkada ang Walang Hanggan. At dati pa sya mahilig sa pulitika. Feeling ko nga yan ang dream job nya talaga eh. Haha! Tanda ko pa yung party list nya nuon. Hindi pinalad. Kaya Ormoc naman ang pinupuntirya. Kso hindi nakuntento na chief of staff lang sya ng asawa nya kaya tatakbo pang Mayor. Hay kelan kaya maisasakatuparan ang Anti-Dynasty Law.
  • lovevibez7

    08/04/2012 | 03:39 PM
    Mag barangay tanod ka muna!!! and ur not leaving showbiz khit na elect ka na? how would you serve pag busy k p rin sa showbiz career mo?????? at anong gagawin mo dun sa congress!!?!?! another politician na sisirain lng ang upuan sa kauupo lang!!! hndi m yata alam pinapasok mo... hays!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    grinandgiggles
    08/04/2012 | 07:57 PM
    ang dami naman nila na ganyan si manny pacquiao ganyan din di ba? si lucy torres din...haysss pano giginhawa ang bansa natin mga politician multi tasking, mga politician na pilit pumapasok sa showbiz at ang nasa showbiz namumulitika.
  • pretty

    08/04/2012 | 03:02 PM
    Naniniwala ako na maganda ang intensyon ni aga na makatulong hindi para magpayaman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • puckerlips143

    08/04/2012 | 02:53 PM
    ahm i think gagamitin lang sya ng villafuerte against sa kapwa villafuerte panghakot din sya ng boto meaning yun biglaan nyang pagtakbo is talo o panalo for sure winner sya kasi bayad yan para bang front lang sya at pain sana manalo kung sino man yang nang uttoo at bumayad ng malaki para tumakbo sa partido nya si aga.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    bangusbely
    08/04/2012 | 03:23 PM
    Korek, ganid sa pera yan si aga. sobrang kuripot di basta basta mag papakawala ng pera yan kaya win or lose kikita si aga.
  • malaya2007

    08/04/2012 | 02:18 PM
    Si erap at vilma nagsimula sa mababang posiyon. Public governance. Si bong at si sotto mambabatas, ano ba ang nagawa nilang batas? Parehong balimbing.ginagawang part time ang pagawa ng batas. Kaya ayan walag ginagawa sa senate at congress kundi mag impeach ng mag impeach magdrama walang bagong batas na magawa. Ayaw mong tumigil sa cam sur kaya congress ang gusto mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    grinandgiggles
    08/04/2012 | 07:58 PM
    isama mo pa ang iba kagaya ni lani at lito lapid. si lito nahulihan pa ang asawa sa amerika na me dalang pagkadami daming dollars.
  • gjoel

    08/04/2012 | 02:09 PM
    shempre pa, palaos na, kaya hanap na ng bagong raket. kawawang juan dela cruz!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • henriettopex

    08/04/2012 | 02:06 PM
    Susme aga, ewan ko sayo! Nawala ka lang sa manager mo nagkaganyan ka na
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    gretelle
    08/04/2012 | 04:13 PM
    Si Ethel Ramos ay marami ang nagawa para kay Aga. Siguro ngayon matanda na si Aga and hindi na niya kailangan si Manay Ethel. Si Manay Ethel daw ang rason bakit hindi natuloy ang pag iibigan ni Dayanara at Aga noon. Humingi yata nang tatlong taon si Manay Ethel kay Aga para pasikatin siya nang todo todo na nangyari naman di ba, pero yun nga lang nawala si Dayanara sa buhay nya na alam ko talagang dinibdib ni Aga noon. Ngayon naman 2012 na, masaya na sa buhay nya si Aga sa mga anak nya at kay Charlene. Wala na si Manay Ethel para gumabay kay Aga. Sana lang pinagisipan nang husto ni Aga yan. Malaking hakbang yan kay Aga. Politics is so marumi! Lahat nang baho ni Aga na akala nya hindi malalaman nang tao lalabas. Lahat yan. Sana matatag siya at ang pamilya nya. Magisip ka nang matagal at hingin ang advice nang maraming tao, hindi lang yung mga pabor sa balak mo.
    grinandgiggles
    08/04/2012 | 07:59 PM
    si cristy at willie ang nagsulsol dyan kasama ng mga corrupt na kaibigan nila.
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About