news

Zsa Zsa Padilla gets tattoo as tribute to Dolphy

by Joyce Jimenez posted on August 5, 2012  STATS: 58262 Views | 12 Comments

Aminado si Zsa Zsa Padilla na isang "mahabang proseso" ang pagtanggap niya sa pagpanaw ng kanyang long-time partner. Ngunit pinipilit niya raw maging matatag para sa kanyang mga anak.

Photo By: Noel Orsal

Malaki ang pasasalamat ni Zsa Zsa Padilla sa kanyang co-stars at buong staff ng pelikulang I Do Bi Doo, Bi Doo.

Habang ginagawa kasi niya ang pelikula, iyon ang mga panahong lumalala na ang kondisyon ni Dolphy, hanggang sa pumanaw na nang tuluyan ang Comedy King noong Hulyo 10.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa kahapon, Agosto 4.

Doon ay sinabi niyang naramdaman niya talaga ang pakikiramay ng kanyang co-stars.

"So, uhm, sa isang proyekto, mararamdaman mo yung pagmamahal at suporta ng kapwa mo artista ‘pag nagtatrabaho kayo.

"Talagang binibigay nila yung lahat nila. ‘Tapos kapag may pinagdadaanan ka, nakikiramay talaga sila, e. Talagang nakikisama sila, e."


U.S. TRIP. Siniguro ng Divine Diva na matatapos muna niya ang pelikulang ito bago magbakasyon.

Ayaw niya raw kasi nang may naiiwang trabaho, isang bagay na natutunan niya mula sa Hari ng Komedya, na nakasama niya sa loob ng 23 taon.

Pupunta ng California si Zsa Zsa kasama si Dra. Vicki Belo. Ipo-promote daw kasi nila ang Zein Obagi product ng Belo Clinic.

Kasabay nito ang pagpapa-check up raw niya sa Cedars-Sinai Hospital, at sasagutin ni Dra. Vicki ang gastusin sa kanyang pagpapatingin.

"Isang angel talaga si Dra. Vicky, dahil sabi niya, sasagutin niya yung aking checkup," pagbabahagi ni Zsa Zsa, nang makausap ng PEP kahapon sa Annabel's Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

"Ang totoo niyan, it has something to do sa dati kong sakit, yung dati kong surgery. I was born with a defective urethra, at ang nangyari sa kidney ko no’n, parang namaga.”

Ang urethra ay ang daluyan ng ihi ng tao. Kung depektibo ito, maaapektuhan ang kidney o lapay, na siyang nagtatrabaho sa paglalabas ng “waste products” sa katawan ng tao, bukod pa sa pagpi-filter ng nutrients para sa dugo.

"So, yung kidney function ko, parang wala na sa normal. Every year nagpapa-check up ako sa neurologist dito sa Makati Medical Center.

"Actually, meron pala silang nakitang findings na hindi maganda. Siyempre, nangyari na yung nangyari. He gave me, that’s May… June… July, same findings.

"Ako naman, hindi ako ninenerbiyos dahil ang pagkakaintindi ko, meron daw kasi akong polyp. Ang pagkakaintindi ko sa polyp ay isang growth sa aking...

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  zaarenica

    08/06/2012 | 02:34 PM
    nephrologist! napaisip tuloy ako bakit neurologist eh kidney pinag uusapan! haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  prettyme4sure

    08/06/2012 | 10:06 AM
    our prayers for you Ms. Zsa Zsa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  librawoman

    08/06/2012 | 07:01 AM
    Goodluck sa check up mo Zsa Zsa! Ano ba naman PEP, Cedars "Sinai" hindi Cedars "Sanai".
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Castiel_Dean

    08/06/2012 | 02:35 AM
    Wow sasagutin ni Vickie ang check up ni Zsa Zsa? Maraming procedures and test ang gagawin kay Zsa Zsa like blood and urine test, blood count, ct scan of the kidney etc..and that gonna be very expensive unless of course kung may insurance si Zsa Zsa Zsa but I doubt it kasi si Vickie ang magbabayad ng bills. Goodluck Zsa Zsa dapat maagapan yan kasi baka magka kidney failure ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    08/06/2012 | 02:19 AM
    everyone can relate sa pinagdadaanan ni zsa zsa kasi lahat ay namamatayan ng mahal sa buhay... depende lang talag minsa sa tao kung gaano kabilis or katagal ang gieving period.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    08/06/2012 | 12:30 AM
    Funny, si Karylle pa ang nagpaunawa sa kanya na kailangang mag move forward. Sabagay, talagang over experienced na si Karylle pagdating diyan. Una yung pag iwan sa kanya mismo ng nanay niya, pangalawa yung sa naudlot na bf. Zsazing take it from Alma Moreno na ilang beses mong sinaktan, una yung kay Dolphy pangalawa yung pangungunsinti mo kay Tetay na sinamahan mo pa sa ospital noong dalawin nyo si Joey Marquez habang kasal pa ito kay Alma.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    greencardholder
    08/06/2012 | 04:02 AM
    YOur oipinion shows you hold grudges. Mahirap yan. Mabigat sa dibdib.
    prettyme4sure
    08/06/2012 | 10:05 AM
    excuse me, when KA had an affair with JM, separated na po sila ni Alma, kaya pwede manahimik ka sa pagdamay ng kung sino sinong tao.
  • neysh21

    08/06/2012 | 12:16 AM
    another thing, i think she has kidney polyp, not colon polyp. :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • neysh21

    08/06/2012 | 12:14 AM
    it should be cedars-sinai, not sanai.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MolybdenumStudios

    08/05/2012 | 07:25 PM
    Adik talaga, oh! Pati rin siya, magpapa-tattoo na rin. But it's okay, at least it's okay to have a tattoo in memory of someone who passed away. ;
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    czeska221
    08/05/2012 | 09:41 PM
    nag pa-tattoo lang, adik na tingin mo.
  • Monicafer

    08/05/2012 | 07:03 PM
    If it's a polyp in the colon, she has to undergo a colonoscopy. The polyp will be removed by laser, the procedure takes only 15-20 minutes and the patient can leave the hospital after the patient recovered from anesthesia. At the same time, the tissues will be subjected to biopsy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    08/05/2012 | 05:03 PM
    oh my sana maagapan nya kc yung iba nagiging cancer yan..take care ms. zsa zsa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mgmallillin

    08/05/2012 | 04:34 PM
    It must be Nephrologist not Neurologist.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    peparazzo
    08/05/2012 | 04:41 PM
    Noted mgmallillin. Thanks!
    gmabs27
    08/05/2012 | 05:29 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About