Masayang-masaya ang commercial model-turned-actor na si Mikael Daez nang sorpresahin siya ng GMA-7.
Siya kasi ang napili ng Kapuso network na magbida sa remake ng 2002 primetime dramang Sana Ay Ikaw Na Nga.
Gagampanan ni Mikael ang role na Carlos Miguel, na originally ay ginampanan ni Dingdong Dantes.
Ang makaka-partner ni Mikael sa naturang remake ay si Andrea Torres, na gaganap bilang si Cecilia, na originally ay ginampanan ni Tanya Garcia.
Kuwento ni Mikael nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung August 3, Biyernes, sa Museum Room ng GMA Annex Building, na may nakarating na ngang balita na siya ang leading man sa bagong afternoon series.
Pero hindi pa raw siya muna nagsaya hanggang wala pa ang official announcement.
“I’ve been hearing about it. May mga nagsabi na sa akin, but I don’t want to assume muna. Baka hindi naman ako matuloy, made-depress lang ako,” sabi ni Mikael.
“So, I just waited kung kelan nila ito sasabihin sa akin. Hindi ko na lang siya iniisip.
“Until one day, sinabihan ako ng manager ko na pumunta ako rito sa GMA-7 at may meeting daw.
"Sabay pa nga kami ni Andrea na dumating at pareho kaming clueless about this meeting.
“Noong makaupo na kami, they handed us the script and they congratulated us.
“Kami na raw ang napili para maging lead stars ng Sana Ay Ikaw Na Nga!
“I was ecstatic! Halos tumalon na ako sa silya ko sa tuwa.
"Pero si Andrea, noong makita ko siya, she was crying. Hindi raw niya ini-expect iyon.
“So, we hugged each other sa sobrang tuwa namin.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
15 Ruchick1990
14 pinaskongmahal
13 Stellathestar
12 alexangel
11 robbiethompson
10 robbiethompson
9 pearl102
8 dyoy19
7 msTrue
6 napazu7
5 Dennisse_01
4 winged_angel
3 jams_mom
2 gorgeous_aleck
1 napazu7