Aminado si Gary Valenciano na naka-relate siya sa kanta ng Apo Hiking Society na “Batang-Bata Ka Pa,” na inawit niya sa pelikulang I Do Bidoo Bidoo, ng Unitel Productions at Studio 5.
May eksena kasi sa pelikula na kailangan niyang bigyan ng advice si Tippy Dos Santos, gumaganap na anak nila ni Zsa Zsa Padilla, bago ito magpakasal kay Sam Concepcion, kahit mga bata pa ang mga ito.
Kaya naitanong tuloy kay Gary sa presscon ng I Do Bidoo Bidoo kung naisabuhay ba niya ang pag-a-advise, ngayong nakatakdang magpakasal ang panganay na anak na si Paolo Valenciano.
Nag-propose na kasi si Paolo sa long-time girlfriend nitong si Samantha Godinez, sa mismong concert pa ni Gary sa Pechanga Resort sa California, USA.
Sabi ni Gary, “Actually, yung eksena namin ni Tippy was not a reminder of me and Paolo but a reminder of me.
“Because, at 19 years old, I was going to get married and Angeli was pregnant. So, very much my story.”
Si Angeli Pangilinan ang misis ng tinaguriang Mr. Pure Energy.
“So, all the more nung kinanta ko yung ‘Batang-Bata Ka Pa,’ ang naisip ko was my dad.
“Kami lang dalawa noon sa kuwarto niya. I said, ‘She’s pregnant.’ So, yun.
“Siyempre, there’s a role I’m playing here and a different approach to the whole problem.
“Pero, I was reminded not of Paolo.”
Patuloy niya, “Si Paolo ang galing, e. Six years na sila and then nag-propose siya while in a concert with me.
“So, the whole family was there.”
Sa presscon din ay sinabi ng co-star ni Gary, si Ogie Alcasid, na kaya lumaking maayos si Paolo ay dahil mayroon siyang "great dad" sa katauhan ni Gary.
Ano naman ang masasabi ni Mr. Pure Energy dito?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
7 ehemm
6 human123
5 jams_mom
4 fecatada
3 ganda
2 lefty
1 javakula