Bumalik na ulit sa bansa ang Superstar na si Nora Aunor noong July 31.
Nagpunta ang aktres sa Amerika upang patingnan ang kanyang lalamunan.
Bago pa bumalik ng Pilipinas si Nora, napabalitang may tampuhan sila ng matalik niyang kaibigan at tumatayo ring business manager na si German "Kuya Germs" Moreno.
Nilinaw ni Kuya Germs ang isyu sa panayam sa kanya ni Dolly Anne Carvajal sa bagong showbiz talk show ng TV5, Ang Latest, noong August 4.
Ayon kay Kuya Germs, “Wala namang tampuhan, lambingan lang 'yan. Kami ba naman ay magkatampuhan pa?”
Pagkatapos nito ay naglabas siya ng kanyang saloobin para sa Superstar.
Ani Kuya Germs, “Alam mo naman, iba ang pagtingin ko kay Guy. Alam mo naman, 'Ney,' ang tawagan namin...
"Alam mo yung pag-aalala, nandun. Yung pagmamahalan, nandodoon.
“Siyempre, taon na ang binilang, e.
"Yung pagbabalik niya, gusto ko na maisip na niya na it’s about time to save, for the future na.
“Hindi na tayo bumabata, at nakita mo naman ang takbo ng ating showbiz dito sa ating bansa.
“So, ginawa ko na matuto na siya mag-deposit, mag-ipon na. At nagawa ko naman.”
SAVING FOR THE FUTURE. Kilalang galante si Ate Guy kahit noong araw pa.
Tanong ni Dolly Anne kay Kuya Germs, "Ang tungkol sa financial problems ni Ate Guy ay bunga ba ng kanyang hindi pag-iipon? O sa mga taong nakapaligid sa kanya o sa kanyang mga masasamang practices diumano?”
Sagot ng beteranong TV host, “No. Alam mo naman pag tumanggap na siya ng pera.
“A, yung garbo ba na bigay dito, bigay doon, hindi ko naman tinuturuan para magmaramot ano...”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 gobernadora
5 pearl102
4 BrunoEsmeralda
3 jokoman
2 chikadee
1 aaronick
more comments