news

Steven Silva prefers to have a loveteam partner: “Mas maganda kung may loveteam ka... mas magiging comfortable pa kayo sa isa’t isa.”

by Rose Garcia posted on August 6, 2012  STATS: 6623 Views | 5 Comments

Steven Silva, sa pagkukumpara sa kanya sa ibang Kapuso stars: "I’m just trying to do my best, at naka-focus talaga ako sa sarili ko. That’s all I can do. Kapag meron ang iba na bagong project, bagong endorsement, ano'ng magagawa ko doon? But I’m happy also na meron din akong mga upcoming projects."

Photo By: Noel Orsal

Halos hindi nagkakaiba ang cast ng youth-oriented series ng GMA-7 na Together Forever at ang pelikula ng GMA Films na Just One Summer.

Isa si Steven Silva na nasa cast ng dalawang proyektong ito, na pinagbibidahan pareho nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.

“Yun ang isang maganda dito, palagi kaming magkakasama… sa Just One Summer at Together Forever. So, yun ang masaya dito," sabi ni Steven.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Steven sa taping ng Together Forever, sa Antipolo noong August 2.

Ano ang ginagampanan niyang role sa Together Forever?

“Well, ako si Cholo na isang businessman at may-ari ng food stall sa grocery nila Elmo [Magalona].

“Naging magkaibigan kami ni Janine Gutierrez. So, parang nagkaroon kami ng competition ni Benedict Campos.

“Parang meron kaming contest on who can be better for Janine," paglalarawan ni Steven.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkasama sina Steven at Janine.

“Minsan sa Party Pilipinas, nagkakasama kami, kaya hindi naman at all first time. May time rin na nag-duet kami.

“Nagkakasama rin kami sa mga prod [production numbers] sa Party P so, for me, hindi rin naman bago in terms of work." Ang tinutukoy ni Steven ay ang Party Pilipinas,ang Sunday noontime show ng GMA-7.

Dagdag nito, "And I have fun time working with her."

NO LOVETEAM. Sa ngayon, walang maituturing na ka-loveteam si Steven.

Sa totoong buhay kasi ay ang ka-batch niya sa StarStruck V na si Diva Montelaba ang madalas nakikitang kasama niya.

Sa palagay ba ni Steven ay kailangan na niyang magkaroon ng ka-loveteam?

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • nice1

    08/07/2012 | 01:28 AM
    iho mag acting workshop ka muna kasi pag magaling kang actor khit ala kang loveteam sisikat ka
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    flightforge29
    08/07/2012 | 05:18 PM
    may pag asa pa ba itong isa na sumikat?
  • gorgeous_aleck

    08/06/2012 | 08:47 PM
    wag mo nang pansinin ang mga nega, steven. i know darating din ang time mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • prettyme4sure

    08/06/2012 | 01:43 PM
    dyusko, paattend-in kasi ng workshop ng GMA ang mga starlet na ito
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    flightforge29
    08/06/2012 | 01:48 PM
    susme nilalangay na ito sa kamuning...nanalo nga sa pakontest nila never namang sumikat.. magbenta ka na lang iho ng kangkong sa tapat ng GMA.. forever nameless na starlitay!
  • nobadblood

    08/06/2012 | 01:36 PM
    Go steven! Just really have to wait patiently for your big break. :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BrunoEsmeralda

    08/06/2012 | 01:02 PM
    WELL MANNERED. Mahusay na talent si Steven Silva. Marunong pang tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakatulong at tumutulong sa kanya.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    iam_brainful
    08/06/2012 | 06:39 PM
    un first sentence mo na may two words baka mabasa ni MR at mahurt.
    pwearl130
    08/06/2012 | 10:00 PM
    HAHHAHAHA. YOU NEVER FAIL TO MAKE ME SMILE MY FRIEND IAM_BRAINFUL. GOSH!

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About