news

Part 1. Maxene Magalona on being single: “Ang dami ko nang napagdaanan and I think I deserve a break, I deserve to have fun and enjoy."

by Glen P. Sibonga posted on August 6, 2012  STATS: 10983 Views | 5 Comments

Kakaiba ang papel ni Maxene Magalona sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break. Isa siya sa mga host ng programa ngunit sa website lamang siya mapapanood. "Yung mapapanod niyo sa online webisodes ko, ito yung mga hindi mo nakikita sa TV, like yung mga behind the scenes," paliwanag ni Maxene tungkol sa kanyang bagong trabaho.

Photo By: Noel Orsal

Excited at tuwang-tuwa si Maxene Magalona sa bagong trabaho niya bilang web jock sa website ng reality artista search ng GMA-7, ang Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

Paliwanag ni Maxene sa kanyang role sa Protégé: “Well, kakaiba talaga yung ginagawa ko for Protégé, kasi ako yung first and only web jock in the Philippines.

"Kasi this is the first online show of GMA.

“And yung mga webisodes na ginagawa ko, siyempre ina-upload ito online and doon mo siya mapapanood.

“Pero may mga snippets diyan na mapapanood sa TV and, of course, yung mapapanod niyo sa online webisodes ko, ito yung mga hindi mo nakikita sa TV, like yung mga behind the scenes.

“Tapos as a celebrity, binibigyan ko rin ng tips yung mga manonood, kung sino man yung gustong mag-artista, sinasabi ko sa kanila na, ‘Hindi madaling maging artista! Hindi!’

“So, binibigyan ko sila ng tips.

“And then one time, sumakay ako ng MRT, kasi sinabi ko na kailangan matuto kayong mag-makeup kahit nasaan pa kayo.

“So, pumunta akong MRT and then nag-makeup ako doon habang nakasakay doon.

“Ganun lang, fun-fun lang talaga yung ginagawa ko for the show.

“You can watch it online sa www.gmanetwork.com/protege. So, doon n’yo mahahanap yung mga webisodes namin. Every day, merong updates doon.

“Kaya kanina, umikot-ikot ako sa presscon, pati na rin sa gala night, and I was going around sa backstage.

“Gusto kong ipakita sa mga tao na ‘eto yung mga nangyayari na hindi nakikita sa TV.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa presscon ng Protégé kagabi, Agosto 5, sa Studio 7 ng GMA Network.

ARTISTA COMPONENT. Ngayong napili na ang Top 20 aspirants sa Protégé, may bet na ba siya?

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • pilyangmaganda

    08/08/2012 | 04:04 PM
    Puro love life blah blah blah wala namang X FACTOR! lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Orangina_123

    08/08/2012 | 04:08 AM
    May fans ba naman Ito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kiwipinay

    08/07/2012 | 09:54 AM
    ang ganda ng pagkakagawa sa ilong ni maxene ano?? nung dadedidodou days nya e puro ilong mapapansin mo ke maxene malake kase as in malake butas ng ilong nya pero matangos. Ngayon ang ganda ganda na nose nya perfect!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bantaybata

    08/07/2012 | 09:09 AM
    next please sayang ang space!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • eazypinoy

    08/07/2012 | 12:34 AM
    Sorry Maxene pero wala ka talagang appeal..no x factor at all to be a star.."nag-rerate" man ang show mo it doesn't mean na sikat ka na..ganyang ganyan din yung kay nadine samonte mataas ang ratings ng shows nya nung nasa gma sya pero waley pa rin ang kasikatan nya lalo na ng lumipat ng tv 5 lalong nawaley na ng tuluyan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About