Mariing pinabulaanan ni Heart Evangelista ang paratang na kaya sila nag-break ni Daniel Matsunaga ay dahil sa pagkakaiba ng katayuan nila sa buhay. “That’s a big insult for me kasi wala talaga akong… oh my gosh! Ako talaga yung someone that wouldn’t do that," sabi ni Heart.

Photo: Noel Orsal

Matagal na ring hindi sumabak sa pelikula ang Kapuso star na si Heart Evangelista.

Ang huling pelikulang ginawa niya ay ang Temptation Island (2011), na pinagsamahan nila nina Lovi Poe, Rufa Mae Quinto, Solenn Heussaff, at Marian Rivera.

Matatandaan na habang ginagawa nila ang pelikulang ito, nagkaroon pa nga ng alitan sina Heart at Marian.

Pero ngayon ay gagawa na ulit ng pelikula si Heart.

“I’m set to shoot a movie very soon under Viva,” banggit niya sa panayam ng Ang Latest ng TV5.

PAST WITH DANIEL MATSUNAGA. Hindi na rin nagpaliguy-ligoy na itinanong kay Heart ang tungkol sa ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga.

Ano nga ba ang nangyari sa kanila?

Saad ni Heart, “I think it was a win-win situation for the two of us.

“We learned a lot from that relationship, we both became mature.

"And, you know, it’s nice to meet people and they make a mark in your life and it changes your life forever, makes you a better person.

“And it worked for him and it worked for me.”

Pinabulaanan naman ni Heart na ang estado nila sa buhay ang siya raw dahilan ng kanilang hiwalayan.

Sabi niya: “That’s a big insult for me kasi wala talaga akong… oh my gosh! Ako talaga yung someone that wouldn’t do that.

“My past relationships weren’t also about that—so, no, no, no, no!

“Hindi naman yun ang sukatan, e.