news

JM de Guzman on his courtship of Jessy Mendiola: “Ni-rush ko ang mga bagay at hindi maganda ang kinalabasan sa friendship namin.”

by Rose Garcia posted on August 8, 2012  STATS: 12668 Views | 7 Comments

Halos pagsisihan ni JM de Guzman ang madaliang panliligaw kay Jessy Mendiola, pero hindi pa naman daw siya nawawalan ng pag-asa.  Sa ngayon, dumadalaw siya sa condo ni Jessy para manligaw, hindi lamang sa dalaga kundi sa ina rin nito. Pagtatapat niya, “Ako po ang pumupunta sa condo nila... umaakyat ng ligaw sa nanay niya.” 


 

Photo By: Noel Orsal

Sa The Buzz noong Linggo, August 5, na-corner ang Kapamilya actor na si JM de Guzman para umamin sa tunay na saloobin nito sa Kapamilya young actress na si Jessy Mendiola. 

Sinabi kasi ni JM noong guesting niya kamakailan sa Kris TV na mahal na niya ang young actress.

         

Sa isang taped interview naman, tinanong din si JM kung anong level na ng pagmamahal ang sinasabi niyang iyon.

         

Ani JM, “Kasi yun nga, yung nagawa niya sa akin bilang kaibigan, parang mako-consider ko na espesyal, e. 

“Parang rare for a friend na parang ganoon siya magmahal ng kaibigan. 

“Kung totoo man, pero ewan ko, hindi ko ma-explain, e. 

         

“Ang laki ng naitulong niya sa akin without expecting anything in return.  Tapos yung pagkakaintindihan namin, hindi pa muna dapat.”

         

Dagdag pa niya, “Ewan ko, tinamaan ako.”

         

UNRESPONSIVE. Tinanong din si JM kung sa palagay ba nito, hindi reciprocated ni Jessy ang ipinakikita niyang pagmamahal?

         

“Tingin ko… ganoon nga. Minadali ko, parang hindi pa tamang oras, hindi pa dapat mag-seryoso. 

“Pero yun, ni-rush ko ang mga bagay at hindi maganda ang kinalabasan sa friendship namin.

         

“Ewan ko, sana hindi ko pa completely nawala yung chance ko.”

JESSY’S SIDE. Nakausap din ng The Buzz si Jessy Mendiola, at tinanong naman ito kung may posibilidad na maging sila ni JM ngayon.

Nangiti si Jessy at sinabing, “Right now… no po.”

         

Naniniwala si JM na ang talagang dahilan kaya hindi nag-work out ay ni-rush niya ang mga bagay-bagay.

         

Ayon kay JM, “I rushed things.  Meron din akong… bilang tao, meron din akong mga bisyo na hindi niya nagustuhan. 

“Pero siya ang may sabi na, ‘O, sa kanya ko natutunan na hindi kailangan yun, makakasira lang yun sa lahat.”

         

SPOTTED.  Sinagot din ni JM ang isyu na diumano’y madalas makita si Jessy sa kanyang condominium.

         

“Yun nga, nabasa ko rin yung isyung yun.

         

“At gusto kong i-clarify na hindi po totoo.  Ako po ang pumupunta sa condo nila...

“Umaakyat ng ligaw sa nanay niya.  And yun lang po, gusto kong i-clarify na hindi po yun totoo.”

         

Humingi rin ito ng paumanhin sa mommy ni Jessy.

         

“Sa mommy ni Jessy, ‘Sorry po.’”

HOPEFUL.  Sa kabila ng lahat, hindi naman nawawalan ng pag-asa si JM sa panliligaw niya kay Jessy.

         

Ayon kay JM, “Hindi pa naman tapos ang buhay natin, tapos  maliit lang ang mundong ginagalawan namin. So, I’m still hoping.”

         

Ibig bang sabihin, handa na siyang magmahal?

         

“Handang-handa na!” mabilis naman niyang sagot.

         

Handa niyang mahalin si Jessy?

         

“Ginagawa ko na po,” pag-amin niya.

         

Pero ang tanong, hanggang kailan niya ito kayang mahalin?

         

“Hanggang sa mapagod po siguro ‘ko.  Napapagod din naman ng kusa ang puso.

“Pero sa ngayon, tingnan natin kung hanggang saan kaya.”      

         

Sa huli, tinanong si JM kung meron siyang mensahe kay Jessy.

         

“Jessy, sana makatrabaho kita, soon.  At good luck sa career. 

“And… I love you.”

         

1  

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • chase02

    08/09/2012 | 11:39 PM
    mas bagay sana sila ni charee..plastic at showbiz tong mga to e kitang kita naman na sila na ang dami nakakakita sa kanila na sweet na sweet lalo na along tomas morato nakita ko sila ilang beses na..tskk..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • TVviewer

    08/09/2012 | 12:05 PM
    di sila bagay...mas bagay si JM kay charie pineda, angelito and rosalie. si Jessie naman ay kay Enrique Gil, Jackie and BJ.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • heart07

    08/09/2012 | 11:32 AM
    wla na nakakawalang gana ka na jm imbes na ibuild up nyo lavteam nyo ni charee ayan wla patay na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winged_angel

    08/09/2012 | 08:24 AM
    Ay ang dami niyong arte. Eh di ba nga magsyota na kayo? Ano ba tong mga artista, nanliligaw pa daw eh obvious naman na may relationship na. Para lang to yung dalawang nasa fastfood commercial. Nagliligawan pa daw and yet may theme songs na, nagtatawagan pa ng babe. Hindi niyo ba alam ang difference? Ang totoong nagliligawan, ang babae pwede pa tumanggap ng manliligaw na iba, walang commitment, hindi naghoholding hands, hindi nagtatawagan ng babe! Kaloka. Yung sa inyo, di na ligawan yun, relasyon na yun!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lukaret1

    08/08/2012 | 12:27 PM
    Busted nga ba o nabuking sila na laging nasa condo ni JM si Jessy? Ano yung minadali? It takes two to tango ika nga baka naman nag babangong puri lang itong si Jessy Mendiola dahil may lumabas na chismis na lagi siya sa condo ni JM. Panliligaw lang ba ito o dahil sa chismis cool muna.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • heart07

    08/08/2012 | 11:47 AM
    cge go jm para yan ang makacira sa career mo...unti unti ng nwwla ang juamees...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pretty

    08/08/2012 | 09:13 AM
    at least nalaman na ni JM na BASTED na siya agad-agad. Gusto ko si Jessy M kasi HINDI siya NAG-PAPAASA at least sinabi niya talagang "NO" kasi yung mga ibang artista PAIIKUTIN muna yung mga lalake makukulit tapos wala rin pala.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    goodkarma4ever
    08/09/2012 | 05:24 AM
    agree pretty. Gusto ko rin si Jessy M katulad ni Erich G., coz sabi priority niya ang work and she really means it. Unlike some other stars priority kuno ang work, school, etc pero pag may guwapong suitor or admirer ay puro pa-flirt naman. Then, papaasahin tapos sisishin or later on malalaman mo na lang magbfgf na pala secretly. She stands by her words. Keep it up Jessy M dahil napakabata mo pa no. Mukha namang mabait si JM pero mas maganda kung handa ka na saka na mag-bf.
    winged_angel
    08/09/2012 | 08:27 AM
    Paano mababasted eh naging mag-on na? If wala na sila, mas accurate sabihin na break na. Pupunta ba ang babae sa bahay ng lalake kung nililigawan pa lang siya? It's common knowledge around Abs that there are an item. I bet this sudden turn around is because of Angelito and Isla, where they are both paired with different partners.
    winged_angel
    08/09/2012 | 08:29 AM
    correction sa previous post - "they're an item"
    chase02
    08/09/2012 | 11:42 PM
    kakatawa me basted pala na wagas ang sweetness...hallerrr???

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About