news

Protégé mentor Phillip Salvador wants to instill discipline in his protégés from Mindanao

by Ruel J. Mendoza posted on August 9, 2012  STATS: 4389 Views | 7 Comments

Ito ang paalala ni Phillip Salvador sa kanyang mga napiling protégés: “Yun ang gusto kong ituro sa apat na protégés na napili ko from Mindanao—yung disiplina. I want them to know that I am a strict disciplinarian, at kung magkamali sila, pagagalitan ko sila. Pero kapag maganda ang ginawa nila, makakarinig sila ng magandang mga salita sa akin."

Photo By: Noel Orsal

Nang tanggapin ng award-winning actor na si Phillip Salvador ang pagiging mentor sa reality search ng GMA-7 na Protégé: The Battle For The Big Artista Break, sinabi nitong ipapakita niya ang kanyang pagiging disciplinarian.

Alam daw niya kasing hindi basta-basta ang pagpasok sa mundo ng showbiz.

Sa sarili na rin niyang experience nanggaling ang paniwalang ito.

Nang siya ay nagsisimula, marami raw siyang pinagdaanan, at nagsimula talaga siya sa ibaba. Kinailangan daw niya talaga ang disiplina sa personal na buhay upang umangat sa showbiz.

At hanggang sa makilala na siya bilang isa sa pinakamahusay na aktor ng Pilipinas, hindi raw nawala ang disiplina na natutunan niya noong nagsisimula siya.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Yun ang gusto kong ituro sa apat na protégés na napili ko from Mindanao—yung disiplina.

“I want them to know that I am a strict disciplinarian, at kung magkamali sila, pagagalitan ko sila.

“Pero kapag maganda ang ginawa nila, makakarinig sila ng magandang mga salita sa akin.

“Nagsimula rin ako sa wala. Nangarap akong gumanda ang buhay ko.

“I worked hard for it, at kung anuman ang narating ko ngayon, it is because of the people who helped me at sa mga naituro nila sa akin.

“Yun ang gusto kong i-share sa kanila at isapuso nila.

“Also, I want them to learn respect. Respeto sa mga nakakatanda sa kanila sa industriyang ito.

“Kahit sino pa ang makilala nila, they have to show respect.

“Huwag nilang alisin yung 'po' at 'opo'—that is a sign of respect sa ating lahat.

“Kaya sinabi ko nga sa mga protégés ko na kung meron silang gustong malaman or itanong, huwag silang mahihiyang iparating sa akin.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • SideWalkVendor

    08/13/2012 | 06:48 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • intoxicatedredux

    08/10/2012 | 02:55 PM
    Gusto niyang ibahagi sa mga pambato niya ang mga natutunan niya kay Direk Lino Brocka.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    08/10/2012 | 09:45 AM
    kumusta na kaya si siony dabao at mga anak nila,,,at si dunca...parang magkakabalikan siguro si salvador at si crestina decena
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    08/10/2012 | 05:09 AM
    si vice gob mentor na.... ang show na ano ang latest mga 2 months ang yan wala na yansa ere dba germs
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • gobernadora

    08/09/2012 | 03:56 PM
    dito sa rin sa abroad, angat na angat ang akting ni Ipe, galing nya talaga. Pati si chard napapaakting nya ng tama. good luck sa mga proteges mo.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    gobernadora
    08/09/2012 | 04:01 PM
    error... dito rin sa abroad, dami rin bilib. angat na angat ang.....
    SideWalkVendor
    08/13/2012 | 06:51 PM
    Hindi nga pinapansin yan sa abroad, alam kasi doon na mangagamit yang tao na yan..
  • sk8r_boi

    08/09/2012 | 12:49 PM
    ang galing mo kagabi amadeo sa confrontation scene nyo ni wesley sa MKM. sa protege naman, hindi ako bilib sa choices mo. ung ruru lang ang mejo may itsura pero ampayat naman.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Stantiel
    08/10/2012 | 02:58 AM
    ... was about to make a similar comment. Galing ng acting nila. ... must commend Dominic for acting well. Talong-talo si Richard.
  • Stantiel

    08/09/2012 | 11:53 AM
    You're so good in "Makapiling Kang Muli." ... such an honor for the show to have you there. It won't be as good if you were not part of the cast. We hope that GMA continues to value your skill by giving you more shows afterwards.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About