news

Kapuso tween star Hiro Magalona recounts how his family narrowly escaped flood in Novaliches; says nothing is left of their belongings

by John Fontanilla posted on August 9, 2012  STATS: 17122 Views | 7 Comments

Laking pasasalamat ng young actor na si Hiro Magalona dahil nakalikas ang kanyang buong pamilya mula sa baha sa Novaliches dulot ng walang tigil na pag-ulan ngayong linggo.

Photo By: File

“Wala man lamang kaming nadalang gamit dahil biglaan ang pagtaas ng tubig. Kung ano yung suot namin, yun lang nadala namin.

“Kaya naman halos lahat ng naipundar ko, nawalang parang bula.”

Nagpapasalamat na lang daw si Hiro sa Diyos dahil walang napahamak sa kanyang pamilya.

“Thankful na rin ako kay Lord kasi buhay kaming lahat, kahit na nawala yung mga gamit namin, ang mahalaga ay ligtas kami at magkakasama.

“Inisip ko na lang na makakabili pa rin ako ng mga nawalang gamit sa amin, sa mga susunod na araw.”

Nagpapasalamat din si Hiro sa ama-amahan niya sa showbiz na si German “Kuya Germs” Moreno dahil ito raw ang unang tumulong sa kanya.

“Kasi nung tawagan ko siya ng nangyari sa pamilya ko, siya yung unang tumulong sa amin.

“Yung suot ko ngang damit nang pumunta ako sa radio program ni Kuya Germs, hiniram ko lang sa pinsan ko, kasi wala talagang natira sa damit ko.

“Nakakalungkot nga kasi two months pa lang kami doon sa bago naming bahay, tapos ganun ang nangyari.

“Ayaw na nga ng lolo at lola kong bumalik dun, medyo na-trauma sa nangyari. Nakita kasi nila ang pagtaas ng tubig.” 

Sa ngayon daw ay nakatira ang pamilya ni Hiro sa dati nilang bahay na tinitirhan na ng kanilang kamag-anak.

Hindi raw alam ni Hiro kung babalik pa sila sa dati nilang tirahan o lilipat na sila.

« Prev  1  2  

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • kentish901

    08/10/2012 | 06:32 AM
    this young man got the looks, height and charm...he is definitely the making of a future matinee idol, giving him a good break he will surely go places in showbiz...PAGING GMA 7, GIVE THIS YOUNG MAN A BIG BREAK, BAGO PA MA PIRATE NG KABILA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mandersnork

    08/10/2012 | 03:36 AM
    ok lng mawalan ng gamit kc pwde un bilhin. glad the family are ok. sana ang pinas matuto na talaga na wag basta basta mgtapon ng basura. but, they will never learn tigas kya ng ulo natin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sosingmasa

    08/09/2012 | 11:47 PM
    Mauulit at mauulit pa ang ganitong weather because of global warming. I would say its really best for people to move to a higher location kung saan di gaanong bahain.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gobernadora

    08/09/2012 | 06:43 PM
    ano kayang kamalasaduhan pinagsasabi ni pwear at angel25? ganun na lang ang gawin mo hiro, pasalamat kayo ulit with ur family sa Diyos at ligtas kayong lahat. Ung mga gamit, sadyang mabibili mo naman yan sa takdang oras na kailangan mo na. GOOD LUCK SA CAREER MO!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    08/09/2012 | 05:36 PM
    kung mabura lang ang comment mo, sayang naman dahil di bayad yun di ba? LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    08/09/2012 | 01:02 PM
    ang gwapo naman nito! omg. bigyan pa ng maraming shows. grabe, ang cute. magiging cradle snatcher ata ako. lol.. joke lang. but he's really adorable.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    08/09/2012 | 01:02 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About