news

TYPHOON WATCH: More celebrities lend helping hand to flood victims

by Nerisa Almo posted on August 9, 2012  STATS: 33637 Views | 25 Comments

PEP saw these photos of celebrities who helped each other gather enough relief goods for flood victims. (Clockwise, from top) TV Patrol reporter Gretchen Fullido, Angel Locsin, Iza Calzado, and Kris Aquino after the relief operation in Valenzuela; Raymond Gutierrez asking for more donations and looking for additional volunteers; Isabelle Daza and mother Gloria Diaz with friends who helped in packing relief goods.

Photo By: Gretchen Fullido and Isabell Daza

Hindi natatapos sa pagtigil ng ulan at paghupa ng baha ang pagtulong ng mga artista sa mga nasalanta ng hagupit ng hanging habagat.

Gamit ang kanilang mga personal account sa iba't ibang social media sites, tulung-tulong ang mga artista para makaipon ng relief goods at makakuha ng tulong pang-rescue sa mga biktima ng baha sa Metro Manila at ilang probinsiya sa Luzon.

Tulad halimbawa ng TV host-actress na si Kris Aquino.

Sa ikalawang pagkakataon ay kasama si Kris sa relief operation na isinasagawa ng kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.

Kaninang hapon, Agosto 9, ay kasama siya sa pagbisita ng grupo ni PNoy sa isang evacuation center sa Valenzuela City.

Kasama rin sa operasyong ito ang mga kapwa celebrities ni Kris na sina Iza Calzado at Angel Locsin, at ang TV Patrol reporter na si Gretchen Fullido.

Sa kanyang personal account sa Twitter, pinasalamatan ni Kris ang kanyang mga sponsors, pati na ang mga kaibigang celebrities, tulad nina Anne Curtis at Vice Ganda, sa pagbibigay ng kanilang tulong sa ginagawang relief operation ng Sagip Kapamilya.

Kasama rin si Kris sa pagbisita ni PNoy sa Muntinlupa kahapon, August 8.

May nakakatuwa namang insidente sa relief operation sa Valenzuela.

Muli kasing nagkita si PNoy at ang dati nitong kasintahan na si Shalani Soledad, na konsehala sa naturang lungsod.

(CLICK HERE to read related story.)

KC CONCEPCION. Samantala, ang The X Factor Philippines host namang si KC Concepcion ay patuloy rin ang pag-assist sa mga nangangailangan ng tulong.

Ginamit din niya ang kanyang Twitter account para makipag-coordinate sa mga nagsasagawa ng relief operations, kasama na ang grupong kinabibilangan niya—ang World Food Programme.

Kanina ay nag-post siya sa Twitter ng: "On my way to do work in Caloocan with Team World Food Programme (WFP). God bless the Philippines.♥ @WFP_Philippines @WFP_Asia

Bukod sa pagpapasalamat sa mga tumulong para maisakatuparan ang relief operation ng WFP, may isa ring pakiusap ang panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta sa gobyerno.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

25 Comments

  • BrunoEsmeralda

    08/10/2012 | 07:34 AM
    THANK You sa lahat ng mga tumutulong para sa mga flood victims. It is so fulfilling to know na marami ang na INSPIRE sa ginagawang pagtulong nina MARIAN RIVERA sa mga flood victims, kaya naman tumulong na rin ang iba pa nating mga celebrities. Tunay na MAGANDANG HALIMBAWA si MARIAN Rivera sa lahat. We LOVE you so much. God Bless Us All!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    andrea_2011
    08/10/2012 | 09:58 AM
    nyahahahaha. salamat ika mo at nagising si marian at na realize na hindi lang si DD ang dapat nyang bigyan ng material na bagay. merong victims of calamities na puedeng makinabang sa pera nya.
    greatness
    08/10/2012 | 12:41 PM
    Oooops I thought the donations were fr Red Cross, not from her pocket. Kudos also to Robin and Mariel all their donations were all fr their own pockets.
    pinaskongmahal
    08/10/2012 | 02:49 PM
    andrea ano ba ang pakialam mo kung anong gustong gawin ni MArian sa pera nya.kahit ubusin nya kay dingdong yon anong paki mo? pinaghirapan nya yon at boyfriend nya si dingdong na hindi naman sya ginagamit para magkaroon na career .pakitanong mo kay Phil? OK? ang laki talaga ng problema ng mga bashers ni MR ssa kanya.
  • yourstruly

    08/10/2012 | 06:22 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • azton111

    08/10/2012 | 05:18 AM
    I hate it when people post in social media that they're doing some charity projects or helping people, let the others post it for you, Mon Gutierrez post this pics in his instagram and it doesn't looks good.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 2Curious_1

    08/10/2012 | 01:10 AM
    Let us also acknowledge Shaina Magdayao, Vina Morales, Bea Alonzo and Zanjoe, Billy and Nikki, Ryan, Vhong and all who were there to contribute their time in helping the needy. Hats off to all.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    2Curious_1
    08/10/2012 | 10:05 AM
    Enchong was one of the volunteer as well.
    jakar
    08/10/2012 | 11:55 AM
    Good job to all of them.. Hoping for more blessings para sa kanila at sa lahat ng nakapag share pa sila sa mga nangangailangan
  • gobernadora

    08/09/2012 | 08:38 PM
    Paulit ulit na lang sinasabi ang ginawa ni Kris. Praise u ate Kris!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About