“Nagulat ako nung nakita ko kung gaano siya ka down-to-earth. May isang scene kasi bago ikasal ang babae, papaliguan ang bride ng nanay ng lalaki or pwedeng kaibigan.
“Si Tita Guy [Nora], pinapaliguan niya ako, na-cut na ang scene na may sabon-sabon pa ako sa katawan. Siya pa yung nag-banlaw talaga sa akin!
“Tinuloy na niya, inaagaw ko na nga ang tabo. Sabi ko, ‘Ako na po!’ Pero sabi niya, ‘Hindi, ako na.’
“Noong isang beses naman, nag-aayos ako ng gamit sa room kasi lilipat na kami ng location. Lahat sila, nagme-merienda sa labas. Sabi ko, susunod ako sa labas.
"Then, mamaya may kumatok sa kuwarto…same room kasi kami ni Tita Guy.
“Pagbukas ko ng pinto, si Tita Guy may dala-dala na bowl of noodles. Sabi niya, ‘Kain ka muna.’
“Ang sweet niya! Parang nahiya nga ako kasi dinalhan niya ko talaga. Nakakatuwa kasi 'tinuring niya ako na parang anak talaga. Nararamdaman ko yun.”
Nora plays a Badjao midwife in Thy Womb. Mercedes says that Nora’s character is a woman who has difficulty conceiving.
“Mag-asawa sila ni Bembol Roco, pero hindi sila magkaroon ng anak. Badjao sila. Naghahanap sila ng babae na pwedeng pagkasunduan na magbubuntis for them—si Lovi Poe ang gumanap nun.
“Si Nora ang nagpaligo sa akin [during the wedding] kasi kaibigan ko siya.”
ON BRILLANTE’S STYLE AS A DIRECTOR. How is it like working with Direk Brillante?
“Pang-apat ko na movie ito with him, after Serbis, Kinatay, Captive, and itong Thy Womb.
"Proseso ang nangyari sa apat na iyon. Pag si Direk ang katrabaho ko, nahihirapan ako sa kanya, pero ngayon nakukuha ko na kung ano ang gusto niya.
“Ayaw niya kasi ang umaarte talaga. Ngayon, alam ko na kung ano ang gusto niya. Natutuwa ako kasi pinagkakatiwalaan pa rin niya ako hanggang ngayon.”
How does it feel to be considered the “lucky charm” of Direk Brillante?
“Nagulat ako nung nalaman ko yun. Nakakatuwa na ganun ang tingin niya sa akin.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
9 frida_kadiff
8 thirstytrooper
7 alexangel
6 Orangina_123
5 Orangina_123
4 Orangina_123
3 intoxicatedredux
2 oneandonlygirlinmylife
1 rickydave