news

TYPHOON WATCH: Socialite Divine Lee spearheads relief operation in San Mateo, Rizal

by Arniel C. Serato posted on August 10, 2012  STATS: 18870 Views | 9 Comments

Pinangunahan ng socialite na si Divine Lee (extreme left) ang relief operation sa isang eskuwelahan sa San Mateo, Rizal. Kasama niyang namigay ng tulong ang mga kaibigang sina KC Montero at Rhian Ramos (rightmost), at Bubbles Paraiso, Neil Arce, Ronald Singson, at Boy 2 Quizon.

Photo By: Arniel C. Serato

Sa kasagsagan ng malakas na ulan at pagbaha nitong mga nakaraang araw ay naging aktibo ang social networking sites, lalo na ang Twitter, sa pagpu-post ng situationers ng ibat ibang lugar. 

Siyempre pa, kasama sa mga posts ang mga litrato ng mga binahang lugar.

At ang panghingi ng tulong at rescue.

Maraming celebrities ang hindi nag-atubiling tumulong sa pamamagitan ng pagre-report sa mga kinauukulan ng kanilang mga kalagayan.

Isa sa kanila ay ang socialite na si Divine Lee, na parang naging reporter sa pagsagot sa mga nagtu-tweet sa kanya na nagpapa-rescue.

Kahapon, August 9, nakasama ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Divine sa pangalawang araw ng pamimigay niya at ilang kaibigan ng relief goods sa Maly Elementary School sa San Mateo, Rizal.

Kasama ni Divine sina KC Montero, Rhian Ramos, Boy 2 Quizon, Bubbles Paraiso, Neil Arce (ex-boyfriend ni Maxene Magalona), Juliana Gomez (anak nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez), at si dating Ilocos Representative Ronald Singson.

Nakapamahagi sila ng halos anim na libong relief goods sa mga evacuees.

Nauna nang namigay ang grupo ni Divine noong Miyerkules, August 8, sa Marikina. Kasama naman niya doon ang boyfriend na si Victor Basa at sina Rhian at KC.

Nakapag-abot sila ng 1,500 packed goods sa ilang kababayan natin doon.

HELPING OTHERS. Unang inusisa ng PEP kay Divine kung matagal na ba nilang ginagawa ang pag-oorganisa ng relief operations kasama ang mga kaibigang mga celebrity.

Lahad niya: “Yes, Ondoy [2009], Pepeng [2009]…

“Nung Milenyo [2006], hindi pa ako medyo sanay, so medyo may mga mali pa sa ginagawa ko. Kung saan-saan na lang ako sumusugod, pabigla-bigla.

“Sa ngayon, medyo alam ko na ang mga pasikot-sikot, alam ko na kung paano mangolekta ng relief goods, paano magpa-pack, paano iko-coordinate sa local government.

“Sa CDO [Cagayan de Oro], pumunta rin kami nina Angel [Locsin], sina Phil Younghusband, Chito Miranda, at si Maxene Magalona… ayun, sunud-sunod.”

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • aiskeep

    08/11/2012 | 10:14 PM
    Mabuti naman at may initiative tumulong itong si Devine Lee, pero mas hahanga ako sa kanya kung ituturo nya kung nasaan ang tatay nya....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • meganontalaga

    08/11/2012 | 01:12 PM
    grabe ang babaeng ito. pinamumudmod niya ngayon ang pera ng sambayanang pilipino na inutang ng tatay nya pag ibig un pala scam! nakakahiya ka! kasuklam suklam pamilya nyong mandurogas! mga manloloko! nakakayanan mo pang iharap yang PAGMUMUKHA mo sa TV ! sobrang KAPAAAAL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • chowee143

    08/11/2012 | 03:09 AM
    alanghya! anak ka pla ni Delfin Lee ! npanuod ko ung krusada don ko lng nlaman pnag gagawa ng tatay mo at kumpanya nyo. teh ung pnang buy ng unit sa GA , dugo at pawis un, kung alam mo lng pnu mag work sa ibang bansa ma suportahan lng ang family sa pnas bka ikaw mismo nde mo kayanin. kesa mag charity work ka, ayusin mo muna prob nyo sa GA. bgay nyo titulo na dpt sa knila, pnaghirapan nila un! karmahin sna kau sa panloloko nyo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • waterwell

    08/11/2012 | 12:30 AM
    sana unahin muna nyang tulungan yung mga naloko ng company ng family nya she was the marketing head. sana mapanood nyo yung episode ng krusada regarding the globe asiatique scandal. yung so-called charity work nya right now, doesn't absolve her family. for me, it only highlights her hypocrisy. sa mga nagsasabi na wag nega sa panahon ngayon, naisip nyo rin ba yung mga naloko ng scam nila? nagsasaya rin ba sila sa panahon ngayon? pwede nyo bang sabihin sa kanila na wag silang nega dahil nagcha-charity work ang marketing head ng globe asiatique? pati pala si melai cantiveros, naging biktima din
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 298

    08/10/2012 | 10:07 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pinay_rn

    08/10/2012 | 01:08 PM
    good job Ms D.Lee, dapat kang tularan ng tatay mong si Delfin Lee.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • henriettopex

    08/10/2012 | 12:01 PM
    Asan na ang tatay mong si Delfin Lee? Pinaghahanap na ba sya ng batas?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    onechismis
    08/10/2012 | 12:26 PM
    wag na muna nega please?! tumulong ka muna.
  • alexitorin

    08/10/2012 | 11:56 AM
    Socialite na walang ka ere ere. Good job Divine Lee. Suwerte ni Victor.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    08/10/2012 | 11:50 AM
    Good job!!! Bless all of u!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About