news

Manila’s women softball team takes home Philippines’ first Softball World Series title

by Joyce Jimenez posted on August 10, 2012  STATS: 3732 Views | 6 Comments

Sinabi ni Head Coach Ana Santiago (in photo) na nauunawaan ng buong Manila women softball team kung hindi gaanong nabigyang pansin ang kanilang tagumpay. Aniya, “Alam namin na magiging proud ang mga kababayan namin sa atin na nakapagbigay kami ng karangalan."

Photo By: Courtesy of Spin.ph

Matapos ang unos, mayroon na namang dahilan ang mga Filipino upang magdiwang.

Ito’y matapos masungkit ng Manila’s women softball team ang Big League Softball World Series title kahapon, Agosto 9 (oras sa Pilipinas), na naganap sa Kalamazoo, Michigan.

Sabi ng head coach ng koponan na si Ana Santiago sa Spin.ph, isang sports portal, na bago magsimula ang laban ay naibalita na niya sa mga manlalaro ang kalagayan ng bansa.

“Nung nag-meeting kami ng mga bata bago ng championship [game], sinabi ko na medyo hindi maganda ang kalagayan sa Pilipinas.

“Sabi ko sa kanila na, 'Alam ko nagwo-worry tayo sa mga pamilya natin. Pero pagdating sa field, mag-concentrate muna tayo dahil yung laro naman natin, ide-dedicate natin sa mga nasalanta.'”

Nanalo ang Manila’s women softball team laban sa koponan mula sa California sa score na 14-2.

Ito ang pinakaunang Softball World Series title na napanalunan ng Pilipinas, bukod sa pagkapanalo natin sa junior league softball noong 2003.

Ayon sa presidente ng Manila Little League Charter at Manila Councilor Che Borromeo, kapansin-pansin talaga ang determinasyon na ipinakita ng ating mga manlalaro.

“Talagang determined yung mga players. Kahit anong nangyari, determined sila at talagang lumaban.”

Ang Manila Little League Charter ang pangunahing sponsor ng Manila women softball team sa naturang kumpetisyon.

Bagamat hindi nabigyan ng sapat na atensiyon ang panalong ito ng ating koponan, nauunawaan naman daw ito ni Coach Ana.

Aniya, “Alam namin na magiging proud ang mga kababayan namin sa atin na nakapagbigay kami ng karangalan at, kahit pansamantala, malihis yung usapan tungkol sa kalamidad.”

Basahin sa Spin.ph ang mga pinagdaanan ng Manila’s women softball team bago nila makamit ang tagumpay.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

6 Comments

  • puckerlips143

    08/10/2012 | 11:49 PM
    akala ko sa olympics sa london nagwagi ng gold ano ba...eklat lang pala ambot.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    eazypinoy
    08/11/2012 | 04:14 AM
    softball is not included as a competition sport sa london olympics. Anyways, we still need to be proud na nanalo sila at World Series of Softball pa!
  • jagjof

    08/10/2012 | 07:38 PM
    uy grabeh big deal dito sa US yan ha......congrats ang galing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • vivapinata

    08/10/2012 | 05:55 PM
    NICE!!..good job...buti pa kayo pwde na ipagmalaki kaysa dun sa mga Azkhals na walang naipagmamalaki puro face value, yabang at porma lang..kayo champion na...sila ewan...sa pormahan lang magagaling
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • taray143

    08/10/2012 | 04:47 PM
    Congratulations!!! yung mga hindi pinapansin na sports tayo nananalo! paging PSC, please take care of our newgen athletes!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mrsenchong

    08/10/2012 | 01:53 PM
    bakit hindi sa olympics naglaro?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    eazypinoy
    08/11/2012 | 04:13 AM
    walang softball na laro sa london olympics tinanggal...
  • BrunoEsmeralda

    08/10/2012 | 12:56 PM
    Congratulations. Sana maging successful din ang mga pinoy sa ibang larangan ng sports at sa Olympics.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About