Sabi ni Toni Gonzaga, problema na niya ang kanyang digestive system kahit noong bata pa siya. Kuwento niya tungkol sa kanyang condition: “Siguro sa trabaho daw o sa kinakain. Di kakain pero pag kumain naman—lamon. Nagbayad na ako ngayon.”

Photo: Allan Sancon

Hindi pa maganda ang pakiramdam ng TV host/actress na si Toni Gonzaga nang lumabas siya sa ASAP 2012 at The Buzz noong Linggo.

Hinangaan tuloy ang kanyang propesyonalismo dahil kahit may iniindang sakit ay lumabas pa ito ng ospital para um-attend sa kanyang commitments.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Toni, sinabi niyang bata pa lang siya ay problema na niya ang kanyang digestive system.

Pero grabe ang naging pain niya kamakailan at kinakailangang isugod at i-confine na siya sa ospital.

“Dapat nga tuloy-tuloy na yung pagpapa-confine ko. So kaso lang, launching kasi ng Belo, naka-fix na lahat so nakakahiya talaga mag-back out.

“Nahihiya ako kasi tumawag pa si Dra. Vicki Belo, sabi ko, ‘Kung kaya kong tiisin pa, titiisin ko.’''

Si Vicki Belo ang head ng Belo Medical Group at masasabing pinakakilalang beauty doctor sa bansa. Endorser ni Dra. Vicki si Toni.

“Natiis ko naman, nag-medication kami, and then sa The Buzz, marami kaming balita.

“Sabi ko, kung present ako sa ASAP, diretso na ako hanggang sa The Buzz, then after nito, diretso na ako sa ospital, papa-dextrose na ako.

“This happened Tuesday nung shooting namin.

“Nagsimula sa empatso, hanggang sa di natunawan, hanggang sa nagtu-throw up na ako, hindi na ako nagpupupu.

“May malfunction na nangyari. Di na nagpa-function nang tama kahit uminom ako ng pampapapupu—wala pa rin.

“Five days na, naalarma na 'ko, tapos ang bigat na nang pakiramdam ko, so pina-Xray namin—and it’s positive, it’s a baby poop.

“Nagpa-enema, sosyal version ng labatiba, nilinis.

“Sabi ko, kapag nilinis okay na, pero di pa rin, matigas pa rin, tapos this morning para pa ring masusuka.”


STRESS. Ayon kay Toni, stress daw ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng ganitong problema sa kanyang panunaw.