Sa pagpapatuloy ng PEP Talk kasama ang loveteam nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona, napadako kami sa usapang pag-ibig. Sinimulan namin ito ng magaan.
Sa isang previous interview ng isa sa aming mga editor na si Monching Jaramillo, pinangalanan ni Julie Ann ang kanyang top 5 crushes sa showbiz. (CLICK HERE to read that article)
Binanggit niya ang mga aktor na sina Richard Gutierrez, Dennis Trillo, Dingdong Dantes, Xian Lim at Gerald Anderson ngunit hindi niya isinama sa listahan si Elmo.
Ipinaalala namin ito kay Julie. Bakit nga ba hindi kasama si Elmo?
“Given naman na siya dun. Given naman siya. Kumbaga, sa school, may honorable mention, siya yung Top 1,” paliwanag niya.
Si Elmo naman ang tinanong namin kung sino ang top 5 crushes niya sa showbiz. Biro nito, “Syempre hindi ko din siya ilalagay kasi wala ako sa list niya.”
“Hindi, sa akin...sino ba? For me, yung mga magaganda talaga. Si Solenn, si Rhian Ramos,” habang iniisip ni Elmo ay panay naman ang suggest ni Julie Anne na kilalang-kilala talaga ang mga crush ng ka-loveteam.
Pagpapatuoy ni Elmo, “Si Heart, si Anne Curtis and…isa na lang, sino ‘to? Si Julie!” dagdag niya.
Singit ni Julie Anne, “Pero hindi ko alam kung pang-ilan ako,” wika nito, sabay tawa.
Ngunit hindi na naiwasan pang tanungin ang tunay na estado ng kanilang lovelife. Sila ba ay na-inlove na? Single or taken?
Si Julie ang unang sumagot. “I’m in love, I’m in love. I’m in love with work,” biro nito.
May boyfriend ba siya sa kasalukuyan? “Wala po, wala,” ang kanyang sagot.
Tinanong din namin kung naligawan na ba siya noon. Sagot niya,” I don’t know, hindi ko alam. Siguro merong mga nandyan sa paligid.
“Pero since, ayun, priority ko talaga yung work and kailangan kong mag-focus talaga. Kumbaga, parang…hindi muna…and I’m not yet ready talaga.
“So, parang… If ever the time comes, of course, parang you have to take commitments and responsibilities para maging maganda yung relationship niyo balang araw,” dagdag pa niya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
58 Paradigm
57 effyou
56 MiddleFinger
55 MiddleFinger
54 dmdaisy
53 DUBAIEYE
52 supermanPOGI
51 zephyrinthesky
50 supermanPOGI
49 kapamskoo
48 supermanPOGI
47 Max_08
46 Acotoh
45 Einstein_1
44 daiguro01
43 gormiti_2009
42 skittlesrainbow
41 gayfairy
40 bac_tol
39 supermanPOGI
more comments