“So sabi nila, 'But for now, it’s a no.' Try mo next time. Sabi ko… Ang advice kasi nila dapat sa singing contest daw.
“So, during that time, sa kabilang station [GMA7], nag-offer sila ng singing contest. So dun ako sumali. Dala-dala ko yung advice nila na may mga singing contest naman dyan.
“Siguro, hindi ako yung pang-actor talaga na materyal. So, tinry ko yung singing search sa ibang istasyon. Yung Pinoy Pop Superstar na may year 1, year 2.
“Yung Year 1 hindi ako pumasa, Year 2 hindi ako pumasa, Year 3, awa ng Diyos, pumasa ‘ko! Tapos, the rest is history.
“Naging first runner-up ako dun sa show na yun. Natanggal pa ‘ko, tapos nag-wild card episode lang na napili ako, na sobra talagang hirap kasi natalo pa 'ko sa Year 3.
“It so happened lang tinawag ako for the wild card. Tapos nag-first runner-up ako.
"So lahat ng struggles ko talaga…As in, naexperience ko talaga lahat ng mga bagay na yun.
“Pero okay lang kasi kung wala yang mga experiences na yan, parang hindi ka rin magiging successful e. Maganda na rin na napagdaanan mo yung mga hardships,” paninindigan niya.
Nabigyan naman daw ng break si Bryan sa GMA-7. Naging regular siya sa Sunday variety show noon na S.O.P. at naging bahagi rin ng isang teleserye.
Ngunit pagkatapos nito ay nagpasya na nga siyang lumipat sa ABS-CBN, kung saan ngayon ay nabibigyan naman siya ng exposure sa Sunday noontime show na ASAP.
“PRINCE OF TELESERYE THEME SONGS.” Binigyan din ng titulo ng Kapamilya network si Bryan bilang “Prince of Teleserye Theme Songs.”
Ang awitin niyang “Bihag” ay ginamit sa telesereyng 100 Days To Heaven, at ang “Dadahin” naman ay ginagamit ngayon sa Walang Hanggan.
Ano naman ang pakiramdam na mabansagang “Prince of Teleserye Theme Songs?”
“Naku, ang sarap. Ah…wow. Hindi naman ako naghahangad ng pangalan, pero kung galing sa kanila yun, maraming-maraming salamat.
“Kasi ako, kung ano lang yung ibigay nilang kanta, gagawin ko lahat para mabigyan ko ng justice.




CALLED OUT
ALL COMMENTS