news

Ai Ai delas Alas admits that when she's in love she is silent

by Arniel C. Serato posted on August 11, 2012  STATS: 20979 Views | 8 Comments

Ai Ai delas Alas:  “Pag in-love ako, tahimik ako. Ganun talaga ako. Hindi ako naririnig. Wala lang, nag-i-stay lang ako sa bahay.”

 

Photo By: Monching Jaramillo

Bali-balita na ngang nagpakasal diumano ang Comedy Concert at Comedy Box Office Queen na si Ai Ai delas Alas sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jed Alvin Salang sa Las Vegas.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kinukumpirma ni Ai Ai.

Sa kanyang mga nakaraang interviews pagkauwi niya sa Pilipinas mula Las Vegas, USA, laging “no comment” ang tanging sagot niya sa mga nagtatanong tungkol sa napabalitang kasalan.

Kanina, August 11, sa talk show ng TV5 na Ang Latest, may mga “makahulugang sagot” si Ai Ai sa kanyang panayam via live phone patch sa mga hosts ng show—na sina Cristy Fermin, Amy Perez, Mr. Fu, at Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

STILL NO COMMENT. Unang tanong ni Cristy, “Ang tatanungin muna namin ay ang kondisyon ng puso mo ngayon. Gaano ka kaligaya ngayon, Ai Ai?

Sagot nito, “Ah, masaya naman ako, Nay.

 

“Narinig ko nga dun sa radyo [Cristy PerMinute, 92.3 News FM] na pag in-love ako tahimik ako. Ganun talaga ako.”

 

Pagpapatuloy niya, “Hindi ako naririnig. Wala lang, nagi-stay lang ako sa bahay.”

Dugtong naman ni Cristy, Kasi, kapag ikapag-mamaingay niya, naku hindi totoo yun.”

“Gaano katotoo balae na nagpunta ka raw ng Las Vegas, wala ka man lang pasalubong?” ang tanong naman ni Amy Perez, na “balae” ang tawag sa kaibigang si Ai Ai.

Kinumpirma ni Ai Ai ang pagpunta sa Vegas, ngunit hindi raw sa kadahilanang binabato sa kanya.

“Hindi, balae, pumunta talaga ako dun kasi yung kapatid ni Jed taga dun e.”

Tanong naman ni Mr. Fu, “Pero anong masasabi mo, Miss Ai Ai, na may kasalan daw na naganap sa Las Vegas?”

 

May pag-aatubiling tugon ni Ai Ai: “Ah, sinabi ko na to kay Nanay [Cristy.] Alam niyo namang mahal na mahal ko si Nanay, kaya ang sabi ko sa kanya, ‘Nay, sa buhay ko ngayon, gusto ko muna gawing pribado 'yan, so hindi ko muna sasagutin.”

 

At sinang-ayunan naman ng lahat ng hosts ang hindi pagsagot nang tuwiran ni Ai Ai sa isyu.

Na ikinatuwa naman nang husto ni Ai Ai, kaya ito'y nagpasalamat:Salamat at nirespeto niyo.”

Dagdag na paliwanag ng kolumnista/TV host/radio anchor na si Cristy: “At, Ai Ai, dalawang bagay yan e. Ang pagsagot ng 'no comment' ay p'wedeng hindi totoo, at p'wede rin namang naghihintay lang tayo ng tamang pagkakataon bago natin ibulalas ang katotohanan.”

Pagsang-ayon naman ng magaling na komedyana, “Yes, tama yan, Nay. Tama talaga siya. Yun na yun, natumbok mo.”

 

KAPAMILYA TO KAPATID? Dagdag na tanong ni Cristy sa Comedy Concert Queen, “Ai Ai, ang isa pang tanong, kailan ka raw lilipat dito sa TV5?”

 

Natawa naman si Ai-Ai bago nagwika ng, “Ay dyusko, susmaryosep.

 

“Hindi ko pa po alam, Nay, kasi kakapirma ko lang nung [contract] sa Star Cinema.

 

“Pero yung sa telebisyon, mag-eexpire na siya sa December, so hindi ko pa alam, Nay. Tingnan natin pag ano na, pag bandang December na.”

 

Sa sagot na ito ni Ai Ai, nasabi naman ni Congresswoman Lucy ang matalinghagang: “As the wind blows.”

Nagkatawanan na silang lahat sa show, lalo na nung bumuwelta si Ai Ai nang: “Ang taray naman ng as the wind blows.”

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

8 Comments

  • skittlesrainbow

    10/03/2012 | 09:03 AM
    babae tapos lalaki, ano ba talaga trip nitong si ms ai aia dela malas!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cooldudetwofive

    08/15/2012 | 10:49 AM
    ay pahabol c christian din pala _
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cooldudetwofive

    08/15/2012 | 10:48 AM
    no big deal...di naman batang-bata para pansinin! chos.....sabi yan ni ben
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spotthedifference

    08/13/2012 | 04:55 PM
    in fairness ang guwapo ng jowa nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • frida_kadiff

    08/13/2012 | 12:29 PM
    if she doesn't want to go public with her lovelife why allow an interview. somethings amiss around here.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Orangina_123

    08/13/2012 | 06:09 AM
    What is this?...Laos na ba talaga si Ai-Ai? Bakit walang comments?...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pearl102
    08/13/2012 | 06:35 AM
    Hindi na importante si AyAy sa DOS kasi wala na sila noong tee bong executive ng DOS, may mga young and fresh na kasi silang mga talents like Julia Montes na mahirap lang kaya kayang kaya nilang imanipulate kaya iHANAP na si AyAy ng lalaking bagets. Parang si Bea Alonso na matapos pagsawaan ay ilalagay na daw doon sa movie with JLC na mas daring pa kaysa sa last movie na ginawa nito.
  • Orangina_123

    08/12/2012 | 07:52 PM
    Nanay nung Julie Anne San jose...hihihi magkatabi pa ang article nila...hihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    08/12/2012 | 10:23 AM
    4752 views pero walang nag interes mag comment?? Ako lang?? Kawawang Ay Ay, sinawaan na ng mga TARDS ng DOS.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    nice1
    08/12/2012 | 11:15 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Orangina_123
    08/12/2012 | 12:29 PM
    Sawa na mga tao s drama nya...

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About