Sa muli na namang pagtukoy sa mga bali-balita na may relasyon sila ni Lauren Young, diretsong tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo Magalona tungkol dito.
Nakausap ng PEP si Elmo noong Biyernes, August 10, sa 17th floor ng GMA TV Complex para sa promo ng pelikula nila ni Julie Anne San Jose para sa GMA Films, ang Just One Summer.
Kaibigan daw si Lauren ng mga kapatid niyang sina Saab at Maxene Magalona.
“Hindi, feeling ko kaya… sa akin kasi, kaya sila laging nali-link, yung sa amin kasi, parang ano siya..." pagbubuo muna ng paliwanag ng 18-year-old Kapuso contract artist tungkol sa usap-usapang may relasyon diumano nila ni Lauren.
"Si Lauren, close siya kina Max 'tsaka kay Saab, e. Parang yung minsan sumasama sila sa akin, ganun.
“Kasi kasama ko sina Max, 'tapos lalo na yung mga bading nilang kaibigan.
“Iyon nga kasi ako, alam ninyo naman close ako sa family ko, e. Madalas po ako lumabas kasama ko sila.
"Minsan lang ako lumabas kasama yung mga friends talaga. Kasi, ayun, nasa college sila 'tapos ako, parang wala naman akong time.
“Kunwari, busy sila ngayon, or busy ako ngayon. Kaya ayun, usually, kasama ko ang family ko.
“Tapos ayun, lumalabas ako kasama ko yung kuya ko, sina Max, sina Saab,” patuloy na pagpapaliwanag ni Elmo.
At ang kanyang sagot sa tanong kung sila na ba ni Lauren: “Hindi, hindi po kami.”
Ngunit hindi rin naman itinanggi ni Elmo na may mga pagkakataong lumalabas sila ni Lauren.
“Pero kasi, usually pag nakakasama ko po siya, kasama ko rin po yung ibang friends niya, e.
"Never po na kaming dalawa lang. Hindi ko pa siya nakasama na kaming dalawa lang, kahit once.”
Nang tanungin ng PEP kung nililigawan ba niya si Lauren, ito ang tugon ni Elmo: “Ngayon po? Hindi, hindi po.”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
24 thor23
23 bac_tol
22 oskieness
21 lifehouse232
20 callmekeylee
19 thor23
18 malimali
17 sweetum
16 joepace23
15 ivano
14 thorns_143
13 gorgeous_aleck
12 schokolade
11 Aginaya
10 chuvaminda
9 chuvaminda
8 aiskeep
7 AKOKAZE
6 joepace23
5 DUBAIEYE
more comments