news

Netizens cry foul over TV5's "deceitful" info about airing 2012 London Olympics' closing ceremony live

by Demai G. Sunio-Granali posted on August 13, 2012  STATS: 47743 Views | 38 Comments

Isa sa mga inabangang performances sa 2012 London Olympics Closing Ceremony ang pagbabalik-entablado ng all-famale group na Spice Girls. Masaya na sana ang Pinoy fans nang malamang ipapalabas sa TV5 ang buong pagtatanghal ng closing ceremony, subalit nadismaya ang mga ito nang putulin ng network ang pagtatanghal upang magbigay-daan sa kanilang regular programming.

Photo By: Captured from YouTube

Nag-init ang social networking site na Twitter ngayong umaga, August 13, dahil sa maaanghang na tweets ng mga netizens laban sa TV5.

Marami ang nagalit dahil sa tinatawag nilang "panloloko" ng network sa kanilang live telecast ng 2012 London Olympics closing ceremony.

Nitong mga nakalipas na araw kasi ay in-advertise ng Sports 5—ang official free TV broadcaster ng London 2012 Olymics sa Pilipinas—na ipapalabas ang closing ceremony sa TV5, sa ganap na 4 a.m. hanggang 6:30 a.m. ngayong araw.

Ito ay live telecast umano na kasabay ng mismong event na nagaganap sa Olympic Stadium sa Stratford, London, England.

Tinupad naman ito ng network, at bandang alas-kwatro kaninang umaga ay nagsimulang umere ang programa.

Subalit ang masaya sanang panonood ng ilan ay nauwi sa pagi-init ng ulo ng marami dahil biglaang pinutol ng TV5 ang coverage upang magbigay daan sa ilang commercials.

Bagamat hindi naman inanunsiyo sa mga advertisement na walang commercial breaks ang telecast, hindi pa rin ito ikinatuwa ng viewers sa kadahilanang may ilang bahagi ng programa ang hindi nila napanood.

Nangibabaw rin ang tweets ng mga fans ng grupong Spice Girls na nangambang baka hindi nila maabutan ang reunion performance ng kanilang mga idolo.

Taong 2008 pa kasi nang huling magtanghal bilang grupo ang Spice Girls. Ito ay naganap sa Air Canada Centre sa Toronto, Canada, bilang bahagi ng naudlot nilang reunion world tour.

Makailang beses na naulit ang pagsingit ng TV5 ng commercials sa gitna ng programa.

Hanggang sa sumapit ang 5 a.m., kung saan imbes na ipagpatuloy ang coverage ay nagsimula nang umere ang morning show ng TV5 na Good Morning Club.

Bagamat bumalik din ang telecast, hindi na tuloy napanood ang iba pang mahahalagang pangyayari sa closing ceremony.

Dahil dito, hindi na napigilan ng mga netizens/viewers ang kanilang emosyon at ipinarating ang kanilang pagkadismaya sa TV5 sa pamamagitan ng Twitter.

Narito ang ilang posts ng mga dismayadong manonood:

@shellaina: "we thought the tvc breaks during the live coverage is worse already. but wait, there's more! tv5 made it worst by cutting it short! kaloka!!"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

38 Comments

  • 38  intoxicatedredux

    08/14/2012 | 08:03 PM
    Minsan na nga lang makakapanood ng mga ganyang klaseng event, tapos pinutol pa nila to give way for something na araw-araw naman natin napapanood. Advertising is where the MONEY goes, indeed! tsk.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  syetedos

    08/14/2012 | 03:43 AM
    Nagrereklamo kayo eh mismo sa NBC dito pinutol din ang closing ceremony and nagpalabas ng show nila, then resumed later. puro kayo reklamo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  cinelamour

    08/14/2012 | 03:04 AM
    yung mga network fantards dito umaariba na. e lahat naman ng network dito sa pinas practice the same thing. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  alexis2222

    08/14/2012 | 01:59 AM
    ang TH kasi ng TH5 na makipagsabayan... hindi naman pala mapangatawanan... mwahahahahah... minsan na lang magpapakitang gilas, palpak pa... bait naman sinignit pa ang mga commerials... pwede naman sigurong hindi na.. anyway under the company of mannay pangilinan din naman yang mgha yan diba? mwaahahahahahahah...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  zephyrinthesky

    08/14/2012 | 01:21 AM
    Tanung ko na rin. D b Olympics ang isa s dahilan daw kung bakit lumipat c derek s tv5?? Bkt prang d nmn nramdaman ang presence nya s coverage!! Prang tnirit lng sya ni mvp pra mgbakasyon at manuod ng olympics..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  amayabai

    08/13/2012 | 11:16 PM
    pano napunta sa truth in advertising to? nagbayad ba kayo sa TV5? libre na nga nagdedemand pa. pa konek kaya kayo ng cable. cheap nyo ha. may nalalaman pa kayong truth in advertising. patawa.. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  amayabai

    08/13/2012 | 11:06 PM
    netizens cry foul? teka, is there data to back up your claim na majority of the netizens were dismayed? buti sana kung may figures hindi yung gawa-gawa na parang Kantar ratings lang. LOL
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    pinaybabe2012
    08/13/2012 | 11:43 PM
    Lol amayabai I have twitter and I've seen more complains than what pep posted here so take your network war garbage out of this subject. Pati ba naman kantar I segue. my gosh get a life
  • 31  apayagamin

    08/13/2012 | 10:46 PM
    nalulungkot naman ako.. ngayon pa na pinag aaralan ko ang advertising.. that is really false advertising at its best...sobrang fail.. so puro lang pala ideal ung mga pinagaaralan namin .... kasi sa totoo lang ok lang pala ang false advertising..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    amayabai
    08/13/2012 | 11:20 PM
    at bakit, sinabi bang no commercial breaks? never naman binanggit ah.
  • 30  jaz_dkapuso

    08/13/2012 | 09:48 PM
    EPIC FAIL na nga naman.. SAYANG lang pera ni MVP sa TV5.. Luging-lugi siya.. may mga hosts pa na walang kwenta.. akala kung sinong sikat... di naman pumapalo sa rating ang show at wala halos nanunuod sa programa... Sayang TV5.. Ito na sana yung moment na makagain kayo ng audience. sinira niyo pa... Ipinakita niyo lang kung gaano kau ka gahaman sa ads load... Ano na lang kaya ang mangyayari kung makakalevel nyo na ang GMA at ABS.. goodluck grabeng pananamantala na sguro ang gagawin nyan sa viewers.. Sana makita ng HIGHER kung pwd HIGHEST management ang MALING pamamalakad sa kanilang nagsisimulang network... SAYANG!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  djken_11

    08/13/2012 | 09:22 PM
    tsk tsk TV5. Live Kuno.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  Space_Ace

    08/13/2012 | 07:33 PM
    yan ang isa sa mga dahilan kaya di makaangat ang teybeepayb. amateurish pa rin ang pamamalakad, IMHO lang po.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  falcom84

    08/13/2012 | 07:20 PM
    meron naman sa solar sports
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  keating

    08/13/2012 | 05:24 PM
    paasa???!!!! kapag ipinangako, pangatawanan.... ano masasabi mo derek ramsay, musta karir sa deceitful tv5. nganga, yun lang!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  perlita66

    08/13/2012 | 04:53 PM
    Ms. World Pagent sa Saturday August 18. 2012 8:00pm.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  familytree

    08/13/2012 | 04:29 PM
    Ngayon na nga lang sana may manonood sa TV5 bokya pa. Ano ba naman kasi maaasahan sa istasyon na yan wala namang kwenta ang mga shows dyan idagdag pa mga walang credebility na hosts.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  redsand

    08/13/2012 | 03:29 PM
    Sabagay wala ka naman talaga maaasahan sa TV5. They are conspicuously struggling. Kawawa na nga, kinawawa pa lalo ng mga taong mahilig sa libre... hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  redsand

    08/13/2012 | 03:25 PM
    Yong mga nagrereklamo ay mga taong mahihilig sa libre! Nagkalat kanina madaling araw ang LIVEStream ng Closing Ceremony sa internet. Oh well, baka wala rin internet or laptop ang mga utaw. So sad....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lubotski
    08/13/2012 | 07:18 PM
    Rufing ikaw ba yan?
  • 21  chikorita_pikachu

    08/13/2012 | 02:52 PM
    lol! nkakahiya yung mga nagrereklamo sa twitter.. dinadaan na lng sa twitter.. wala ba silang cable sa bahay?? hahaha! xempre free to air tv kailangan rin nila ng commercials para may pampa sahod at makabawi sa gastos abroad..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  semsem

    08/13/2012 | 02:51 PM
    Buti nga nakapanood kayo kahit konti.. naku kung ang ABS CBN yan ang nag cover, wala kayong maaasahan. 20 mins commercial - 2 mins olympic covergage..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  prettyme4sure

    08/13/2012 | 02:21 PM
    maawa naman kayo sa TV5, un mga teleserye nila ni hindi nyo pinapanood, ngayon s Olympics, demanding hehehhe.. poor TV5
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About