news

Regine Velasquez gets emotional while singing parents' favorite song; says dad Mang Gerry is "okay but he can be better"

by Rommel Gonzales posted on August 13, 2012  STATS: 31499 Views | 9 Comments

Naging emosyunal ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez habang kinakanta ang "You'll Never Know" sa Party Pilipinas kahapon, August 12. Ipinaliwanag ni Regine sa H.O.T. TV na napaiyak siya dahil ito ang paboritong awitin ng kanyang mga magulang.

Photo By: Noel Orsal / Melo Balingit

Sa Party Pilipinas kahapon, August 12, ay nagulat ang marami dahil naging emosyunal si Regine Velasquez sa isa niyang song number.

Hindi kasi napigilian ng Asia’s Songbird ang mapaiyak habang kinakanta ang awiting “You’ll Never Know” ni Frank Sinatra.

Kinahapunan, sa H.O.T. TV—kung saan isa si Regine sa mga hosts kasama nina Roderick Paulate, Raymond Gutierrez, at Jennylyn Mercado—ang tungkol dito ang ipinaliwanag ni Regine.

“Lagi naman akong umiiyak pag kumakanta ako,” ang sa simula’y pagbibiro ni Regine.

“Hindi, kasi meron kaming bagong segment ngayon sa Party Pilipinas na ‘Mr. & Mrs. A.’

“Yung mga viewers natin, magpapadala sila ng mga love stories nila tapos magre-request sila ng song.

“This week, for the first time, ang ginamit naming story… hindi naman talaga namin ikinuwento yung buong story, yung sa nanay at tatay ko."

Ang tinutukoy ni Regine ay ang mga magulang niyang sina Gerry at Teresita Veleasquez.

“And ‘You’ll Never Know’ is their favorite song. Kaya medyo naging emotional ako.

“Siyempre kasi medyo nagbabago na ang panahon,” ang tila muli na namang naiiyak pang sinabi ni Regine.

MANG GERRY'S HEALTH. “Actually, marami ang nagtatanong sa akin kung okay ba daw si Papa kasi nagtu-tweet din ako.”

Si Mang Gerry ang nagsilbing unang mentor ni Regine bilang isang mahusay na singer.

Pagpapatuloy ng Asia’s Songbird, “Yeah, I just want to let everybody know that’s he’s okay, okay naman siya.

“Pero alam mo yung… he can be better.

“Yung parang I wish na mas okay pa siya, yung bumalik yung dati niyang sigla, yung ganun.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • asamption1

    09/29/2012 | 12:55 PM
    I can't believe how she looks: looks like too much knife work and overcooked with chemicals! Slowdown, you don't even look like the daughter of your good looking parents!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • daffodilramos

    08/13/2012 | 10:39 PM
    iyan ang isa sa mga bagay na gustung-gusto ko talaga kay ms. reg: yung pagmamahal niya sa mga magulang niya. sobrang hanga talaga 'ko sa mga taong ganyan bilang anak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    08/13/2012 | 09:03 PM
    That's life ms.A pero Gaya mo ganyan din ang wish ko for my parents... Can't imagine things na talaga dumadaan sa buhay ng bawat Isa... Haaaaayyyyyyy Good health for my friends... N family specially my kids n parents and to ur Family too...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • veejhay_999

    08/13/2012 | 08:02 PM
    super excited na sa concert nya.. any details?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gobernadora

    08/13/2012 | 06:29 PM
    Ang bait na anak ni Ms Regs, saludo ako sa yo. World class talent from KAPUSO NETWORK!!! PROUD TO BE KAPUSO FOREVER!!!!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    08/13/2012 | 07:19 PM
    Mabait talaga si ms. Regine pero Tigilan mo na nga yang network network war mo, sisimulan mo na naman ng mga patutsada mo...ang hina ng ulo mo, get a life...hihihi
    jokoman
    08/14/2012 | 05:20 PM
    retreat na si Orangutan? hahaha.. buhay ka pa nga! hehehehe
  • trinoma_rat

    08/13/2012 | 02:41 PM
    changes really happen when people get old. it's almost inevitable.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jokoman

    08/13/2012 | 01:22 PM
    We pray for your dad's health Ms. Reg... You are a gift to your father, he is a gift for you and both of you are gifts to us... We share a common ground.... gifts of love....
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    Orangina_123
    08/13/2012 | 04:31 PM
    Inday Saan mo naman nakuha yang Tula mo?...hihihi...may pa-gift gift ka pang nalalaman dyan, sige na mag- mop ka na inday...hihihi
    lovekosichona
    08/13/2012 | 05:59 PM
    Natutuwa naman aqoh SAYO jokoman
    Orangina_123
    08/13/2012 | 07:21 PM
    Ikaw naman jokoman ang gift na Hindi dapat buksan at walang gustong maka-receive...hihihi
    jokoman
    08/14/2012 | 05:21 PM
    buhay ka pa pala orangutan? dedo ka na di ba? hahahaha
  • alexangel

    08/13/2012 | 12:41 PM
    ako din naiyak habang kumakanta si songbird.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • greencardholder

    08/13/2012 | 12:00 PM
    Love you Ms. Reg. successful career, family, at naiayos mo ang lahat ng naging magulo sa buhay mo kase you're a good person lalo na ang pagiging mapagmahal sa magulang. sabi mo nga, lilipas ka din at ang boses mag iiba pero OPM is not complete wthout mentioning the name Regine Velasquez! God bless you more. good health Mang Gerry.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About