Bukas na nga ba si Angelica Panganiban sa estado ng kanilang relasyon ni John Lloyd Cruz?
Marami kasi ang naintriga sa inilabas na larawan ni Angelica sa kanyang Instragam account kahapon, Agosto 12, Linggo.
Makikita sa larawan ang mga salitang “Perfect Sunday” at “According to the guy in pink.”
Ang tinutukoy niyang “guy” ay si John Lloyd Cruz na nakasuot ng pink na polo sa isang larawan.

Kumalat na sa blogs at iba pang news websites ang Instagram photo na ito ni Angelica.
Kabilang sa nag-repost ng larawang ito ay ang blogger na si Darla Sauler, isang empleyado ng ABS-CBN.
Ani Darla sa kanyang blog kahapon: "OMG! OMG! OMG! Kinilig ako nang walang halong echos! Angelica Panganiban posted this sa Instagram account niya! With the caption : "Welcome, happiness. Joy, pursued. Welcome everyone. Especially those who are smiling out of warmth." Anuman ang ibig sabihin nito, I am so kilig. And continuous ang prayer ko na maging happy ka na Angge. Ang gandang tingnan grabe! Let's all welcome the KING and QUEEN of Star Magic pag nagkataon! The most brilliant actor and actress of their generation kung sakali! Bagay na bagay! Please po sana wala nang nega. Let's just be happy and pray for their happiness also."
May isa pang larawan na inilagay si Angelica sa kanyang Instagram at Twitter accounts. Ito ay pinagsama-samang mga larawan ng tuta, bata, barbecue, at long shot ng dalawang taong nagsu-swimming sa pool.
Nakalagay rin ang mga salitang: “I love Sundays!!! Moment talaga sya!!”

Hula naman ng ilang followers ni Angelica, ang dalawang taong nagsu-swimming ay ang aktres at si John Lloyd:
marissmariss: "That guy is John Lloyd Cruz ?”
hon78: "Yah nahulan ko na yan sa twitter kabisado ko shadow ni JL daming hinihimatay ngayon sa inggit hahahaha go @iamangelicap happy to both of u kakainggit ka heheheheluv luv luv❤❤❤❤❤☺”
parkeryou: "Sabi na nga ba si JLC yung nasa pool kanina ko pa nanotice. Bagay naman kayo!!!!!”
THE SIGHTINGS. Nagsimulang maugnay sina Angelica at John Lloyd dahil sa pelikulang ginawa nila sa Vietnam para sa 20th anniversary ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN na nagma-manage sa career nila.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
82 chiasa
81 ultimatetmd
80 fanmo
79 pontifusmaximus
78 luke85
77 Glak9
76 llanes
75 iphone4s
74 iphone4s
73 AstroNut
72 sterlingrose
71 siomai
70 siomai
69 siomai
68 henriettopex
67 imayberight
66 bananakiller00
65 mangtemi
64 jamponggo
63 lulu_girl
more comments