Enzo Pineda on walking the ramp in his underwear: "I take it as a challenge. And personally, it pushes me to have a better body, to have a better lifestyle, maging mas healthy ako. And, of course, it also adds up to your confidence. Alam mo yung pag fit ka, maganda yung katawan mo, ang sarap ng feeling, e. Sa trabaho, it gives you extra energy and confidence. Ayun! I think I’m gonna pull it off… kayang-kaya ko ‘yon.”

Photo: Noel Orsal

Kahapon, August 12, ang 22nd birthday ng Kapuso young actor na si Enzo Pineda. 

Pero bukod sa naging celebration niya sa Party Pilipinas, wala raw siyang party o anuman.

“I’m gonna have a dinner with my family lang later,” sabi ni Enzo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Personally, ayokong mag-celebrate talaga ng birthday ko today. 

“Mas gusto ko na lang i-share ‘yong blessings ko sa mga victims ng baha.

“Nag-donate ako ng mga goods and also a certain amount of money also na pambili ng supply and needs nila. 

“Kasi naisip ko, kesa mag-celebrate ako o magpa-party ako, mas importante yung mga nangangailangan, di ba?

“Ang dami kong blessings na nakukuha and may mga ibang tao na nangangailangan. So, mas mabuti pa na tulungan ko na lang sila.”

Paano niya ipinarating sa mga biktima ng baha yung donasyong pera at relief goods?

“Tinulungan po ako ng mga fans ko and also my parents. 

“Nagpunta kami sa Parañaque at ilan pang areas na binaha, gaya sa Marikina. 

“We live in White Plains so malapit lang ang Marikina sa amin. So, do’n po ako tumulong.

“Personal po akong nagpunta para ihatid yung tulong ko nung Wednesday and Thursday [August  8 and 9]. 

“And… hindi ko naman naramdaman na nakakapagod. Mas nakaka-relieve ang feeling. 

“Kasi alam kong mas kailangan nila ito kesa kailangan kong mag-celebrate sa birthday ko, e.