PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Herras on arrival of Protégé stars: “Napagsawaan ko na po 'yong kaba every time na may dumarating na bago.”

Mark gives advice to Protégé contenders about maintaining celebrity status.
by Nerisa Almo
Published Aug 13, 2012
Hindi na raw nangangamba si Mark Herras tuwing may darating na bagong set ng artista sa Kapuso network, gaya na lamang ng mga contestants sa reality show na Protégé. Aniya, “Parang mas nangingibabaw po ‘yong excitement kaysa sa kaba. Parang di naman ako kinakabahan.”

Sunud-sunod ang dance numbers ng tinaguriang “Bad Boy of the Dance Floor” ng GMA-7 na si Mark Herras sa regional shows ng Kapuso network nitong nakaraang weekend.

Mula Naga hanggang Legazpi, walang pagod na nagsayaw si Mark sa iba’t ibang okasyong inihanda ng GMA-7 para sa mga Bicolano.

Kabilang dito ang launch sa Naga ng originating station ng network para sa Bicol region, noong Biyernes, August 10.

Kasama rin ang satellite feed ng Party Pilipinas at Kapuso Fans Day sa Legazpi City noong Linggo, August 12.

“Suki na ako ng regional,” nakangiting sabi ni Mark nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang invited media sa launch ng GMA-7 Bicol.

Patuloy niya, “Mas okay na po ‘yong nagpe-perform every week sa iba’t ibang lugar habang walang ginagawa kaysa ‘yong nasa bahay lang.”

Bagamat wala siyang teleserye ngayon, hindi naman nawawala ang pagkilala ng publiko sa kanya.

Sa katunayan, isa siya sa mga artistang nag-perform na hiniyawan nang husto sa Bicol shows ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi na masyadong inaalala ng kauna-unahang StarStruck male grand winner ang pagdating ng mga bagong artista.

“Napagsawaan ko na po ‘yong kaba,” ani Mark.

“Napagsawaan ko na po ‘yong kaba every time na may dumarating na bago.

“Actually, ‘yong tanong na ‘yan, during StarStruck days pa.”

NEW BREED OF KAPUSO STARS. Sa bagong artista reality search ng GMA-7, ang Protégé, mas nae-excite pa raw si Mark kaysa makaramdam ng kaba.

Aniya, “Actually, nanood pa nga ako noong gala night nila.

“Parang mas nangingibabaw po ‘yong excitement kaysa sa kaba. Parang di naman ako kinakabahan.”

Samantala, bilang isang alumnus ng artista search, nagbigay ng payo si Mark sa mga nagnanais na maging celebrity.

Sabi niya, “Actually, ‘yong talent naman po at saka ‘yong hitsura, nandiyan na ‘yon, e.

“Ang kailangan na lang nila i-maintain is ‘yong ugali at saka ‘yong pagtanaw nila ng utang ng loob doon sa mga nakakasama nilang magtrabaho, ‘yong mga sumusuporta sa kanila from day one hanggang sa last day ng Protégé.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sana ‘yon ang matutunan nila.”

Read Next
Read More Stories About
Mark Herras, Protege
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi na raw nangangamba si Mark Herras tuwing may darating na bagong set ng artista sa Kapuso network, gaya na lamang ng mga contestants sa reality show na Protégé. Aniya, “Parang mas nangingibabaw po ‘yong excitement kaysa sa kaba. Parang di naman ako kinakabahan.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results