Habang hinihintay ang susunod niyang teleserye sa GMA-7, sa weekly comedy series na Tweets For My Sweet muna isinabak si Glaiza de Castro.
Kuwela naman ang pagganap niya rito bilang spoiled brat na kapatid ng bidang si Marian Rivera.
“Masaya!” sambit ni Glaiza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas last Sunday, August 12.
Kuwento pa niya, “Supposedly, one episode lang ako doon. Then nadagdagan ng dalawa pa.
“So, ang saya kasi reunited ako with the Amaya girls na sina Marian at Sheena [Halili].
“At saka very ano… relaxed sa set. Yung para lang kaming naglalaro lahat.
“Actually, napasabak na rin ako dati sa comedy before—doon sa Show Me Da Manny.
“And masaya naman to do a sitcom kasi wala akong nararamdamang pressure talaga, e.
“Parang kahit wala sa script, lalo na kung kaeksena mo sina Tito Dick [Roderick Paulate], di ba, parang matatawa ka na lang.
“At saka kahit na wala sa eksena, bibigyan nila ng bagong punchline, tapos bagong atake. So nakakatuwa.”
INDIE FILM. Masaya ring nagkuwento si Glaiza tungkol sa katatapos lang niyang indie film na Madaling Araw, Mahabang Gabi.
Mula ito sa direksiyon ni Dante Nico Garcia at ipalalabas sa September 4.
Ani Glaiza, “Ginawa namin ito sa Palawan. Tapos parang nangyari yung story ng November 1.
“Parang may tradition sa Palawan na tinatawag na pangangaluluwa.”
Ang "pangangaluluwa" ay tradisyong pagkanta sa mga bahay-bahay na kahalintulad ng caroling kapag Kapaskuhan.
“Tapos habang nangyayari ‘yong pangangaluluwa, may naganap na contest sa mga tao na nasa bar.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
7 alexangel
6 slickchick02
5 ooooopppppsssss
4 nugget
3 pinoy_in_la
2 iam_brainful
1 iphone4s