news

Ciara Sotto defends dad Senator Tito Sotto against critics of his emotional Senate speech

by Joyce Jimenez posted on August 14, 2012  STATS: 31818 Views | 42 Comments

Ipinagtanggol ni Ciara Sotto ang kanyang amang si Senador Tito Sotto, matapos ang emosyunal nitong talumpati sa Senado kahapon, Agosto 13, kaugnay ng kanyang pagtutol sa RH Bill. Sabi ni Ciara sa kanyang Twitter account, “And no, I will not shut up when it comes to my family. I hope one day, if u have ur own child, he/she will b proud enough to stand up for u.”

Photo By: Noel Orsal

Ipinagtanggol ng actress-TV host na si Ciara Sotto ang kanyang ama na si Senador Tito Sotto, matapos ang emosyunal na talumpati ng comedian-turned-senator sa sesyon ng Senado kahapon, Agosto 13.

Ito ay kaugnay ng pagtutol ni Senator Sotto sa isinusulong na RH Bill—o Reproductive Health and Population and Development Act of 2010—sa Kongreso.

Ayon kay Senator Sotto, pumanaw ang dapat sana'y panganay niyang anak na lalaki dahil sa paggamit diumano ng contraceptives ng kanyang asawa, ang beteranang aktres na si Helen Gamboa.

Sinusuportahan ng RH Bill ang paggamit ng contraceptive methods upang malimitahan ang pagbubuntis ng mga mag-asawa.

Sa kuwento ni Senator Sotto, pagkatapos maisilang ni Helen ang kanilang panganay na anak na si Apples noong 1973, pinayuhan sila ng kanilang kaibigang doktor na gumamit ng contraceptive.

Abala daw noon si Helen sa kanyang showbiz career.

Makalipas ng isang taong paggamit ng contraceptive ay nabuntis muli si Helen.

Isinilang ng actress-singer ang kanilang pangalawang anak, isang lalaki, noong Marso 13, 1975—si Vincent Paul.

Sinabi raw ng mga doktor mula sa Makati Medical Center na mahina ang puso ng sanggol kaya kinailangan nitong sumailalim sa blood transfusion halos araw-araw.

Sabi ng senador, “The Makati Medical Center can prove to the fact na wala silang makita na dahilan kung bakit nagkaganun 'yong bata kundi dahil nagko-contraceptives 'yong asawa ko.

“Nabuntis pa rin kahit na gumagamit ng contraceptives.”

Limang buwan lamang nabuhay si Vincent Paul dahil pumanaw ito noong Agosto 13, 1975.

“He was born but he never left the hospital,” pag-alala ng senador.

“The Makati Medical Center said he died because my wife used contraceptives.

"Even her doctor admits to the fact, Dra. Enverga Santos.”

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

42 Comments

  • 22  qazx

    08/15/2012 | 06:33 AM
    Hindi ko siya masisisi sa opinion Nya or masasabing lawakan Nya ang pagiisip Nya dahil sila mismo ang nakaranas.. Siguro Kung maipapasa man ang RH bill the public should know the pros cons of using those pills
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  PTnextdoor

    08/15/2012 | 06:05 AM
    Kailangan ma educate na ung mga tao about RH bill. Kailangan maging responsible tayo sa pag paparami hindi lang basta manganak dahil sinabi sa bible na magparami. Kawawa naman ung mga bata na nsa lansangan na hindi makapag aral at hindi mabigyan ng bahay at pagkain. Hindi nakikita ng mga politiko ang problema dahil sa mhihirap sil kumukuha ng boto at supporta pag eleksyon. Para naman sa simbahan kahit anong pangaral nyo sa tao sa loob ng simbahan pag labas ng mga yan iba ginagawa. Kaya mas mabuti na umaksyon na government bago pa tuluyan dumami ang mahihrap sa pinas.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  marina28

    08/15/2012 | 05:08 AM
    Laking Eat Bulaga ako at I have all the respect for TVJ.. pero sa issue na ito eh hindi ako panig kay Tito Sen. Dapat lawakan nya pa ang kanyang isip at wag padala sa emotions nya. What happened to his son is so unfortunate... Pwedeng yung contraceptive nga ang nag-cause or pwedeng ibang factor. Wala syang proof na yung pills ang nag-cause nito. Also, 1970's pa yun nangyari! Nag-advance na ngayon ang mga pharmaceutical ngayon. Advance na ang syensya. Kung may proof talag na these birth control pills does cause birth defects eh di sana na proove na ngayon yan kasi its been almost 40 years na!! Sana ipinagbawal na yang mga pills na yan. A lot of Pinays are for RH bill and sana our senators na kontra na mostly men, tsk tsk respect that.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    bulagafan
    08/15/2012 | 09:15 AM
    sana maintindihan mo na ang mga babae ay protektado na sa Magna Carta for Women. May pundo na doon. Yung P3B na pondo sa rh ang nagpapatulo ng laway ng mga politiko.
    rockabye
    08/15/2012 | 11:02 AM
    cge lng bulag pan..padamihin mo pa ang tao sa Pinas, as if kayang tulungan lahat yan ni Tito sotto..
  • 19  shellphone

    08/15/2012 | 03:49 AM
    Hay naku etong si Tito Sotto wala sa realidid, hindi ba nya nakikita yung sa Juan for All portion ng Eat Bulaga. Sa dami ng population at sa dami ng walang trabaho umaasa na lang na sana manalo sila sa contest nyo. Ano ba naman masama sa RH Bill? Bigyan mo ng option ang tao. Pilipinas na lang ang twisted magisip pag dating sa RH Bill.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  vicky000

    08/15/2012 | 03:11 AM
    i think its about time that the majority of the people be the part of the solution rather than being the problem kasi when we dont do anything now WHEN, sobrang tambak na ang mga bata everywhere lalo na sa mga lugar na d dapat tirahan, sen. sotto i respect u and sorry for ur lose but lets set aside emotions here boung bayan ang nakasalalay dto
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  liwayway

    08/15/2012 | 01:53 AM
    there is no foolproof contraceptive method except abstention, dahil lahat may failure rate. alam ng lahat yan, so blaming the pill is disingenuous after you CHOSE that method, warnings and all. abstain, or pair the pill with another method if you don't want a pregnancy. it's reprehensible to use the failure rate in your own case to prevent others from getting access to contraceptives.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  bananakiller00

    08/14/2012 | 11:50 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  bananakiller00

    08/14/2012 | 11:43 PM
    well we cant blame him kase may na experience silang hindi maganda.. hindi naman lahat kayang i explain ng science..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  mccec65

    08/14/2012 | 10:50 PM
    wala masyadong brain ito si TS. nagbabait baitan, nag gagaling galingan. o di nalaman tuloy ng mga tao. people in the limelight should know when to just be in the backgroundread as to just shut up.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    maldito
    08/15/2012 | 07:52 AM
    The Catholic Church in the Philippines still lives in a fairy tale world. Akala nila, sunud-sunuran pa rin ang mga tao sa kanila. Eh sa Vatican nga mismo na seat of the Holy See, hindi naman pinagbabawal ang contraceptives. Mismo ang Santo Papa na ang nag endorse ng condom para sa mg sex-workers.
    mpmanahan
    08/15/2012 | 06:47 PM
    alam mo yang mga nasa simbahan dapat nilang ayusin yang mga pari nilang nag mo molestya. Hindi yung nakikialam sa ganitong mga bagay. Kung gusto nila makialam magbayad sila ng tax.
  • 13  Monicafer

    08/14/2012 | 10:33 PM
    Can't blame people giving their opinions. I, myself, took some birth control pills for so many years. The problem was, whenever I stopped taking my pills, I got pregnant. I was very careful not to take any pills in order not to affect the baby whenever I felt some changes in my body condition. I am just thankful, not being rich, I was spared of the problems Senator Tita and Helen had with their baby boy. All my children were born normal and healthy.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    maldito
    08/15/2012 | 07:54 AM
    Baka yun ang nangyari. Akala ng mga Sotto eh protected pa rin sila kahit hindi regular ang pag take ng pills. Kaya hayun, nabuntis. I don't think related yung pagka masakitin ng bata sa pag take ng pills ni Helen.
    Monicafer
    08/15/2012 | 08:37 AM
    Marahil huminto si Helen ng paginom ng pills. Ang epekto ng pills ay nagiging fertile ang babae at kadalasan ay naglalayag ang buwanang dalaw. Seguro dahil tumigil siya ng isa o dalawang buwan uminom siya uli ng pills at hindi niya alam na siya ay buntis na, at dahil dito ay naapektuhan ang sanggol.
  • 12  haleyholiday

    08/14/2012 | 10:30 PM
    dapat hindi rin ito ibase ni Tito based sa experience niya. They made a choice that time between career and having kids. For sure explain rin ng doctor nila ang magiging side effects ng pag gamit ng contraceptive. Pro RH Bill ako lalo na doon sa walang permanenteng hanapbuhay at mahihirap. Tama na ang dami ng mga batang lansangan na nagugutom at nagiging masama dulot ng kahirapan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  Lokotoy

    08/14/2012 | 10:10 PM
    Pro RH bill ako..... Sa hirap ng buhay jn sa Pilipinas tapos hahayaan lng ang mga tao lalo ang mahihirap na anak ng anak, ano mangyayari sa buhay nila. Yung mga taong walang disenteng tirahan like yung mga nakatira sa mga estero at squatters area, sila pa ang maraming anak.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    bulagafan
    08/15/2012 | 09:18 AM
    dapat talaga ipakita ng pro rh ang kanilang paniwala dito. lahat ng pro rh na may dalawang anak na ay dapat magpaligate at magpavasectomy. ipakita nila yan sa bayan bilang patunay ng kanilang advocacy.
    rockabye
    08/15/2012 | 11:05 AM
    count me in..Pro RH bill din ako..
  • 10  Lokotoy

    08/14/2012 | 10:05 PM
    Baka may na miss na dose ng pills si ate helen kaya nabuntis... If that is the case , she is to be blamed. Ayaw pala mabuntis dahil kasikatan nya as artista that time.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    08/14/2012 | 09:37 PM
    Lahat tayo may kanya kanyang opinyon.Sana naman respetuhin natin kung ano ang opinyon ng bawat isa.At sana iwasan natin ang mang INSULTO ng kapwa.And as a daughter siguro naman normal lang sa kanya ang ipagtanggol ang ama.About her status kung bakit wala pang baby si Ciara is none of our business!Out of topic guys.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • p4n4lo

    08/14/2012 | 09:22 PM
    i am PRO life kaya PRO RH Bill ako...yes to responsible parenthood...yes to a brighter future for our children and the generations to come...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    maldito
    08/15/2012 | 07:56 AM
    AMEN!!!
  • p081875

    08/14/2012 | 09:17 PM
    Can you please honestly answer this, WHY until now you don't have a child. HYPOCRITE.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    08/14/2012 | 08:52 PM
    hindi naman kailangang insultuhin si titosen kung yun ang pananaw nya respituhin natin..I love tito sen pero I'm still pro RH bill pa rin for poor pipol ito tito sen..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jagjof
    08/14/2012 | 08:56 PM
    wala naman si pwerl at si mona dito na nang-iinsulto at nambabarubal kaya so far wala namang nang-iinsulto na poster kay tito sen.........
  • jagjof

    08/14/2012 | 08:51 PM
    Big fan ako ng TVJ at Eat Bulaga, pero kahit kailanman hindi ko susuportahan ang isang idolo ko dahil lang sa pagiging fan ko. Personal experience yung nangyari kay Tito Sen, posibleng mangyari kahit kaninong tao. Pero bilang isang lawmaker, hindi ka boboto dahil lang sa isang experience mo na makaka-apekto sa milyong-milyong tao na nasasakupan mo. Dapat bilang lawmaker, tingnan mo kung paano magbebenefit ang buong pinas kapag ang binoto mo ay pro or anti ka...........
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • nettyfrau

    08/14/2012 | 08:44 PM
    me too... i was using pills never thinbk that i am getting pregnant...i never drink even not smoke...i always makes exercises and eat fruits..now i have my new born baby who have a problem with lyrxn..sad and worried ..i just take contraceptives not to plan to have a child coz i have a good job then i stop working coz im happy that i get pregnant but sad and worried when i knew that my baby had a problem..god bless my baby..sad
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    jagjof
    08/14/2012 | 08:54 PM
    sorry about your baby......maaaring hidni sa situation mo, pero kahit naman hindi ka nagco-contraceptive posible pa din may mangyari sa magiging baby mo yun......
  • Vanderwoodsen11

    08/14/2012 | 08:38 PM
    When your law maker you should do what is best your country not based on personal experiences. Personal and religious beliefs should be put aside. Your dad once said, "Hindi naman over populated and Pilipinas". Really Mr. Senator?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    shellphone
    08/15/2012 | 03:53 AM
    Tama.
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About