Imbes na magdaos ng isang party para sa kanyang kaarawan ay minabuti ni Gwen Garcia na magsagawa na lamang ng feeding program sa Virlanie Foundation at mamigay ng relief good sa mga nasalanta ng baha noong nakaraang linggo.

 

Photo: Melo Balingit

Nagdiwang ng kanyang 21st birthday ang Kapuso actress na si Gwen Zamora noong August 10.

Dapat sana’y may party siya noong August 9 sa Opus Bar ng Resorts World Manila, ngunit dahil sa kasagsagan ng malakas na ulan nitong nakaraang linggo, hindi na niya itinuloy ang kanyang party.

Nang bisitahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng GMA-7 gag show na Bubble Gang noong Lunes ng gabi, August 13, ay nakausap namin si Gwen.

Dito ay ikinuwento ng aktres kung bakit nagdesisyon siyang huwag na lamang ituloy ang kanyang birthday party.

Sabi ni Gwen, “Marami rin kasing hindi makakapunta.

“And I have a lot of friends from the north kaya hindi ko na itinuloy.

“It wasn’t the right time really na magpa-party. So, siguro next year na lang.”


CHARITY PROJECT. Sa halip na birthday party, itinuloy na lang ni Gwen ang regular na niyang isinasagawang feeding program.

At dahil sa dami ng nasalanta ng malakas na pag-ulan noong isang linggo, sinabayan na rin niya ito ng pamamahagi ng relief goods sa mga nabaha.

Ang mga taga-Barangay Consular sa Fort Bonifacio, Taguig City, ang pinuntahan ni Gwen.

Ayon sa aktres, dalawang beses na kasing na-relocate ang mga residente ng Barangay Consular dahil sa baha.

Tinanong ng PEP si Gwen kung ito ba ang unang beses na gumawa siya ng charity work o feeding program.

“On my birthday? Yes,” sagot ni Gwen. 

“Pero I did this also during Ondoy [2009].

“I helped during Ondoy, and I’m also active with the Virlanie Foundation."

Ang Virlanie Foundation raw ang paboritong charitable institution ni Gwen.