May offer kay Rocco Nacino upang maging image model ng Bench Body, ang underwear line ng Bench, pero hindi pa raw itong kayang gawin ng Kapuso actor. Paliwanag niya, "For now, kung gagawin ko ‘yan, baka magsisisi pa ako… Feeling ko, maaga pa, e. Saka kaka-start ko pa lang sa showbiz, marami pa akong puwedeng gawin bago ako sumabak sa gano’n.”

Photo: Noel Orsal

Bumabandera sa Facebook, partikular na sa grupo ng mga bading, ang sexy photo ni Rocco Nacino na kuha sa special supplement ng Cosmopolitan magazine na Cosmo Men noong 2010.

Ito yung nakasuot ng boxer brief ang Kapuso actor habang nakapatong sa kamay niya ang isang malaking ibon.

Pawang magagandang komento ang naka-post sa larawang ito ni Rocco at sinasabing isa siyang tunay na “Filipino hunk” at “certified brown beauty.”

Ano ang masasabi ni Rocco sa mga papuring ito sa kanya?

“Wow, I feel flattered!” bulalas ni Rocco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa labas ng dressing room ng Bubble Gang sa Studio 6 ng GMA Network noong Lunes ng gabi, August 13.

Nasa taping ng nasabing gag show si Rocco para bisitahin ang rumored girlfriend niyang si Sheena Halili na guest sa programa.

Sinasabi ring siya na ang susunod kay Aljur Abrenica bilang pantasya ng mga kababaihan at ng mga bading.

“For someone who’s just starting out sa business and second year ko pa lang ata… and to be able to be placed, according to them, alongside Aljur, nakakatuwa naman.”

Natutuwa rin si Rocco na inihanay siya kina Aljur at Dennis Trillo sa bagong station ID ng Kapuso network.

Saad niya, “Nung station ID ng GMA, kasama ko si Aljur at si Dennis Trillo.

“Isinama nila ako doon. I was really flattered na ilinya sa kanila. 

“So, I’m happy at gusto kong i-maintain yung image na yun. Gusto kong alagaan itong image na ito.”

NOT YET READY. Alam naman daw ni Rocco na may mga sexy photos siya na kumakalat sa Facebook.

“Yes! Yun nga ang objective ko, e, just to pose for Cosmo one time and not doing it again for a long time. Pero hindi ko alam kung kelan ako uli magpu-pose.”

Nabanggit din niya na maging ang Bench Body—ang underwear line ng Bench—ay interesado rin daw sa kanya.