news

Bourne Legacy director Tony Gilroy on why he chose Manila as a shooting location: "It's just so colorful and ugly and gritty, raw and stinky and crowded."

by Jojo Gabinete posted on August 15, 2012  STATS: 100131 Views | 149 Comments

Sa interview ng Tonight host na si Charlie Rose kay Tony Gilroy (kaliwa), direktor ng The Bourne Legacy, tinanong kung bakit Manila ang napili nitong lokasyon para sa ilang mahahalagang eksena ng pelikula, kabilang na ang climactic chase scene tampok ang mga bidang sina Jeremy Renner at Rachel Weisz (right).

Photo By: File

Natuwa ang maraming Pinoy dahil kinunan sa Pilipinas ang mga importanteng eksena sa The Bourne Legacy, ang Hollywood film na pinagbibidahan nina Jeremy Renner, Rachel Weisz, at Edward Norton.

Kabilang sa kinunan dito sa Pilipinas ang mahabang chase scene sa huling bahagi ng pelikula.

Nagsimula ito sa masisikip na eskinita sa Sta. Ana, Manila; nagtuloy sa mataong lugar sa Rotonda, Pasay; pumunta sa Jones Bridge sa may Binondo, Manila; dumiretso sa palengke ng Marikina; at nagtapos sa fish port ng Navotas.

Kasalukuyang palabas sa mga sinehan dito sa Pilipinas ang pelikulang ito.

Sa interview ni Charlie Rose sa director at scriptwriter ng The Bourne Legacy na si Tony Gilroy, tinanong nito ang dahilan kung bakit ang Pilipinas ang napili ng direktor at ng producer na si Patrick Crowley.

Si Charlie ang host ng Tonight, ang talk show ng Bloomberg TV.

Noong Lunes, August 13, ang cast at direktor ng The Bourne Legacy ang kanyang mga bisita.

Bago matapos ang show, tinanong ni Charlie si Tony ng: "Why Manila?"

Sagot ni Tony, “We didn' t want to go to Europe. Bourne's gone to Europe.

“We thought about Latin America, Southeast Asia… there are several films that we’re planning on going to Latin America. 

“Pat Crowley, the producer and I who've travelled all over around the world and all these movies, we went... had a beauty pageant.

“We went to Jakarta [Indonesia], we went to Ho Chi Min City [Vietnam], we went to Manila, over a course of a couple of weeks.

"And we landed in Manila and it felt so Bourne-ish.

"It's just so colorful and ugly and gritty, raw and stinky and crowded...

“They had a great film industry there for years built off the Vietnam films.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

149 Comments

  • 69  westbourne

    08/15/2012 | 06:51 PM
    Yan kasi mega manila ba yan kinuha lahat? Dyan din kinuha sa mega manila ang agb...kitang.kita dirty at ugly...same lang din sa ibang fantards ng gma... Dirty din...ouch......Ang magagalit guilty...:
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  dreamon

    08/15/2012 | 06:27 PM
    Excited ang katabi ko sa sinehan nung sabihin ang Manila. Pumalakpak pa siya. And then the scenes began....aerial view of Manila, okay pa; airport, okay pa; laboratory, okay pa...tapos hinahabol na ang mga bida hanggang sa nakarating sila sa dikit-dikit at mala-squatter na lugarsorry, dun na nag-umpisang tumahimik ang katabi ko at unti-unting parang nanliliit. Di pala pogi points ang pinakita sa buong mundo tungkol sa 'pinas na tulad ng ineexpect ko, kundi ang isang pangit na mukha ng bansa natin - basura, squatter, traffic, etc. Sa huli na lang pinakita ang Palawan pero tanaw na lang. Haaay! Nakakalungkot man na mapicture ang capital ng bansa natin na ganito pero wala tayo magagawa dahil totoo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  jagjof

    08/15/2012 | 06:26 PM
    ang OA ng iba kung makapag-react.....ginawang literal na meaning yung sinabi sa article...lol. yung pagkakasabi ng director or producer may artistic element po yun at hindi nyo lang naintindihan at mega-react na naman kayo...........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  cy2

    08/15/2012 | 06:23 PM
    nka2hiya na mn ung pg describe nya sa bansa natin. pro un ang kato2hanan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  rscmisjic

    08/15/2012 | 06:20 PM
    gusto kasi natin pinupuri tayo palagi. kaya ayan pag nakakarinig tyo ng ganito na totoo naman, hirap matanggap. alam naman natin na totoo lahat ng to. sa kalsada na lang eh, bakit matrapik, eh kc walang disiplina ang mga pilipino. at wag natin kalimutan ung tone-toneladang basura na ibinialik sa atin ng habagat na dahil sa kababuyan natin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  Monicafer

    08/15/2012 | 06:01 PM
    Truth hurts. Kababayan please unite and prove that it's more fun in the Philippines. We can show to the world that our country is the best place to live on earth.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  gossiphungry

    08/15/2012 | 05:41 PM
    pero hindi naman lahat ng lugar sa Pilipinas ay stinky at crowded.. : at may lugar din naman sa europa or amerika na stinky at crowded rin..... I am proud to be Filipino... at mahusay ang pagkakagawa ng Bourne Legacy.. dapat pa rin tayong maging proud.. ;
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  hetonanaman

    08/15/2012 | 05:27 PM
    dapat nga silaban na maynila eh... kapangit na lugar. mga tao dun madumi...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  hetonanaman

    08/15/2012 | 05:25 PM
    raw and stinky... ha ha ha.. very true and yet philippine media was taking the shooting as a big deal for our country... stupid media.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  diwata66

    08/15/2012 | 05:16 PM
    Bago yan ah.....BOURNE-ish MANILA....More fun in the Philippines!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  meganontalaga

    08/15/2012 | 05:08 PM
    pinakita lang naman sa movie is kung gaano kadumi at mga slump areas ng manila!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    hetonanaman
    08/15/2012 | 05:26 PM
    tomoohhh and yet proud na proud pa ang gma 7 news na gawin balita yung paq shooting ng hollywood film sa pinas. stupid.
    onewithkapsuo
    08/15/2012 | 06:12 PM
    oh bakit! in way maging proud ka at manila pa din yun as if naman ang chew eh bigay todo din kung mag report sa shooting ng bourne! and whatever it is news pa din yan noh!
  • 58  utotngpinoy

    08/15/2012 | 05:01 PM
    ganyan talaga sa buhay pelikula, may magandang ipapakita at meron din hindi maganda. tulad nyang Bourne Legacy, ugly side ng manila ang ipinakita. pero hayaan na yan, tutal, sa pelikulang THY WOMB ni brilliante mendoza na pinagbibidahan ni nora aunor, magandang side naman ang makikita ng buong mundo tungkol sa Pilipinas. Kasali kasi sya sa main competition ng 69th Venice nternational Film Festival, Toronto, at Busan. Kaya ok lang yang Bourne-ish thingy na yan. Peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  pwedenarin

    08/15/2012 | 04:52 PM
    Truth hurts. Totoo ang sinabi niya at hwag nga tayong ipokrito. Yun lang ang totoo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  utotngpinoy

    08/15/2012 | 04:49 PM
    totoo naman an sinabi nya. at saka anu pa ba itatago natin eh nailalathala ngang isa sa top most corrupt ang pamahalaan ng Pinas, bukod dyan ay may news about kidnapping, at prostitution. kaya ano pa at kailangan mainis eh may katotohanan naman. at saka ang sinabi ay Manila, not Philippines. Parang sa bansa nila, may pangit din at may magandang lugar.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  nettyboo

    08/15/2012 | 04:24 PM
    eh totoo naman eh wala kasi kayong ginawa kundi magtapon ng basura sa kalsada tapos mapipikon kayo pag sinabing ugly and stinky ang manila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  i_luv_rafa

    08/15/2012 | 04:15 PM
    Ang mali kc is nageneralize na ang manila is ugly and stinky....Ang daming maganda and malinis dto like makati, fort bonifacio, ortigas...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  aisle08

    08/15/2012 | 03:57 PM
    i definitely agree with meggy2107...the director was saying it in an ARTISTIC point of view...sobra namang maka-react ang iba dito...truth hurts...wag magdamdam.
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    spotthedifference
    08/15/2012 | 04:05 PM
    tama ka aisle08 and meggy2107. gumagawa sila ng pelikula and they want it to be real and as he said manila is very bourne-ish. he is talking about the artistic side of the film. hunghang lang ang hindi makakaintindi nito..
    humandynamics
    08/15/2012 | 04:29 PM
    hunghang kung hindi kapareho ng opinyon mo ang opinyon ng iba? now, thats hunghang, and a close minded too.
    gobernadora
    08/15/2012 | 04:38 PM
    agree din ako sa comments nyo. hwag ng magpusong mamon, hindi ko naramdaman na hinamak ng director ang Pilipinas. basahin nyo po ulit at saka po kayo manood ng Bourne Legacy.
    spotthedifference
    08/15/2012 | 06:19 PM
    natural hunghang un. ano ang mali sa sinabi ng direktor?? kung magrereact ka lang kasi ng di mo tinigtignan ung side na positive, then pananagutan kong hunghang ka.
    czeska221
    08/16/2012 | 06:33 AM
    humandynamics, read, analyze, understand before you react.
  • 52  meggy2107

    08/15/2012 | 03:42 PM
    unfortunately, i think many pinoys will take his statement the wrong way. remember, this guy is a director, someone who scouts for locations that capture a certain mood that he is looking for in a movie. when he stated "ugly, gritty, colorful, and raw" i personally felt like he said that from an ARTISTIC point of view. Those words don't necessarily mean that he views the philippines in a negative way, or that he is belittling our country.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  pantas_uno

    08/15/2012 | 03:38 PM
    ouch! Manila is so BOURNE-nish :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  mangtemi

    08/15/2012 | 03:36 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    nettyboo
    08/15/2012 | 04:25 PM
    pikon! haha totoo naman eh!

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About