“A Senator in the Philippines plagiarized one of my blog posts to use in a speech. Can't even believe this!!!” says U.S.-based blogger Sarah Pope (inset) about Senator Tito Sotto (main). The senator is accused of plagiarizing Sarah's blog entry and including it in his anti-RH Bill speech in the Philippine Senate on Monday, August 13.                        

 

 

Photo: Nerisa Almo (Tito Sotto)

Nakarating na sa U.S.-based blogger na si Sarah Pope ang mainit na usapin ngayon sa Pilipinas tungkol sa diumano’y pagkakakopya ni Senator Tito Sotto sa isang blog entry ni Sarah.

Ang sinasabing kinopya ng senador ay materyal na ginamit nito umano sa kanyang anti-RH Bill speech sa Senado noong Lunes, Agosto 13.

(CLICK HERE to read related article.)

Nagpahayag ng pagkadismaya si Sarah sa kanyang Facebook account, na naka-link sa kanyang blog na Sarah, The Healthy Home Economist.

Kasama ng isang link sa balita ng pangongopya ni Senator Sotto, sinabi ng American blogger: “A Senator in the Philippines plagiarized one of my blog posts to use in a speech. Can't even believe this!!!”

 


Sa isa namang reply ni Sarah sa mga comment sa kanyang post, sinabi nito: “Are people that hard up for something original to say?”

Pinost ito ni Sarah kaninang madaling-araw, at ngayo’y mayroon na itong 370 “Likes” at 245 comments. Ang mga nagkomento sa post ay di lamang mga Amerikano kundi pati ilang Pinoy Facebook users.

Hinimok din si Sarah ng ilang Facebook friends niya na magsampa ng kaso laban kay Senator Sotto.

Pero hindi ito sinang-ayunan ng blogger: “I'm not going to sue anyone over this. It just feels very weird to be in the middle of the debate on a bill in the Philippines over women's Reproductive Rights.”

Karamihan naman ng mga Pinoy na nagkomento sa Facebook post ni Sarah ay humingi rito ng paumanhin sa ginawa ng senador.

Bagamat malinaw na hindi natuwa si Sarah sa pangongopya ng kanyang blog entry, siniguro naman niyang wala siyang galit.

Aniya, “I'm not mad at all. More amused than anything with his sobbing during the speech and all. I do feel bad for his loss of his son. I can't imagine how incredibly difficult that would be.”

Nagbiro pa siya: “I've never even been to the Philippines but if I go, I'll be a celeb! LOL”

SOTTO DEFENDS HIMSELF. Sa mga lumabas nang paghahambing sa talumpati ng senador sa blog entry ni Sarah, malinaw na parehong-pareho ang mga ginamit na salita sa dalawang manuscripts.

Ngunit mariin pa ring itinatanggi ng senador na kinopya niya sa blogger ang pangalawa sa huling talata ng kanyang “turno en contra” speech niya sa Senado.