Dahil sila ang magkatambal sa ikalawang yugto ng GMA-7 primetime series na Luna Blanca, hindi maiwasang i-link sa isa't isa sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.
Heto nga't may balitang in love na in love na raw si Derrick sa tinaguriang "tween queen" ng Kapuso network.
Binabakuran na nga raw ng young actor si Barbie para huwag malapitan o mapormahan ng ibang lalaki.
Pero pinagtatawanan lamang ng 14-year-old actress ang mga lumalabas na balita tungkol sa kanila ni Derrick.
“In love na in love talaga?” natatawang sabi ni Barbie.
Hirit pa niya, “Sabi ko naman po sa inyo, PR [press release] lang yun.
“Parang kapatid ko na po ‘yang si Derrick, e!”
JEALOUS? Ayaw na ring patulan ni Barbie ang balitang may gap daw sila ngayon ni Sarah Lahbati.
Ayon kasi sa report na lumabas, pinagseselosan daw ni Sarah si Barbie dahil kay Derrick, na very open noon sa kanyang nararamdaman para kay Sarah.
“Ganun? Ang ganda ko naman kung pagseselosan ako ni Sarah,” at muling tumawa si Barbie sa balita.
“Wala po yun, okay naman po kaming tatlo nila Derrick at Sarah—wala pong selosan na kung ano."
Isa pa, si Sarah ay nauugnay ngayon sa kanyang leading man sa Makapiling Kang Muli na si Richard Gutierrez.
RIVALRY. Mas lalo naman daw tumitindi ang rivalry nina Barbie at Bea Binene, habang tumitindi rin ang takbo ng kuwento ng Luna Blanca.
Nababalita rin na kapag sila-sila lang ang magkakasama ay hindi sila nagpapansinan. Nagpaplastikan lamang daw sila kapag kaharap ang mga fans.
Pero kinontra rin ito ni Barbie.
Aniya, “Mas tumitindi? E, ngayon nga pong magkasama na kami ng location sa Luna Blanca e mas madalas na po kaming magkakuwentuhan, e.
“Kasi doon po sa mansion, mahina yung signal kaya talagang kuwentuhan kaming lahat.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 soclose08
12 jams_mom
11 callmekeylee
10 lovelike
9 napazu7
8 aiskeep
7 aiskeep
6 whitehorse
5 diane84
4 SpaghettiBolagnese88
3 lhettdelrosario
2 gobernadora
1 kalawangin