Hindi diretsahang sinagot ni Shaina Magdayao ang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang reaksiyon niya sa nababalitang pagkakamabutihan ng ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz at ni Angelica Panganiban.
Nitong mga nakalipas kasing mga araw ay madalas na namamataan sina John Lloyd at Angelica na magkasama.
Lalo pang umigting ang usap-usapan na may relasyon ang dalawang Star Magic talents nang mag-post si Angelica ng larawan nilang magkasama ni John Lloyd sa photo sharing site na Instagram.
(CLICK HERE to read related story.)
Nang tanungin si Shaina tungkol dito, sabi niya, “I’m always grateful dahil lahat naman ito nangyayari for a reason. I am blessed by God.
“Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, hindi ako nawalan ng faith sa Panginoon.
“At kahit na ano pa ang nangyari before, I’m never bitter about life.
“I always think things happen for a reason and it must be His perfect plan.”
Ayon pa kay Shaina, kung may mga tao man siyang pinasasalamatan, ito ay ang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga na hindi bumibitiw sa kanya.
“I’m glad that I have good friends around me. I have my family around me.
“And nandiyan yung mga fans ko na talaga namang sumusuporta at nagmamahal kay Sarah at Shaina.”
Sarah ang pangalan ng karakter na ginagampanan niya sa ABS-CBN afternoon soap na Kung Ako'y Iiwan Mo.
Bukas na ba siya sa bagong pakikipagrelasyon?
“Ayoko muna, I’m very much enjoying my life. Ganun muna tayo,” sagot ng young actress.
KUNG AKO'Y IIWAN MO. Isa raw sa nakatulong kay Shaina ay ang magandang feedback at mataas na rating ng Kung Ako’y Iiwan Mo.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
4 avidreader53
3 PTnextdoor
2 chowee143
1 pilyangmaganda
more comments