news

Roderick Paulate realizes how much he loves showbiz after getting a taste of politics

by Monching Jaramillo posted on August 18, 2012  STATS: 7347 Views | 7 Comments

Nagsalita ang batikang aktor na si Roderick Paulate kaugnay ng mga ibinabatong akusasyon sa kanya bilang councilor ng second district ng Quezon City: “Alam mo, meron din palang setback yung…meron din palang negative effect yung maganda ang survey mo. Kasi magagalit pala sila pag minamahal ka ng tao. Mahal ka nila, tapos ang taas ng survey mo. Parang pag-iinitan ka.”

Photo By: Aldrien Poe

“Basta manalig lang. Manalig lang at malalampasan natin.”

Kumusta naman ang kanyang mga nasasakupan nitong nakaraang pagsagupa ng matinding ulan dala ng hanging habagat? Nag-feeding program ba siya ulit?

“Oo, ang dami. In fact, August 7 yung bugso ano? August 6 pa lang, nagpi-feeding na kami.

"Kasi malapit yun sa barangay ko. Lalo na yung Bagong Silangan, yung laging pinupuntahan ni Presidente.

"Yun, yung lagi kaming nagpapakain.”

Mabuti at may pera pa siya para sa kanyang proyekto?

“Bakit naman hindi, e, nandiyan naman si Malou Fagar? Andiyan naman si Tatay Tuviera,” pagbanggit niya sa top executives ng TAPE Inc.

“Eto na, alam mo, nagpasalamat ako, hindi naman sa ano talaga… Kaya lang, habang nangyayari ito, mabait ang Diyos. Yun lang ang masasabi ko.

"Kasi mas lalo akong minamahal ng tao sa barangay namin at saka sa district namin.

“Dumami ang trabaho, dumami ang nagtiwala. Pag bumababa ako, mas nararamdaman mo yung… alam nila.

“Ang maganda dito, yung distrito ko, mulat.

"Mulat sa katotohahan. At mulat sila kung anuman ang nangyayari sa distrito ko kaya mahal na mahal ko sila."

IN POLITICS FOR PUBLIC SERVICE. Ano ang mas matindi o mas mahirap: politics o showbiz?

“Alam mo, sa showbiz—mas lalo kong minahal ang showbiz.

"Kasi dito, sa totoo lang, alam natin lahat ang nangyayari. Alam mo kung sino yung umaaway sa ‘yo.

« Prev  1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • milomilo123

    08/20/2012 | 06:59 AM
    nasabi mo nalang yan ngayon kasi naboking ka na, palusot pa
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Orangina_123

    08/19/2012 | 03:16 AM
    Tumulong ka ba talaga sa mga binaha sa lugar nyo o mga ghost people din Lang yan at imbento?...para kang yung mentor mo sa pulitika na taga syowbiz din...may mga ghost moviegoers daw sa nabokyang anniv. Movie nya na the healing...hihihi
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    08/18/2012 | 06:34 PM
    sa showbiz ka nalang kuya dick maraming ghost na kaibigan dyan sa pulitika !!!!!kunwari lang ang mga yan sa harapan mo at dahil alam nila na hindi mo alam ang pasikot sikot kaya na biktima ka.....matagal ka na sa showbiz at inaalagaan mo talaga ang pangalan mo noon pa man pero ayan pumasok ka sa showbiz biglang may ghost employee ang binagay na award sa iyo.....
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    shidax
    08/18/2012 | 06:35 PM
    PS....pumasok pala sa pulitika....
    0credibilitycmod
    08/18/2012 | 07:06 PM
    masyadong sikat at kilala ng media si roderick para gamitin ng mga manloloko,hindi yung kaseng sikat ni roderick ang tatargetin ng manloloko para gamitin...baka talaga ngang may ginawa si roderick,pag sikat kase madali makahikayat at makaloko ng tao kaya ginamit nya pangalan nya para makakuha ng tiwala, pero madali din mabisto dahil maraming mata nakatingin kaya ang sigurado jan hindi sya ginamit ng manloloko, sya talaga mismo gumamit ng pangalan nya para makakuha ng tiwala at makapanloko..
    shidax
    08/19/2012 | 12:07 AM
    aba malay natin ayaw masapawan ng kilalang kalaban ni dick sa posisyon kaya ginawa nila yan?kababago palang gagawa na ng ganyan si dick????parang sanay na sanay sa pasikot sikot sa pulitika ang gagawa ng ganyan....papaano makakaproduce ng isang katerbang fake names si dick sa isang taon na pagkakaupo nya?e di sa pagpepeke palang mabibisto na yan at siguradong manginginig sa takot na yang si dick dahil baguhan pa lang?pag sa politics labanan magkaibigan at magkamag-anak nga nagpapatayan dahil din sa agawan ng puwesto sa pulitika iyan pa kayang kilala lang?
    0credibilitycmod
    08/19/2012 | 04:02 AM
    hahaha very obvious na guilty si dick...sobrang bait nya ngayon at di makabasag pinggan...lol..anyway love ko pa rin si dick as an actor and comedian so dedma jan sa issue na yan as long na di na nya uulitin..
  • gagaka_noh

    08/18/2012 | 05:42 PM
    may mga tao lang tlgang mahilig manira ng iba at may mga tao rin nman na madala maniwala sa paninira ng iba.....pero ganun tlga reality of life, weakness of soul and defect of mind...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • skittlesrainbow

    08/18/2012 | 01:29 PM
    balik showbiz kasi nabisto na baho nya sa circus na pulitika ng pinas!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    angel_laos
    08/18/2012 | 03:59 PM
    sus! hnde yon totoo. paninira lng yon sknya. mabait c kuya dick at hnde nya un magagawa
  • Aginaya

    08/18/2012 | 12:33 PM
    Mabuhay ang mga Ghost Employee mo. Awooooo!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    08/18/2012 | 12:28 PM
    Sotto Revilla Paulate mga kapuso mga yan...
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    gobernadora
    08/18/2012 | 08:15 PM
    kabayan noli kapamilya yan
    iam_brainful
    08/18/2012 | 11:18 PM
    its the past. forgetthe past, remember the present. do u understand?
    pearl102
    08/19/2012 | 01:28 PM
    Hahaha, may sayad talaga si IAMBRAINFOOL.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About