news

Katrina Halili's lawyer says Katrina never testified that she knew her sexual tryst with Hayden Kho Jr. was being videotaped

by Rose Garcia posted on August 18, 2012  STATS: 17364 Views | 14 Comments

Nilinaw ng abugado ni Katrina Halili na si Atty. Raymund Palad ang sinasabing alam ng kanyang kliyente ang pagkuha ni Hayden Kho Jr. ng sex video nila. Ito raw ay konklusyon ng korte at hindi nanggaling kay Katrina.

Photo By: Gorgy Rula

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng abugado ni Katrina Halili, si Atty. Raymund Palad, sa pagbabasura ng Court of Appeals ng kasong Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act), na isinampa ng aktres laban kay Hayden Kho Jr.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Atty. Palad, una nang na-dismiss ang kasong inihain ni Katrina laban kay Hayden sa Pasig Regional Trial Court Branch 159 noong December 14, 2010.

(Sa bagong reports, ang petsa ng paglabas ang desisyong ito ng Pasig RTC ay January 25, 2011.)

Umapela sa Court of Appeals ang kampo ni Katrina, ngunit nabigo pa rin silang mapausad ang kaso.

Ayon sa inilabas na desisyon ng Court of Appeals, hindi ang pagkakagawa ng sex video ang nagdulot ng “emotional and psychological distress” kay Katrina.

Sabi ng korte, ang pagkaka-upload at pagkakalat ng video sa Internet ang maaari raw dahilan ng distress ng aktres.

Ito ang ibinigay na dahilan ng Court of Appeals upang muling ibasura ang kasong ito.

Taong 2009 nang unang sampahan ni Katrina si Hayden ng kaso ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act (RA No. 9262), matapos kumalat sa Internet ang kanilang sex video.

KATRINA IS NOT AWARE. Nilinaw ni Atty. Palad sa eksklusibong panayam ng PEP sa kanya sa telepono kahapon, August 17, ang sinasabi ng Court of Appeals na alam daw ni Katrina ang pagbi-video sa kaniya ni Hayden.

Sabi ng abugado ng aktres: “Yung alam ni Katrina ang pagre-record ay conclusion ng court. 

“Pero hindi ito galing kay Katrina. Conclusion yun ng korte. 

“Sinasabi ng korteng imposibleng hindi alam ni Katrina dahil kasi raw, yung camera, malaki, malapit sa TV, at imposibleng hindi niya alam na kinukuhanan siya.

“May dance video sila na—yun, alam ni Katrina.

“Kaya parang ang theory ng court, si Katrina, ‘Imposibleng hindi mo alam?’

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  cheetos789

    08/19/2012 | 11:52 PM
    siguro manahimik na lang sya. alam nyang mali makipag sex sa di nya asawa, lalo pa't alam nyang bf ng friend nya. so nung sya ginawan ng mali, todo react sya?! kung di kasi sya nakipag sex, e di walng video.. so manahimik na lang sana sya at ituwid na ang buhay nya. sana tama na at tapos na ang effort nya for that maniac doctor. move on, iha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  wanna_change

    08/19/2012 | 01:45 PM
    anong klaseng korte... nag-conclude yung judge na may consent si Katrina na hindi man lang tinanong kung alam ni Katrina na naka-video sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  LosAngeles

    08/19/2012 | 05:45 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  gayfairy

    08/19/2012 | 04:06 AM
    the pt is .... alam or hindi alam ni katrina ang sex video, hindi p rin ito dpt i-upload s multi-media.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  shidax

    08/19/2012 | 12:17 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • marrhedge

    08/18/2012 | 06:20 PM
    Move on na Kat. Mauwi din sa wala ang lahat . Bigyang pansin mo na lang ang magiging anak mo. Bagong silang , bagong pag-asa. Remember, maraming nagmamahal sa yo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovelike

    08/18/2012 | 04:11 PM
    Korek Kat, ang importante tanggal ang license Nya bilang doctor!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • nothing_personal

    08/18/2012 | 02:24 PM
    Dont worry about this now. Just worry about your baby katrina. People are so insensitive. The best give right now is having a bundle of joy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iamjeniferg

    08/18/2012 | 01:39 PM
    Katrina naaawa ako sayo kaso pumatol ka kasi sa may jowa na... ayan tuloy....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • skittlesrainbow

    08/18/2012 | 01:32 PM
    concentrate ka na lang sa anak mo teh, walang sympathy ang tao sa'yo kasi nang-ahas ka ng boyfriend ng iba!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    iamjeniferg
    08/18/2012 | 01:40 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • lanalang08

    08/18/2012 | 12:38 PM
    get over it. magiging ina ka na ay iyan sex video case pa rin ang hinahabol mo. tigilan mo na si hayden and move on. tignan mo si maricar reyes nabura na sa isipan nang mga tao ang video niya dahil tumahimik lang siya di katulad mo panay ang ingay kaya walang nangyari sa buhay mo hanggang ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iloveJL

    08/18/2012 | 11:46 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovevibez7

    08/18/2012 | 11:46 AM
    NO WONDER OF INJUSTICE SYSTEM SA PILIPINAS!! Pati korte eh nagsisinungaling din.... Wala na talaga ang Pinas... Kudos to You Katrina!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    08/18/2012 | 11:23 AM
    kung ako sayo katrina tigilan mo na yan pinapayaman mo lang ang abogado mo nyan na wla naman kayong mapapala..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About