Masaya ang buong cast and crew ng Cinemalaya 2012 entry na Mga Mumunting Lihim dahil magkakaroon ito ng commercial run at graded A pa ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Noong Martes, August 14, nagkaroon ng presscon ang pelikula sa may Guilly’s Bar sa Tomas Morato. Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga bida ng pelikula na si Judy Ann Santos.
Masaya si Juday dahil kabi-kabila ang proyektong ginagawa niya sa kasalukuyan.
Bukod sa Mga Mumunting Lihim, tatlong proyekto pa ang pinagkakaabalahan niya ngayon—isang pelikula at dalawang TV shows.
HALIPAROT NA FAIRY. Inusisa ng PEP si Juday tungkol sa bago niyang pelikula kasama sina Senator Bong Revilla at Vic Sotto, ang Si Agimat, Si Enteng At Si Ako.
Kuwento niya, “Ako kasi ang pangalan ko dun.
“Ako si Ako, ang pangalan ko dun ay Ako… isa akong engkantada ng kalikasan.
“So, yun ang role ko, ako ang taga-protekta ng mga gubat, ng mga park, tapos naghahanap ng mapapangasawa sa katauhan nina Agimat [Bong] at ni Enteng [Vic].
“Kaya tinawag ko na lang yung sarili kong ‘haliparot na fairy,’ kasi parang unang shoot pa lang namin ay hirap akong ilagay ang sarili ko sa character, kasi hindi ko alam kong ano ba talaga ako dito.
“Hanggang sa noong pangalawang araw, yun na, nakamada ko na yung character.
“Nahuli ko na yung gusto ni Direk Tony [Reyes] kaya yun, naisip ko, ako yung harot na fairy kasi maharot. Alam mo yung yuppie na fairy?”
Nilinaw namin kay Judy Ann kung haliparot o harot na fairy ba ang gagampanan niyang role?
Parang patanong niyang tugon, “Pareho, magkaiba ba ang ibig sabihin noon?”
Magpapa-sexy kaya siya dito?
Natatawa niyang sagot, “Kaya ko ba yun? Parang ang dami ko pang dapat gawin. Hindi, ‘no!




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 lotuss
5 afkl11
4 alexabianca
3 lifehouse232
2 iambrainfulgay
1 teteth