“Yuppie, na fairy, na may crush kay Enteng at Agimat. Doon magsisimula ang gulo—sa akin.”
COMEDIENNE JUDAY. So mailalabas niya dito ang pagiging komedyana niya?
Matatandaang nagko-comedy si Juday sa ilang pelikula nila noon ng asawang si Ryan Agoncillo—ang Metro Manila Film Festival entries nilang Kasal Kasali Kasalo (2006), Sakal Sakali Saklolo (2007), at My House Husband (2011).
Sa telebisyon naman ay ipinamalas din nilang mag-asawa ang kanilang galing sa pagpapatawa via ABS-CBN’s sitcom George and Cecil (2009-2010).
Ani Juday, “A, oo. Sana maitawid ko yung comedy side ko na yun—baka nawala na siya sa akin, di ko masabi.
“E, English pa kaya, teka muna, huwag kayong mag-expect masyado, ha.”
BOX-OFFICE PRESSURE. Kumusta katrabaho sina Senator Bong at Bossing Vic?
Pag-amin ni Juday, “Alam mo, sa totoo lang, na-starstruck ako sa dalawa. Uhm, parang hindi-hindi ako makapaniwalang ako yung nasa gitna ng dalawang naglalakihang leading men with Senator Bong and Bossing Vic.
“Marami namang puwedeng iba, di ba?
“Yung talagang sakto dun sa karakter, pero bakit ako?
“Alam mo yun? May mga ganun kang tanong, e.”
Agam-agam pa nito, “Paano ko ba to itatawid? Deserve ko ba talaga ang karakter na ‘to? Sadya bang ako ang nararapat na gumanap dito?’
“But then again, again thankful ako na napili nila ako, kasi palagi ko sinasabi na it’s a once in a lifetime opportunity na makasama sa isang proyekto ang dalawang malaking artista.
“And it is something na I’m very really thankful dahil, kumbaga, ang Enteng at ang Agimat ay nasa magkaibang history ‘yan ng MMFF, pinagsama mo sila, at ako yung nasa gitna.
“Na nakakatuwa, nakakataba ng puso, sana…




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 lotuss
5 afkl11
4 alexabianca
3 lifehouse232
2 iambrainfulgay
1 teteth